Jeje All The Way (Chicser Fans)

427 22 23
                                    

Jeje All The Way

Crush mo ba yung Chicser?

Bakit?

WhALa lAnG.,, AkaLaH KHo MaGkAuRiEee ThAy0!!! Ajejejejujuju 

***

Nakabasa at nakakita ka na ba ng mga ganyang conversation sa Facebook o sa Twitter? Kung hindi pa, napakaswerte mo. Pangarap ko kasing mabulag, wag lang makabasa ng ganyan. Promise. 

Kung mapapansin natin, karaniwan sa mga Fans ng Chicser ay mga Jejemon. Magalit na kayo, wala akong pakialaman, kasi alam kong totoo. Siguro sa 100% na fans, 80% ang mga Jeje, 10% ang hindi Jeje at 10% ang nagbago na ang buhay, na kung dati ay jejemon ngayon hindi na dahil sa trauma na nangyari nung na printscreen ang kanilang wall post sa Anti Chicser Page.

May iba't-ibang klase ng Jejefans

Jejecapslock 

Sila yung tipo ng Fans na parang may sakit. Up and Down ang pagkakatype ng mga words. Walang pakialaman sa mga taong may sakit sa mata. Maihahambing mo yung mga words nila sa Idol nila. Pasayaw-sayaw. Nakakahilo. Example: AhNg GhWapHo nHg ChIxSeR! oMg! 

Jejeperiods

Eto naman ang tipong sakim. Kung ang mga jejecapslock ay nakakahilo, eto naman nakakasakit ng ulo. Bakit? Grabe sila maglagay ng mga periods sa bawat words. Take note, BAWAT WORDS! Wag namang ganyan mga pare, nagkakaubusan na ba ng periods ngayon? Titirhan naman namin kayo eh. Ang damot ah. Example: Ahno........BhaNg.........Ghinhawa.......ng.........Chixcserss..........shainy0................Ang......samha......niyo.......... 

JejeAngrybirds

Ang mga ito naman yung tipong, ayaw magpatalo, galit sa mundo at kung pwede lamang pumatay ginawa na nila. Walang sinasantong komento o opinyon. Pinaniniwalaan lamang ang sarili at pawang bingi sa katotohanan. Kung ang mga Jejeperiods ay puro periods, etong mga 'to naman sangkatutak na Exclamation Marks. Example: Ahng Khapal namhan ng mUkha Niyohng Siraan Ang Chicser!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Wahla KayUng KaraPatan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Sama niyo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

JejeLien

JejeLien o ang tinatawag na mga Jeje Aliens. Yung pagiging jejemon nila ay masyadong Hardcore. Hindi mo na maiintindihan ang mga sinasabi nila. Minsan nagbibisaya na pala hindi pa namin alam. Sila yung tipong pagnag wall post sa page na Anti Chicser, hindi na binibigyan ng pansin kasi wala namang may ganang umintindi ng language nila. Sila rin yung mga loner, wall post nya, like nya. Example: hAnuuu VbaN6 6InaWAh Nh6 cH!cSir!?!?! (This stupid bastard like this post)

JejeSucs

Isa kang Tambay sa page kung alam mo ang meaning ng "sucs" na iyan! Congrats! *proud* Well, ang mga jejeng ito ay ang mga trying hard, walang kwenta, bobo at kailangan ng ikulong sa salang pagpatay sa ating Universal Language na English. Kung mababasa mo lang ang mga comment nila sa page namin, naku makakapatay ka sigurado. Maaawa ka nalang sa kanila at pipiliin mong magpakamatay dahil sa sobrang Bobo nila mag english. Okay, siguro sinasabi niyo, ang yabang ko masyado. Inaamin ko po, hindi ako ganun kagaling mag English pero for pete's sake! Pwede naman kasing magtagalog diba?! Kung hindi ka marunong at nag aalangan ka sa English mo, magtagalog ka! Parang awa mo na. Example: Your so very Insicure!!! Youre do not have The Right too judge they!! Fvck you to all the Anti chicser!! Iam so very angry this time!! I will killed you!! 

Oh ano? Nakatagpo na ba kayo ng mga ganyang uri ng jejemon? Malas mo. 

Ang problema kasi sa inyo, pwede niyo naman kasing ayusin ang pagta-type niyo. Masyado kayong nagpapaka hirap! Parang walang mga pinag aralan. -____- Seryoso, nakakairita kayo. Yung mga ganyang uri ng tao dapat ipinapatapon na sa bermuda triangle. Masama man, pero kinahihiya ko ang mga kababayan kong ganyan. 

Umiidolo na nga kayo sa mga Pilit na dancer, ganyan pa kayo? Ano nalang ang magandang katangian sainyo? 

Pero anong magagawa natin. Mapapatunayan lang na mga low class ang chicser dahil sa mga low class nilang fans. Hindi ko sinasabing lahat ng Fans, dahil marami akong kilalang matitino na humahanga sakanila. Ang wish ko lang sana, lahat sila ganun rin.

Tandaan niyo "Ang pagiging jeje ay hindi kailanman mapapabilang sa ating Lipunan. Bagkus, ikahihiya lamang kayo ng kapwa niyo kababayan."

*BOW*

~Bangs

Sabi Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon