Chapter Six: Magpapakamartir...

4.8K 41 1
                                    

Nakauwi na kami sa wakas....

“nandito na po kami..” pagpasok namin sa bahay..

“oh? Bakit kaaga niyong umuwi? Hindi niyo naman ata sinulit ang pagpunta niyo sa La Union.” Pagsalubong sa amin ni Papa.

“baka po kasi my assignments pa si Joanna kaya umuwi na po kami agad. Ito nga po pala my pasalubong kami sa inyo ni Mama..” iniabot niya ‘yung souvenir ng binili namin at kaunting pagkain. “nag abala ka pa. Oh siya, kumain na ba kayo? Umalis si Lety (pangalan ng mama ni Joanna) naggrocery sa bayan.”

“busog pa po kami.”

------- kahit nakakapagod, sulit naman, at sulit sa kilig! HAHAHA. Umuwe na si Aaron. Ako naman ay nagpahinga na muna.

Nagising ako sa pagring ng celphone ko na nasa ilalim ng unan ko.

... Konnichiwa! Konnichiwaaaaa. Konnichiwaaaa!... pag ring nito..

“Sir D Calling” ... huh? Bakit siya tumatawag... inayos ko ang boses ko at sinagot ang tawag.

“Hello?”

Hello. How are you?” parang ang lambing ng boses niya.

“ahm. Okay naman po. May kailngan po ba kayo?” kaagad ko ng tinanong..

Wala naman. Gusto ko lang marinig ‘yung boses mo. At gusto ko lang din tanungin kung bakit hindi ka pumasok kahapon?”

“aaah. Gano’n po ba? Ahm...” hindi ba dapat hindi ko na sinagot ang tawag niya? Dapat iwasan ko na siya? Pero bakit eto na naman ako nakikipag usap sa kanya?... “ahm.. sumama po kasi ang pakiramdam ko. Kaya hindi na ako nakapasok. Sige po bye na.” Pinatay ko na ang tawag niya.

Ano na naman ito? Sinabi ko na sa sarili ko na iiwasan ko na siya para kay Aaron. Pero bakit ito na naman ang puso ko na bumibilis na naman ang pagtibok. Ano ba talaga ‘tong nararamdaman ko. Nakalimot ako ng isang gabi sa nangyari sa amin ni Dennis. Pero ngayong nagparamdam na naman siya, naalala ko ang lahat.

----------------

Monday..... pasukan na naman...

Magkasabay kami ngayon pumasok ng Bebe ko. Parang tulad ng dati, masaya kami. Naghaharutan habang naglalakad.

“akalain mo.... pagtitinginan ka ng mga tao ng gano’n. Kahit naman ako eh talagang......” nagbibiruan kami.

“ano? Talagang ano huh?”at sinundot sundot ko siya sa tagliran niya.

“talagang...... ano nga ba? Talagang nagandahan at nasexihan sayo.” Pinisil pa niya ang pisngi ko.

“kaw talaga bebe... hmmm! Talagang sinadya mong bilhin ‘yon sa’kin para makita mo ang kasexihan ko noh? Nakooooo...” biruan pa namin. Saka kami nagtawanan.

----- ang saya... akala ko no’n hindi na kami magiging ganito ulet. At feeling ko lalo siyang nagiging sweet sa’kin ngayon. Talaga kayang hindi niya ako iiwan? At talaga bang siya ay sa akin lang at ako ay sa kanya lamang? Masasabi pa kaya niya sa akin ‘yon pag nalaman na niya ang lahat.

Holding hands while walking kami. Feeling ko ayaw na niyang bitawan ang kamay ko. Ganito ko pala siya kamahal. As in sobrang mahal. Hindi ko lang alam kung bakit gumawa ako ng kasalanan sa kanya.

“sige na. Pumasok ka na sa room niyo, wala pa ata prof niyo.” Saka pa lang niya binitawan ang kamay ko.

“Sige.. pumunta ka na rin sa klase mo..” pumasok na ako sa room.

Pagpasok ko.... nagtitinginan ang mga classmate kong babae, siguro naiinggit na naman at hinatid ako ng boyfriend ko na type na type nila. Hummmm... ihead to toe niyo pa ako. Wala akong pakielam. :D

One Night Stand With My Professor...(Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon