"ano ba kasi yun at hinihingal ka?para kang hinahabol ng pitong kalabaw! maka katok pa wagas!" Iritang tanong ni Auie sa namumutlang boyfriend na si Wilfred.
"ssssshhhh! kailangan natin umalis dito ngayon din! nanjan na sila!" takot na takot na tugon ni wilfred. Hindi maipaliwanag ni Auie ang dahilan ng pagkataranta ng nobyo kaya naman matapos nyang isara ang pinto ay agad nyang tinabihan ang nobyo sa sofa at pinilit na tumingin sa kanya si wilfred habang nasa mukha ng nobyo ang kanyang mga palad."Baby, we need to leave now!wala na sina owel at tricia,hindi na sila babalik kaya halika na!" pilit na kalma ni wilfred.
"anong wala na sina..." naputol na sinabi ni auie ng biglang bumukas ang pinto at nkitang may pumasok na isang malking paniki at sinundan pa ito ng isa pa at isa pa.
"AAAHHHH!! WILFRED PALABASIN MO ANG MGA YAN!" takot na sigaw ni Auie at laking gulat nilang dalawa ng bigla na lamang sumunggab ang mga malalaking paniki sa kanila at dahil mahinhin gumalaw si auie ay kinagat sya sa balikat ng isa sa mga ito dahilan para lalo pa itong mapasigaw at maiyak sa sakit. Halong takot at taranta naman ang tanging nagawa ni wilfred.
"Aaahhhrrrgggghh wilfred saklolo!" sigaw ni auie at saktong tutulong na sana si wilfred sa kawawang nobya ay bigla namang pumasok si owel na animoy hindi na si owel. ibang iba na ang anyo nito. mabalahibo at itim ang buong katawan, may mga matatalim na pangil at kuko,malangsa ang amoy na animoy naligo sa hasang ng mga bulok na isda at ang mga tenga ay pahaba at mabalahibo. Tanging ang punit punit na damit lamang ni owel na puno ng mantsa ng dugo at dumi ang pagkakakilanlan sa kanya kaya alm ni wilfred na si owel ang aswang na iyon. Ibinaling ni owel ang tingin niya sa kaibigang si auie na ngayon ay nasa sahig at nakadapa at pinagpipiyestahan ng tatlong malalaking paniki at ang tanging maririnig lamang na ingay ay ang mahinang sigaw ni auie at ang lagaslas ng mga pakpak ng mga paniki. Napangiti si owel ay inilabas ang matulis na dila at agad din naman nitong ipinasok sa loob ng kanyang bunganga at akmang susunggaban na si auie para kainin ngunit nagsalita si wilfred dahilan para hindi magawa ni owel ng binabalak.
"owel?... ka...kami to... si wilfred to pare...nakikilala mo kami diba?" ani wilfred sa kaibigan at kababata.
""AAAARRRAAAYYYY" malakas na sigaw muli ni auie nang kagatin ng isang paniki ang gawing mata ng dalaga dahilan upang lumuwa ito at bumulwak ang dugo.
"pare ayaw kitang saktan pare pero paalisin mo lang ako dito kahit kainin mo na si auie!" dagdag pa ni wilfred dahil batid nyang wala nang pag asa ang kanyang nobya. Magsasalita pa sana si wilfred ng buglang sa kanyang likuran ay may kumalabog at nasira ang dingding na sawali at pumasok ang isa pang kaibigan nya na si ron at bigla syang kinagat sa leeg na dahilan para matanggal ang malaking parte at tumagas ang dugo at bumagsak si wilfred sa sahig at mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Isla Tahimik (Book III)
TerrorAuthor's note: Ang librong ito ay kathang isip lamang. To All of my fans... (wow fans!! lol) na naghihintay ng story na to, eto na! Im excited to challenge myself once again for a good read and a more detailed story so gumawa ako ng book 3. Aside fr...