Chapter 2
*Ay Tanga!*
"Aica! Aica!"
Unti-Unti akong Dumilat..
"Xie.. Bakit nandito ka? Na-nasaan Ako?"
"Nasa hospital ka.. Natagpuan kang walang malay sa isang puno malapit sa bangin.. Sabihin mo ano bang nangyari sayo? yung hula?"
Hinawakan ko yung ulo ko habang dahan dahang bumabangon para makaupo "Ang naaalala ko lang nagliwanag yung balon.. May tao akong nakita at sinasabi nya na kupido ko daw sya.. Ewan kung panaginip yun? pero parang totoo eh"
"Wait Aica! Pupuntahan ko lang saglit yung Doctor ipaparecheck ko yung X-ray.. Baka kasi nabagok ka! wait lang ah!"
"Sandali hindi ako--" At tuluyan na syang nakaalis.. Sasabihin ko sanang hindi ako nasisiraan.. wew.. Naisip siguro nun na nahihibang ako.. pero malinaw talaga yung mga pangyayari.. tingin ko hindi talaga panaginip yun..
"Aica! yuhoo!" Nilibot ko yung buong kwarto sa pamamagitan ng aking mga mata pero wala namang tao.
"Guni-guni ko lang siguro" sabi ko habang umiiling.. pahiga na sana ako nang may narinig ulit akong nagsalita.. this time malapit na yung boses..
"Ang lambot naman ng bagay na ito haha" May tao sa gilid ng kama ko at pinapalo yung kama ko..
"I-ikaw!?"
Lumingon sya sakin at nagsmile "Hi Aica ok ka na?"
Napaatras ako at napabalot ng kumot.. Bakit nya alam yung palayaw ko?
"Simple lang narinig ko yung Kaibigan mong tinawag ka sa pangalan na yun!"
Natulala ako.. Nababasa nya yung iniisip ko?
"Tama ka dyan!"
Dali- dali kong inalis yung kumot
"Sabihin mo! Engkanto ka ba?" Lakasang loob na sabi ko..
"Mukha ba akong Engkanto?" Sabay turo nya sa mukha nya..
Tiningnan ko sya ng maigi...
Maputi yung balat nya.. Matangos yung ilong.. Di naman sya mukhang Eng kanto.. Kung tutuusin Gwapo din sya ah..
"Salamat naman kung ganun haha" Nagsmile sya ng sobrang wide at kinakamot yung ulo nya.. Na parang nahihiya..
"Stop Reading my mind!"
"Ay sorry! Edi naniniwala ka na hindi ako Engkanto?"
"Oo na! Bakit mo ba ako sinusundan!?"
"Dahil nga ako ang Kupido mo!"
Dali-dali kong kinurot yung pisngi ko at pumikit
"Danica! Gising na! Pagtumagal pa tong panaginip na ito baka masiraan ka na talaga ng ulo sige ka!..."
Idinilat ko yung isang mata ko at pumikit ulit..
"Jusko!! Ano ba to? Bakit ayaw kong magising? Andyan parin sya Waaaaaaaaahh" Mas lalo ko pang nilakasan yung kurot baka sakaling magising na nga talaga ako..
"Wag mo ngang saktan yung sarili mo!.." Hinawakan nya yung dalawa kong kamay at binaba ang mga ito..
Dahan-dahan akong dumilat..
"Namumula na tuloy yung pisngi mo tsk tsk!.." Hinawakan nya yung pisngi ko at tiningnan..
Kitang kita ko yung mukha nya ng malapitan at natutulala ako..
Mukhang hindi panaginip ang lahat.. Ano bang nangyayari sa mundo? Sa mundo ko?
"Maniwala ka na kasi!" At tuluyan na syang lumayo..
BINABASA MO ANG
Love Arrow (On Hold)
FanfictionCrush ko sya pero di nya ako pinapansin.. Kupido i need your help!