Chapter Thirty: "She's Back"

7K 103 3
                                    

Zairene POV


"When will you come back, Zairene? The school will really miss you. You know that, mademoiselle?" I nodded and hugged Esmee, my manager and teacher for 3 years. I was starting to cry. "You will find him and you two will be reunited again. I believe that, Zairene." Esmee winked at me as I hear my name being called as the last passenger being waited to be boarding in the plane.


Naglakad na ako papasok.


I'm finally going back.


Babalik na ako para kay Leux. Matagal ko rin 'tong hinintay. Matagal na matagal. Even though there's many question disturbing me pag nakabalik na ako doon.


Does Leux still love me? Did he move on? Am I still the one who's making him smile?


Gusto kong umasa na ako pa rin yon. Gusto kong umasa na pagbalik ko, ako pa rin lahat ng yon. I will take all the risks. Alam kong iniwan ko siya over my dreams, but that didn't mean that I don't love him anymore. I had to do it.


I had to make my mom happy.


My mom can't dance ballet anymore since hindi na stable ang isang bone niya sa kanang paa. Nabali kasi yon when she was dancing at nung natapos na yung operation, she couldn't dance anymore. Masyadong masakit pag laging na's'stretch ang bone na yun.


She was devastated. She didn't want any bone transplant either. She hated other bones being put to her body. Nasa buto na yun ang talent niya, it's like kinukuha na din yon at pinapalitan. She doesn't like replacements. She wanted only the original.


Kaya I learned ballet for her. Then it became my passion. She was happy for me and said I would make my own name. Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya. If she can't dance ballet anymore, then I would. For her.  I was 15 at that time.


Until I met Leux.


Nakita ko siya sa isang playground malapit sa amin. He had a bloody lip. Naalala ko pa nga that when he stared at me, he just suddenly wiped the blood on his lips and stood up. Pinakilala niya ang sarili niya sa akin. He was just as naive as I was back then.


16 siya nun and I was 15. Sabi niya sa akin na nakipag'away siya because some group of guys didn't let him enter the playground kasi nga "teritoryo" nila yon. He thought it was ridiculous because if you want to play, kahit anong edad ka pa, the playground will be of that use.


I invited him to the house and aided his bloody lip. He was always smiling when I was doing it. Ngumiti rin ako sa kanya. It felt like my heart was bouncing when he looks at me.


Then the rest is history.



"Attention please! All passengers boarding at the Philippines, please buckle your seatbelt and get ready for landing."
      


(A/N: Hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi pag nasa airplane e. XD)


--


Leux POV



"So kamusta na daw si Echo?" Tanong ni Dad kay Ate Hera. Ate Hera looked at me.


"Okay daw." Sagot ko at pinagpatuloy ang pag kain ko. 


"Parang wala ka sa sarili mo." Bulong ni Ate Hera sa akin. Anong wala sa sarili ko?


"Ano bang wala sa sarili ko, huh?" She elbowed me and looked at Erina. Tumingin rin ako sa kanya. Tugdug. Tugdug. "Ah! Ano ba, kumakain ako. Stop disturbing me." Ngumiti siya bigla.


"Whatever, Leux Luciano. Is your heart stammering inside your chest? HAHAHAHAH"


"You're crazy." Tumingin ako ulit kay Erina at nakita ko siyang nakatingin...saken? Umiwas agad siya ng tingin sa akin at kumain ulit.


"A-ano, s-sorry." Sabi niya tapos kumain na lang ulit ako. Naiirita ako na ewan. Bakit pa kasi siya nakaupo sa harapan ko? Pwede naman siyang umupo sa tabi ko.


Well at least I wouldn't see her so much when I'm eating.


Simula nung nangyari sa ospital, she wouldn't even look at me. May dumi ba sa mukha ko? Wala naman ah. It's like I was a disease or something. Naiinis ako. It's not like I forced her on that kiss. Sinabi ko naman sa kanya ah na hahalikan ko siya! AGHHH! Kainis.


Di ko naman alam kung ano yung ninakaw ko. Big deal ba pag sa ulan ko ginawa?! Damn.


"Tapos na ako." Tumayo na ako at di na tinapos yung pagkain ko.


Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Something was pissing me off.


"AHHHHH! KAINIS!" Tinapon ko yung unan sa pader.


Kinuha ko and cellphone ko at tinawagan si Sean. Alam kong may alam yun. Maraming alam yun pag ganito. E ano ba kasi 'to?! EWAN KO! Basta tatawagan ko siya. Pshhh


"Oh, boss? Ano problema natin? May away ba?"


"Wala." Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "A-ano kasi, bakitbagalitangisangbabaepagkinuhangisanglalakiangdreamkissniya?"  Binilisan ko ang pagsabi kasi nakakahiya. =___= Bakit ko ba nga ba 'to tinatanong?! Ah, dammit.


"Ano yun? Di ko na'gets. Paki-ulit."


"Bakitbagalitangisangbabaepagkinuhangisanglalakiangdreamkissniya?"


"Wait ah. BAKIT.BA.GALIT.ANG.ISANG.BABAE.PAG.KINUHA.NG.ISANG.LALAKI.ANG.DREAM.KISS.NIYA?" =____= Kailangan ipag-isa'isa? "HAHAHAH! Teka, teka ah. Boss, in love ka ba? High ka na ata e! Di ka naman nagtatanong ng ganito noon ah!"


"Gusto mo kunin ko girlfriend mo?" Natahimik ang kabilang linya.


"Wag naman.. Di mabiro? Oh edi ganito, dream kiss ba? E kasi nga..gusto ng isang babae na ang kukuha lang ng dream kiss niya e yung taong mahal niya at mahal siya. Gets na ba?" 


"E mahal ko naman s---ahhhh."
Binaba ko na yung tawag tapos humiga ulit.


Ba't ba kasi ako nagkakaganito? There's that weird feeling again.


Bumangon ako at naglakad papunta dun sa pinto, binuksan ko yun tapos nakita kong walang tao. Wala pa siya. Naglakad-lakad ako sa loob at nakita yung towel na hinagis ko sa kanya nung isang araw. Nakalagay lang yun sa cabinet na malapit sa kama niya.


Kinuha ko yun at binasa ang mga letra na naka-ukit sa may ends ng towel. Yeah, I asked the embroider to put these words into the towel. Hindi niya siguro 'to binasa. I think I'm falling in love with you. Yun ang nakalagay. Ayoko nga sana ipalagay.


Binalik ko na yung towel dun sa pinagkuhanan ko at pumasok ulit dun sa kwarto ko. Pero lumabas rin naman ako ng kwarto ko. =_______=


I hear the doorbell ring.


Bumaba ako para buksan ang pinto. It's still early. Ugh, nakakainis. Nasan ba kasi yung maid?! Ba't ako magbubukas nung pinto?! Ah, whatever. Bahala na.


I turned the knob and opened the door.


"Der. I'm back!" Bigla niyang akong niyakap.

I felt my heart stammer again inside my chest.


"Zairene."

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon