Kopiko Vs Starbucks
April 11
Natuklasan natin ang isang nakaka facepalm na twitter war. Isang pangyayaring halos madamay ang buong Pilipinas dahil sa Hardcore na kahihiyan ng ilang mga Pinoy. Seryoso, halos itakwil ko na ang bayan kong sinilangan habang binabasa ang bawat tweet ng tga-ibang bansa kung saan nakikipagtalo sila sa kapwa nating Pinoy na walang iba kundi ang mga Chicser Fans.
Kita naman ang sense ng Title diba? Kung hindi eto pa ang ilang paghahambing.
Ukay-ukay VS Penshoppe
Tuyo Vs Beaf Steak
Nokia 3210 Vs Iphone
Ice Candy Vs Magnum
Chicser Vs 1Direction
Ibig sabihin, walang sense ang paghahambing niyo. Hello? Local to International? Wala ba kayong mga utak man lang? Eh kung sa buong Pilipinas hindi pa kilala ang chicser, worlwide pa kaya?! Isang malutong na mura panigurado ang matatanggap natin sa ibang bansa.
Ano namang kalaban-laban ng isang Chicser sa 1Direction? Wala! As in Wala! Kahit magpakamatay pa kayo ngayon sa harap ko, wala talaga. Walang-wala -_____-
**
Speaking of Wala, Wala na sana akong pakialam dito sa Issue na ito, as long as gwapo pa rin si Zayn Malik. Pero nung nabasa ko yung mga tweet ng tga-ibang bansang Directioners, parang nainis ako. Bakit? Nadamay na kasi ang bansa natin dito. Ng dahil sa paghahambing niyo, bumaba ang tingin ng ilang sa ating mga Pinoy.
Gusto ko mang pagtanggol ang Bansa natin, hindi ko magawa dahil alam kong mali ang ginawa ng kapwa nating Pinoy (Which is yung mga Jeje -__-) Pero kahit papaano, nakipag usap naman ako sa mga Directioners na itigil na ang pagtetrend at wag idamay ang basa natin. Yung iba nakinig naman. :)
At ang pinaka dabest?! Ay yung balita na ikinasela daw ang Concert ng 1D dito sa Pinas dahil sa naganap na Twitter war! Kung sino man ang nagkalat ng balitang ito, lagot ka sakin! Sana joke-joke lang yuuuuuun! T.T
So, ang ipino-point out ko dito, kung meron man akong pinopoint out XD, ay yung hindi paggamit ng utak ng kung sino man ang nagpatrend ng #ChicserFansVSDirectioners. Hello again! Welcome to the Internet Darling! Gamitin ang utak ha?! Hindi pinang aaraw-araw yan!
Sabi nga nila "Think before you Click" Isipin niyo kung sino ang mga binabangga niyo. Matutong lumugar at wag taasan ang mga tingin sa sarili. Ng dahil sainyo, Buong Pilipinas nadamay.
Nakakahiya, Hindi ba?
-Bangs