Chapter One

48 2 0
                                    

"Hoy! Bestie tulala ka nanaman tanghaling tapat nananaginip ka. Iniisip mo nanaman siya noh? Hahaha"

Gaga talaga tong best friend ko kung anu-ano ang pingsasabi. Hahaha

Ako nga pala si Freya Mae Wright 18 years old. May lahi akong American kase half Filipino half American papa ko kaya lahi lang. BS Business Administration course ko 2nd year na ako sa Barrons University. Angat kami sa buhay kase ang mga magulang ko may mga business. TAKE NO MGA BUSINESS. Si mama businesswoman/chef. May-ari lang naman sya ng Guzman's Restaurant. Isa sa mga sikat na resto sa Pilipinas dahil sa sarap ng mga pagkain. Si papa naman businessman may-ari sya ng Reya Resort o mas kilala sa RR at may mga shares sa Victory Hotels. Hiwalay ang parents ko kay mama ako nakatira kase may bago ng pamilya si papa pero nagkikita parin naman kami tuwing weekends.

"Ui Freya nakikinig kaba kanina pa ako daldal ng daldal. Sino ba kase yang iniisip mo at parang wala ka sa sarili?" sabi niya.

"wala hindi naman importante. Ano ba kasing sinasabi mo?"

"Sinasabi ko lang naman na sainyo ako matutulog mamaya kase wala akong kasama may business trip ang parents ko."

"hay naku Ella alam ko na yang style mo. Gusto mo lang matikman ulit ang luto ni mama."

Oo nga pala si Ella Reyes bestfriend ko yan since grade 4 classmates kami transferee ako tapos palagi akong inaasar dahil sobrang taba ko at palagi pa akong nakasuot ng salamin. In short fatty nerd.

"Alam mo bff nga kita kase kilalang- kilala mo ako. So ano payag kana?" kumikinang pa yung mga mata nya habang hinihintay yung sagot ko

"hmmmm NO. May mga maids kana man sainyo ibig sabihin may kasama ka." Natatawa ako reaksyon nya parang pinag sakluban ng langit at lupa.

"Bestie sige na. Miss ko na si mama Stella pati luto nya." Sabi nya habang naka nguso

"NO, makikipag kwentuhan ka lang sakin. We have our exams tomorrow I need to review kaya mag review ka nalang sainyo." Nagpipigil ako ng tawa ang sarap nya kasing asarin.

"Hahaha wala kanang magagawa nag text na ako kay tita Stella at pumayag na sya kaya sainyo na ako uuwi. So tara na." tatawa- tawa pa nyang saad.

"Pero..." may sasabihin pa sana ako kaso bigla nya nalang akong hinila. Kaya tumayo nalang ako.

Pero pagtayo ko nakita ko sya. Naka ngiti at.. at

Kumaway pa sya saakin. Ito na ata ang chance ko.

Fatty Nerd turns to a Hot BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon