Chapter Nineteen: "Sisterly Love"

7.2K 115 6
                                    

marj_arian , salamat lagi sa mga votes na binibigay mo! Grabe. You've been like my 3rd or 2nd reader? XD Basta thank you lagi sa suporta at sa pagbabasa. Kung pwede lang kitang yakapin ngayon, ginawa ko na. One of the reasons bakit sumusulat pa rin ako sa watty. =))

Also to CampusLeaf, girl_princess, jaNe08 :)

C H A P T E R   N I N E T E E N : Sisterly Love

Zairene POV

Huh, 15 days to go. I'm going back to the Philippines. Makikita ko ulit si Leux---gusto ko na siyang makita. I left him miserable. Now, I'm coming back to make him happy. Kamusta na ba siya? Is he still doing okay? May nag-aalaga ba sa kanya?

I miss him.

3 years made me realize how important Leux is to me. Alam kong hinihintay pa rin niya ako. Alam kong mahal niya pa rin ako. He never loves somebody that easily. Walang pumapasa sa standards niya, sabi niya sa akin noon. Well, I did. Dahil alam ko ang lahat tungkol sa kanya. Alam ko ang mga ayaw niya at gusto. He hates dirt. He hates walking. He hates annoying people forcing him to do something he clearly doesn't like. He loves his sisters.He loves me..

Ugh, I just wanna see him again.

Pero kailangan ko 'pang tapusin ang ballet. Just 15 days more. I'll be free.

"Miss Zairene? Please head to the dance studio. Miss Dinsky is waiting for you." Sabi ng isa sa mga dancers na kasama ko. I nod in response.

"I will be coming. In a minute, please." Umalis na siya. Inayos ko na ang sarili ko.

Another practice for our last dance next week. Yun na ang final namin na performance before we graduate. Yeah. I went here in Paris to dance ballet. It was my dream. It's finally coming true.

I walk up to the stage and replicated the teacher's moves in front of us.

--

Erina POV

"Siya na ba yon...Ate Hera?" Narinig kong may nagsalita sa tabi ko. Boses bata.

"Yes, Sienna. She's Kuya Leux's fiance." Sumagot ang isang boses, boses babae.

"Why is she here, ate?" Tanong ulit nung batang boses. Nakikinig ba ako ng role playing?

"She's injured." Sagot ulit nung boses babae.

Minulat ko ang mga mata ko at napapikit ulit ako dahil sa liwanag. Blurry ang paligid kaya pumikit-pikit pa ako para tuluyan luminaw yung paningin ko. Tinignan ko kung sino yung nasa tabi ko.

Isang batang babae, mataas ang buhok niya...kamukha niya si Leux. Anak niya? Hah. Imposible. Ang sungit nun. Magkaka'anak pa? Sabagay..sa dami ng nakuhanan niya ng v-card, why not? 

Tapos sa tabi nung bata, isang babae, matangkad. Siguro mga 5'4. 5'2 lang ako, e. Nakangiti siya sakin. Tapos hinimas ang mga braso ko.

"Hello, Erina. Ako si Hera. Kapatid ni Leux." A-ano raw? Kapatid? Ba't di ko sila nakita noon? "And kapatid ko, si Sienna." Tinignan ko yung batang babae sa tabi niya, walang emosyon sa mukha niya pero nakatingin lang siya sa akin na parang curious kung ano ako.

Biglang nag'wave yung bata sa akin.

"Ang ganda mo pala, Ate Erina." Sabi niya ng nakangiti. Ang cute niya!! Sinabihan niya pa ako ng maganda. Hehe. Walang nagsisinungaling na bata! Ngumiti rin ako kahit medyo masakit pa rin ang mga ribs ko.

"Kami muna mag-aalaga sayo. Since ayaw ni Leux and nag-aalala si Mommy, kami na lang. Right, Sienna?" Tumango yung Sienna.

"T-thank you..nakakahiya naman.." Tinapik niya ng mahina ang braso ko.

"Ano ka ba. Sister-in-law na kita soon, kaya wag ka nang mahiya. Walang ibang dadalaw sayo na maganda." Sabagay..maganda talaga siya.  "Leux calls me Ate Hera, pero Hera na lang para sayo." Ngumiti ako. Nag-a-ate pala yung Leux na yun? I kent belev et!

"Thank you ulit.."

"Alam ko kung ano yung nangyari sayo." tumawa siya ng mahina. "Wala namang nahuhulog sa kanal na ganyan ka'grabe. Tsaka isa pa, wala naman atang latigo yung kanal para magkasugat sugat ka kung saan saan, diba?" Tumango na lang ako, huli na e. Parang pulis pala 'tong si Hera.

"Hehe..please, wag mong sabihin sa nanay ko.." Ngumiti siya.

"Ansavvveeeeeh naman ng kanal sa sugat mo." Tapos tumawa siya. Napatawa na rin ako.

"Uhmm, masungit ba si Kuya Leux sayo, Ate Erina?" Tanong ni Sienna sakin habang nakaupo sa kama ko. Eeeek, hindi pwede magsinungaling.

"Ah, medyo.. Ayaw niya saken, e.." Tapos nakaramdam ako ng lungkot bigla. Ayaw ni Leux saken..

"Hindi Ate, masungit lang yun kasi wala si Ate Zair---" Tinakpan ni Ate Hera ang bibig ni Sienna.

"Hehe, wag mo siyang pakinggan." Tapos bumulong siya kay Sienna. "Sienna, no. Alam mong magagalit si Kuya Leux mo pag sinabi mo yan kay Ate Erina." Nag'nod lang si Sienna tapos sabay ngiti.

"Wala akong sinabi! Hahahaha!" Tumawa si Sienna tapos naglakad papuntang sofa at umupo, naka'cross arms siya at nakakunot ang noo na parang may hindi maintindihan.

"Sinong Zair?" Natanong ko bigla. Tinignan ako ni Ate Hera.

"Ah..ano..ex-girlfriend ni Leux for 2 years.." Nakikinig pa rin ako kay Ate Hera. Umandar bigla ang curiousity ko. Alam kong laging nambabae si Leux sa mga bar, pero may sineryoso pala siyang isa? "Uh, well, siya lang ang sineryoso ni Leux ever."

    "They met at Yancey High (A/N: Xavier University before in'edit ko lang.) Tapos nagkamabutihan until they became a couple. Masaya naman sila..as in minahal talaga ni Leux si Zairene. Pero isang araw, Zairene left for Paris to pursue her dream as a ballet dancer. Naiwan si Leux na miserable sa pagkawala niya. Ayaw niyang kumain, ayaw niyang lumabas...and then after 1 year ng pagiging ganun niya, nag'decide siyang hintayin si Zairene. Kahit alam naman niyang hindi na talaga siya babalik.. He joined a fraternity and became it's boss tapos kung anu-ano ng pinagagawa niya this past 3 years. He's really hurting inside, ramdam ko yon. Masyado lang siyang martyr."

"And then dumating yung arranged marriage. Alam mo bang ang saya ko nung nalaman kong may ipapakasal sa kanya? Makaka'meet na siya ng isang babaeng mag-aalaga sa kanya at hindi siya iiwan. Alam 'kong ikaw na yung babaeng kailangan niya.. I know you're right for him.." Ngumiti siya sakin. "Ewan ko lang dun sa kapatid ko."

Tugdug. Tugdug. Oh no, here goes that crazy heartbeat again. Para akong tumatakbo sa mabilis na tibok ng puso ko. Napansin ni Ate Hera ang pagtaas ng tibok ng puso ko sa EKG.

"Naiinlove ka na kay Leux 'no?" Tanong niya sakin. Nag'blush naman ako.

"Crush lang. Masungit yun. Nakakainis rin." Depensa ko. Anong in love? Yun? Sus, no way 'no.

Bumukas bigla yung pinto at pumasok ang isang lalaking ayaw ko pang makita sa mga panahon yun. Si Leux..

Oh my gulay. Nandun kaya siya habang sinasabi ni Ate Hera yung tungkol sa ex niya? Tumayo siya sa harap ni Ate Hera, he glared at her. Narinig niya ba talaga?

"Ate Hera..." Bumuntong hininga siya. Narinig niya talaga siguro... "nakalimutan kong bilhin yung Reeses ice cream mo. Maraming dust sa baba." Wew. "Ako na magbabantay sa kanya." Sabi niya sabay tingin saken. "Go, rest. It's 10 in the evening." Whoa. Whoa. 10 pm na?!

E kanina..hinahabol ko si Wayne... Kumirot bigla ang dibdib ko. Ouch.

"Sige sige. maiwan na namin kayo." Sabi ni Ate Hera. Tumayo na rin si Sienna na nakatulog sa couch.

"Bye Kuya!" Sabi ni Sienna sabay kiss sa cheeks ni Leux. Ngumiti ito kay Sienna.

Nakalabas na sila nang umupo si Leux sa tabi ko.

"So what other things did Ate Hera told you about Zairene?" Sabi niya habang nakakunot ang noo.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon