Second episode

74 2 0
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid.
Malinis at maputing kulay ang nakikita ko at walang ibang tao na nandirito kundi ako lang .
Sinikap kong maupo sa higaan ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang hapdi ng tuhod ko at sakit ng binti ko kaya minabuti ko na lang na mahiga sa kama at inaalala ang nangyari kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako at kung paano ako nakapunta dito ng mag isa.

Hindi kaya nag sleepwalk ak0?

Parang hindi ko naman ugaling maglakad ng tulog kaya imposible iyon.

"So,you are awake?"
Agad kong nilingon ang isang boses babae na sa tingin ko ako ang tinutukoy niya dahil ako lang naman ang nakahiga dito .

Maganda sya.,matangkad at maputi na sa tingin ko nasa mid thirties palang ito.

Agad akong umayos ng pagkakaupo kahit medyo masakit parin ang mga binti ko .
"Dont be worry iha,you are fine now..medyo nagkaroon ka nga lang ng kunting damage sa binti at ankle mo..na sa tingin ko ay masyado itong napuruhan sa pagbagsak mo at oo nga pala isa pa ...nilagyan ko na rin ng ointment ang tuhod mo dahil sa pagkakaroon ng gasgas.alamo na baka magkamark pa sayang naman ang kinis"

Doctor ba sya o reporter??
Kung maka explain naman talagang dinitalye pa isa isa.

"Anong oras na?" Tanong ko dito na nakatingin lang sa kanya.
Kaagad nyang tiningnan ang relos nitong suot at saka binalik sa akin ang tingin.

"1:43 pm"

What!??

Ganoon ako katagal matulog??
Kanina lang umaga pa tapos nakatulog lang ako ng kunti heto na mag hahapon na.

"I need to go" at kahit masakit pa ay kinaya ko nalang na tumayo dahil kailangan kong makahabol ng oras para sa next subject ko ngayong hapon.
Hindi na nga ako naka pasok kaninang umaga tap0s pati ba naman ngayon??

Damn that gate!!
Nang dahil sa kanya kaya ako nandito ngayon!!

"But you need to rest"

"Nakapagpahinga na ako.kaya hindi ko na kailangan pa"

"Pero paano ang binti mo? "

"Kaya ko pa namang maglakad kaya hindi na kailangan"

"Bumalik ka nalang ulit dito kapag medyo hindi pa rin gumagaling ang sakit ng binti at ankle mo..may inlagay narin akong medicine jan sa bag mo sakaling kailangan mo" hindi rin ito madaldal no??

"Okey..i have to go,bye!"

Pero bago pa ako lumabas ng kwartong ito ay dumaan muna ako sa salamin na sa gilid lang nito ang pintuang lalabasan.

Aish..ano ba itong mukha ko halatang kakagising lang.

Itinali ko lang ng maayos ang buhok ko pataas at saka ako dumeritso palabas ng hindi na lumingon sa doctora..

Para ano pa?

Magpaalam??

Tsss..kanina ko pa ginawa ..

Naglalakad ako palabas ng clinic na kasabay ding tumunog ang phone ko kaya mabilis pa sa alas kwatro ko sinagot ito.

"Yes? Why?" Bungad ko sa kanya habang unti unti akong humahakbang palayo .

Maganda rin pala ang labas nito.
Magarbo at makukulay ang makikita dito.
Pang elites talaga.
Kung alam ko lang noon na may ganito pala edi sana first year hs palang ako ay dito na ako nag enrol.

yon nga lang sira na ang first day ko kaya nawalan na ako ng ganang libutin ang kabuooan nito na pinag isipan ko pa kaninang umaga habang paakyat ako ng puno.

Sleeping With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon