Chapter 1

13 0 0
                                    

Life is like a movie, when you are dead, you have the best seat in the house. That is true for me. Now that I am up here, I could see and hear those that I left behind. I wish I could touch them and they could hear me, but I guess that is too much to ask for. My life on earth is enough for them to know me, at this point even if I'm gone, they would still know how I feel, or what I would say or what I think.

Unfortunately, my life ended earlier than expected and it was not an ordinary death. It was part of history at hindi lang history ng mundo kung hindi history ng bawat taong naiwan ko na naging parte ng buhay ko.

Ako nga pala si Emilio, Emil for short. It's been eight years since I last saw the people who made my life on earth meaningful. For them I'm a star looking down at them, for me I'm the air that's silently surrounds them.

Nakatingin si Caloy sa salamin habang inaayos ang kanyang buhok. Tinititigan niya ang mukha niya na parang walang nabago kahit ilang taon na ang lumipas. He knows how much he has changed through the years pero walang makikitang bakas sa pang labas niyang anyo. Handa na siya pumunta sa Kasal.

Habang nagmamaneho hindi maiwasan bumalik sa alaala ni Caloy ang nakaraan, ung panahon na simple pa ang lahat. Ung panahon na mga bata pa kame at napaka daming pangarap. Napakadami na nga nag bago.

Ngayon si Caloy ay may sariling graphic design studio na pinapatakbo niya ng mahigit isang taon na. Si Anya nagtratrabaho sa isang Banko sa Australia, si Melissa ay may maliit na travel agency at si Josie na head ng isang department sa isa sa pinaka malaking telecommunication Company sa Pilipinas.

Nakarating si Caloy sa Simbahan at sinalubong siya ni Josie.

Josie: Naku Caloy medyo late ka na!

Caloy: Huh? Eh 4:30 pa ang start diba?

Josie: eh kasama ka sa entourage, diba usapan 4:00 andito na?

Caloy: Sorry! Sorry!

Josie: Ito isusuot ko na sayo.

Tinitigan ni Josie si Caloy habang isinusuot niya ang Boutonnière nito.

Josie: May gusto ako sabihin sayo.

Caloy: Ano?

Josie: Ito sana ung unang kasal sa groupo naten. Pero wala si Anya at Emil eh.

Caloy: O iiyak ka na namn niyan eh.

Josie: Hindi ko kase masabi kahit kanino, kahit kay Melissa. Ikaw lang nakakaintindi sa akin.

Caloy: Let's just be happy. For Melissa. This day is all about her.

Josie: You're right.

Nag simula na ang kasal. Si Caloy, isa sa mga Groomsmen, habang si Josie naman ay ang Maid of Honor. Napaka gandang bride naman ni Melissa. Hinihintay siya ni Gareth sa Altar. Hindi inaasahan ng lahat na sila rin pala ang magkakatuluyan, pagkatapos ng madami nilang away at hiwalayan.

...From this moment I have been blessed I live only for your happiness And for your love I'd give my last breath From this moment on...

Halos lahat ay may luha sa kanilang mga mata habang pinag mamasdan lumakad si Melissa patungo sa altar. Kahit si Caloy ay hindi maiwasan maluha dahil na rin sa saya ng nararamdaman ni Melissa.

Pagkatapos ng cememony, nagkaroon ng pag kakataon na magkaroon ng picture si Josie at Caloy, kasama ang bride at groom. Ang sarap nilang pagmasdan at tama si Josie, andun sana kame ni Anya sa picture na iyon.

Napili nila Melissa at Gareth na gawin sa isang hotel ang reception ng kanilang kasal. Malapit ito sa Manila bay at maganda talaga ang napili nilang venue, simple man tignan ito, hindi mapagkakaila na pinag handaan ito at mukhang mamahalin ang lahat.

Magkasama sa Table si Josie at Caloy, pinag mamasdan nila ang first dance ng couple.

Josie: Kelan ang punta mo sa Sydney?

Caloy: Next week na.

Josie: Sana ma close mo ang deal sa client na yan.

Caloy: Oo nga eh. Napaka laking business opportunity ito.

Josie: Balak mo bang puntahan si Anya sa Melbourne?

Caloy: Sino bang nakaka alam ng address niya?

Josie: Yun lang. Ipa imbestiga mo kaya? Para may closure kayo.

Natawa si Caloy. Pero ilang linggo na rin gumugulo sa kanyang isip kung makikipag kita ba siya kay Anya. Matagal na rin silang huling nakapag usap. Simula ng decide sila na maghiwalay nawala na rin ang communication ni Anya kay Melissa at Josie.

Caloy: Kamusta naman ang date mo pala? Ung sa Architect?

Josie: hahaha. Wala eh. Bagsak.

Caloy: Ikaw na! Lahat nalang ng lalaki may mali para sayo.

Josie: Hayaan mo na, tatanda akong dalaga.

Tinawag ng host ang mga single ladies para sa bouquet throwing. Ayaw ni Josie pumunta, pero napilit ito ni Caloy. Hindi inaasahan ni Josie na siya ang makakakuha ng Bouquet.

Caloy: tatandang dalaga pala ah!

Lumapit si Melissa kay Josie at Caloy.

Melissa: Josie! Caloy! Salamat sa tulong niyo para sa wedding namin. Nag eenjoy ba kayo?

Caloy: Congrats Melissa! We're so happy for you.

Josie: Melissa, pilitin mo nga si Caloy na puntahan si Anya.

Melissa: Malapit na pala alis mo noh? Naayos na naming lahat ng travel needs mo. Ready ka na? sabihin mo na lang kung i-book ka pa namin sa Melbourne.

Caloy: pwede wag naten pag usapan ngayun yan, this is your wedding day.

Josie: I-ninvite mo diba si Anya dito sa Wedding?

Melissa: Oo naman, pero hindi naman siya sumagot.

Josie: Alam mo kung saan nakatira si Anya?

Melissa: Hindi pero ung isang Flight Attendant ng PAL na kilala ko, kilala si Anya. Nagkita sila sa Melbourne para abot ung invitation.

Natapos ng masaya ang kasal ni Melissa kay Gareth. Nag paalam si Caloy kay Josie.

Caloy: Are you sure you're okay?

Josie: Yes! I'm okay, go ka na! Maaga pa meeting mo tomorrow. Pauwi na rin ako, I'll just assist Melissa baka may kailangan pa gawin dito

Caloy: Okay then. Take care.

Josie: Call me before you leave okay?

Umalis si Caloy. Iniisip pa rin niya kung makiki pag kita ba siya kay Anya.

Truly. Madly. Deeply.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon