Nagmamadaling pumanaog si Carlos sa kanyang sinasakyang bike ng makita nya sina Alex, Robert at Kurt na nakikiusyoso sa nagkukumpulang mga tao sa daan. Papunta sana sya sa kalapit na grocery store para bumili ng bigas ng makita nya ang mga ito. Nagtaka rin sya na kung bakit may mga police din dun at SOCO na pilit pinapataboy ang mga taong usyusero. Hindi nya alam kung bakit, pero parang hindi nya magugustuhan ang sunod na mangyayari.
"Tol, anong nangyari?" tapik ni Carlos kay Alex na kasalukuyang kausap sina Robert at pilit pa tinatanaw kung ano ang nangyari dun. Awtomatikong nabaling ang atensyon nila Alex sa padating na lalaki at agad nila itong binati ng masamang balita.
"Tol, si Daryl.."
Hindi na maintindihan ni Carlos ang sinasabi nito ng napaatras sya at parang hinahalukay ang kanyang sikmura sa kanyang nakita. Rinig na rinig pa nya ang iyak ng mga magulang nito na parang alulong ng mga aso na nanaghoy sa kalaliman ng gabi.
Si Daryl, na nakanganga at nakatusok rito ang maraming kable, sa kaliwang mata nito, sa leeg, sa magkabilaang balikat, at lima sa tiyan. Halos hindi na nga ito makilala dahil punong-puno ng dugo ang katawan nito at nilalangaw pa na para bang ilang araw na ang bangkay nito.
"Dami kong katanungan tol. Bakit sya natusok dyan eh maraming mga poste ng ilaw sa paligid? At saka imposibleng matusok din sya dyan, eh may nakalibot na lubid oh !!" halos nagsusumigaw na saad ni Alex at itinuro pa ang walang galos na lubid na nakapalibot sa kable.
"Hindi lang yan tol, bakit sya matutusok sa kable? Okay lang sana kung sa bawat kable parang kutsilyo ang pagkatulis eh, pero hindi diba? masyado ba talagang malakas ang impact para matusok sya? Pero paano?" saad ni Robert na sinangayunan nya sa kanyang isipan. Base sa kanyang nakita kanina, nakakapagtaka ang pagkamatay nito. Sobrang baon na baon ang pagkatusok na ang lahat ng mga kable ay nakalabas na sa katawan.Ipinilig na lang nya ang kanyang ulo para mawala ang nakakasukang imahe na unti-unting bumabalot sa kanyang isipan.
"Tama. Na para bang tumalon ito sa 10th floor ng building at bumagsak sa mga kable." dagdag ni Kurt na sinangayunan ulit nilang lahat. Kinikilabutan sya sa pangyayari, lalo ng hindi nila matukoy na kung paano natusok ito sa nakahalang na mga kable.
Mabuti nalang talaga at Sabado at pang closing pa yung shift nya kaya may oras pa syang makikiusyoso muna kasama ang mga ito. Sakto namang tumawag sa kanya ang presidente nila sa room na si Kaye at may urgent meeting sila sa conference room nila at nagpunta naman agad sila.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa dahil alam kong marami kayong pinagkakaabalahan sa weekend nyo. Kasali tayo sa iimbestigahan ng pulisya hindi lang sa pagkamatay ni Daryl kundi dahil na rin sunod-sunod na pagkamatay ni Mr. Balcos at Mariz." paninimula agad ni Kaye, pagkadating nila sa room. Narinig nya ang bulong-bulongan ng mga kaklase nya at pati pagtutol ng iilan. Nilinga nya ang paligid at nakitang wala dun sina Manolo at Rommel.Wari'y nakita naman yun ni Kaye at sya na ang sumagot sa tanong ng kanyang isipan.
"Wala tayong magagawa at wag kayong mag-alala dahil imbestigasyon lamang ang magaganap at hinihingi ng paaralan ang inyong buong kooperasyon para madali lang itong matapos. Hinuha nilang may nangyayaring pangbubully sa loob ng room. " Saad nito at saglit na huminto at nagpatuloy "Sa kasalukuyang nasa presinto ngayon sina Manolo na kung saan sila yung panghuling tao na kinontak ni Daryl." dagdag ni Kaye na mas lalong nagsibulongan ang mga kaklase nya.
"Guys, guys! Wag kayong mag-isip ng kung ano-ano. Hindi lang naman tayo ang iimbestigahan eh, kundi pati na rin ang buong school kasi lingid sa ating kaalaman, hindi lang sila Mr. Balcos, Mariz at Daryl ang namatay these past few weeks, pati narin ang kaschoolmate natin na sina Celeste Madrid, Kathilyn Ponce, Jomar Tubigon, Mark Toralba, Felipe Angeles, Janilyn Toquerro, Lizette Amores, Peter Amuin at saka si Micah Florante." Patuloy ng room president nila na ikinagimbal ng lahat.
BINABASA MO ANG
Don't break the Chain!
Horror"Ako po si Joana Marie Moreno. Ako po ay pinagmalupitan ng mga taong nag ampon sakin at pinabiyaan. Ako ay ginahasa, tinorture at pinatay. Itinapon nila ang bangkay ko sa likod ng aming bahay. Maraming mga taong nakakakita sa paghihirap ko pero laha...