Sumapit na ang gabi pero heto ako nakadapa sa kama at nakababad sa laptop .
Nagreresearch sa history ng school na ito.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa at hindi ko rin alam kung bakit hangang ngayon wala akong makita na imahe na syang may ari ng school na ito..Bukod sa no result found at please enter the code ang lumalabas kung titingnan ko ang picture ng owner of school.. ang pine-press ko..
Tsk..Napaka private naman masyado tong history ng bwesit na school na ito..
Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko at mag aalas otso na pala..
Huh??
Ganon ba ako katagal sa pag hahanap ng history?
At inabot ako ng ganitong oras?Seryos0?
Tsk tsk..kaya ayaw na ayaw ko ang humaharap sa laptop.nasasayang ang oras ko sa kakababad dito .
Total naman ay medyo kumakalam na sikmura ko ay agad na akong naghubad ng aking saplot at saka bumabad sa bathtub. ...
Kailangan ko lang ng 35 minutes para dito saka ako bababa upang mag hapunan..**************************************************************************************♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Pagkatapos kong babarin ng ilang minuto ay agad na akong nagbihis .
Simple lang naman ang suot ko.Pantalon na puti at sleeveless na black na dinoblehan ko ng varsity skyblue jacket.
.
Of course ang mabango kong lotion na johnsons baby lotion essence na kulay violet na agad kong pinahid sa balat ko at simpleng spray ng lux cologne..Oo mapera kami pero hindi ibig sabihin noon magiging sosyal na ako sa beaty kit ko.
Duh!
Bata palang ako gustong gusto ko na ang amoy ng johnsons kaya ipinangako ko sa sarili ko na bibili ako nito ng isang dosena..Nakakacheap man pakinggan atleast wala akong pakialam.
Ibinulsa ko na ang wallet ko kasama ang susi ng dormroom ko saka ako lumabas patungong elevator.
May mga nakakasabay ako na iisa rin lang ang patutunguhan kaya hindi na ako nag aksayang magtanong pa kung saan ang cafeteria dahil doon naman ang mga ito kakain..
"Gosh.nagaksaya pa akong magpaganda para lang sulyapan ni papa zave"
"Mukha kang clown lam mo ba yun?, bukod sa makapal mong make up mas dumagdag ang kakulayan ng mga pinangpares pares na suot mo"
Dahil nasa likod ako ay hindi ko maiwasang tingnan ang babaeng mukha daw clown sa ayos ng hitsura.
Tss.kahit ako hindi ako talaga magsisinungaling.
Damit na kulay rainbow ang kulay at shorts na maikli na kulay red..
Tss..
Minsan talaga kahit gaano kapa kaganda at kaputi kung wala kang fashion sa sarili mo wala talagang tatagal na tatabi sayo.
"Parang hindi ka kaibigan.you know?"
Maarte pang sagot ng clown (daw) sa kaibigan nito.."Tsk.kaya nga im your friend dahil nagsasabi ako kung ano ang totoo."
Parang akala mo nasa kwarto lang sila na sila lang nag uusap.
Hindi ba nila nahahalata or nararamdaman man lang na sila lang maingay dito?"Newbie?"
Tanong ng isang boses babae na kung hindi ako nagkakamali ito yung babaeng katabi ko sa kabilang kwarto ko na nagkasabay kaming lumabas kanina."Yeah." Tipid kong sagot sa kanya.bukod sa wala naman akong ibang sasabihin wala narin akong time para makipag chikahan
.."Teresa jones .right?"
BINABASA MO ANG
Sleeping With A Stranger
Actionnaaaninag ko na ang sikat ng araw pero parang gusto ko pang matulog dahil sa masarap at malambot na bagay na aking yakap yakap... hmmmm....at ang bango pa.. parang hindii ko naman maalalang pinabangohan ko ang unan ko... "stop smelling me,before i...