Chapter Nine: That Woman...

5K 55 26
                                    

At 7:00 o’clock in the morning.

Inaabangan na ako ni Aaron sa labas ng bahay.

“Oh babe, kanina ka pa dito? Dapat nag door bell ka para pumasok ka muna sa loob.” Pagsara ko ng gate...

“Medyo kararating ko lang din babe.. Kumain ka na ba?”

Napatitig ako sa kanya, parang namumutla siya.. “Oh, babe. May sakit ka ba? Ba’t namumutla ka? Kumain ka ba? Naligo ka ba? Nagpulbos ka?” biro ko kunwari sa kanya..

“tara na.. medyo hindi okay ang pakiramdam ko ngayon.” At  kinuha niya kamay ko at nagsimula ng maglakad.

“teka bhe... bakit pumasok ka pa? Hindi pala okay pakiramdam mo? Hayyy....” pag-aalala ko sakanya.

“wala to... okay lang ako. Uminom na ko ng gamot.”

“talaga?” at hinawakan ko ang mga pisngi niya. “Tsk! Kawawa naman ang babe ko” at hinalikan o siya sa pisngi.

“Hay..... parang effective babe yung kiss, isa pa nga! Baka gumaling na ako agad.” Biro naman niya.

“Hmmmm... sabi ko na ihhh!” saka ako ngumiti at hinalikan naman siya sa kabilang pisngi.

Ang sarap talagang mag lambing sakanya..

--------------------------------

Pagdating namin sa school, nagpaiwan na ko kay Aaron sa harap ng building namin.

“Oh Joanna, di ka pa ba pupunta sa room?” ang isang classmate ko..

“hindi na muna, medyo maaga pa naman eh!” at nginitian siya..

Makalipas ang ilang minuto, may humintong kotse sa harap ng building namin. At bumaba ang driver ng sasakyan. Isang babae..

Nakuha niya ang atensyon ko dahilan para mapatitig ako sa babaeng bumaba sa sasakyan. Maganda, morena, long hair at sosyal manamit. Pero..... bakit parang familiar siya??

Dahil ako lang ang nakatayo sa harap ng building na yon, lumapit siya sa akin... “Hi.. Good Morning! Pwede ba ko magtanong?” mahinhin pa niyang pagsasalita.

Hmmm.... “Arte yah! Ngunit sosyal ang suot mong damit kailngan mahinhin na magsalita? Hmp! Actually nga nagtatanong ka na eh” Sa isip isipko lang naman.. “Ummm.. oo naman po. Ano po ba ‘yon?” ginantihan ko din ng mahinhin na sagot.

“Ahm... Kilala mo ba si Professor Dennis De Guzman? Dito ba siya sa building na ‘to nagtuturo?”

Whaaaaaaaaaaaat?? Si Dennis?? Hindi kaya ito yung babaeng kasama niya las night? My Gaaaaaaad! Eotteoke! (Korean word for Ano ang gagawin ko?!)

“ahm..... si Sir Dennis po ba?? Ahm.. hindi pa po ata siya  dumarating, sino po ba kayo?”

“Ah... future girlfriend lang naman niya ako! I just want to visit him. Saan ba faculty dito?”

HUH! FUTURE GIRLFRIEND? NEKNEK MO! Kainis tong babae na ‘to ah! So ibig sabihin nililigawan siya ni Dennis! Lande niya huh? Siya pa bumibisita sa nanliligaw sakanya! WTF!” Sa isip isip ko ulet. Hahaha.

“Ay ganoon po ba Miss???” at tinaasan ko siya ng dalawang kilay ko..

“Ah.. I’m sorry. By the way, I’m Jeanne. And you? Istudyante ka ba niya?” pagtatanong pa niya.

And so..... paki mo! Siya lang naman ang first romance ko! Echoss! Hahaha. ~~ ahm... yes Ma’am Jeaane! Sige po papasok na po ako.” Paalam ko na sakanya. Nakakainis lang!

So...... Playboy ka Dennis! Lintek! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

Bago pa ako makarating sa room na papasukan ko, natanaw ko ang sasakyan ni Dennis na paparating. Napahinto ako sa paglalakad.

Nang makababa ng kotse niya nilapitan niya agad ang babaeng kanina lang ay nakausap ko. Ang lalong nagpainis sa akin ng ibeso beso pa ng girl si Dennis.

huh! Beso beso ang peg! Buwisit!

at nagpatuloy na ako sa paglakad patungo sa class room namin.

Habang hinhintay yung professor namin for this morning, napaisip isip na naman ang ako..

Akala ko ba? Mahal niya ako? Akala ko ba hindi niya kaya ng iniiwasan ko siya? Pero ngayon ilang araw lang na hindi ko siya iniiwasan may nililigawan na siya! Langya naman!”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

After ng klase namin....

Habang naglalakad ako papuntang canteen sana nakasalubong ko si Dennis. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko siya titignan.

Napahinto ako ng tawagin niya pangalan ko..... “Joanna?”

Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit... “Si.... Sir Dennis?”

“Magmimiryenda ka ba? Sabayan mo na ko.”

Whaaaaat? Baliw talaga siya!

“Hindi na po Sir.. Pupuntahan ko din po si Aaron eh!” At pinagpatuloy ko na yung paglalakad.

Naiinis pa rin talaga ko, hindi ko alam kung bakit kailangan kong mainis! May karapatan ba ako? O wala?

Pagdating ko ng canteen hinanap ko kaagad si Aaron. Pero mukhang wala pa siya. Naghanap ako ng mauupuan.

Ilang minuto ang lumipas saka lang dumating ang bebe ko.

“Bhe.. sorry ngayon lang. Tagal magpalabas nung prof namin eh! Di ka pa ba umorder ng miryenda. Ano ba gusto mo?”

“Kahit ano na lang bhe.. Ikaw na bumili tinatamad ako eh!” at nginitian ko siya.

Nawala talaga ako sa mood. Ano ba talaga ‘tong nararamdaman ko? Seloooooooossssss? OMG! Hindi puwede!

----------------------------------------

At 5 o’clock in the afternoon...

Palabas ako ng school namin. Katulad pa rin ng dati ako lang naglalakad mag-isa tuwing uwian na. Lungkot.

Nagring ang celphone ko.... dali-dali ko namang kinuha iyon sa bag ko. At ang calling......... “Sir D” Ohhhhh Myyyyy! Ano na naman kaya ang kailangan niya??

“Ehemmmmmmmm.... Hello? Bakit po?”Mahinahon ang pagsagot ko.

“Nasaan ka?” pagtatanung niya agad.

Nagtataka naman ako kung bakit... “Palabas po ng school Sir... bakit po?”

“ahm... pwede ba tayo magkita ngayon?”

Whaaaaatttt? Nakikipagkita siya? Syete! Ano gagawin ko?

“ummmmmm... Bakit po nakikipagkita kayo?” nagpaligoy ligoy muna ko. Naexcite ako na ewan. Hayyyy! Baliw ka na rin talaga Joanna!

“May gusto lang akong sabihin sa’yo, sana pwede ka. Hihintayin kita malapit sa simbahan. Sana makarating ka.” At biglang...... CALL ENDED!

WOW HUH!

OMG! Ano gagawin ko? Makikipagkita ba ako?” sa isip-isip ko.

Ano pa nga ba... edi go na!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry kung nabibitin ko kayo! :)) Hanggang dito muna chapter nine. may kadugtong pa! thanks for reading my first work! :)) ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Night Stand With My Professor...(Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon