August 17, 2012
4:53 PM"Ayoko na" ako. Habang nakayuko, umiiyak at naka-upo sa isang tabi.
"Pagod na pagod na ako" bulong ko sa sarili ko. Ako lang kasi mag-isa dito sa dorm ko. Ayoko ng may kasama, gusto ko laging mapag-isa. Masaya kasi ako pag ako lang mag-isa, yung walang magtatanong sakin na kung ok lang ba ako. Ayoko kasi ng ganun, parang mas naiinis lang ako. At mas naiiyak ako.
Thankful naman ako kasi andiyan yung iilan kong kaibigan para i-comfort ako, sadyang ayoko lang talaga ng ganun. Nakuha niyo ba ako?
Nagtatanong kayo kung ano problema ko? Yun nga e. Di ko din alam. Oo, baliw na ata ako. Halu-halo na ang mga iniisip ko.
Andiyan yung pinoproblema ko yung mga kaibigan ko, na feeling ko wala lang ako sa kanila, na pakiramdam ko hindi ako kawalan sa kanila. Alam niyo yun? Bigla bigla nalang kayo maiiyak pag naiisip niyo yun.
Isa pa about naman sa family ko, attention nila at acceptance nila. Attention, napaka babaw at intangible na pangangailangan ng halos lahat nga mga kabataan ngayon. Though may trabaho si papa, ok lang, tanggap ko yun. Pero yung sa mama ko na tinuringang housewife, hindi pa magawa. Yung simpleng pag-gising sa umaga para asikasuhin ako, kami ni papa ay di niya pa magawa. Yung tipong ako na nga lang ang anak nila, di pa ako mabigyan ng attention. Acceptance, di naman to yung sinasabing di nila ako tanggap. I mean yung Program na gusto ko ang hindi nila tanggap kaya lagi nila akong pinapagalitan, sinisigawan. Kasi nga yun parin ang program na ti-nake ko. Ang Bachelor in Advertising and Public Relations. Gustung-gusto ko kasi ang mag-organize ng mga events. Yung makipag-usap sa harap ng maraming tao, at mapatawa sila. Pero ayaw ng sarili kong mga magulang. Ang gusto nila para sakin ay Civil Engineering. Di naman sa mahina ako sa math, actually mataas ang grade ko sa math nung Highschool ako. Sadyang ayoko lang talaga sa program na CE.
Yun ang mga problema ko. Mababaw man para sa inyo, sobrang lalim naman para sa akin.
Pag-katapos kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayong araw, nag-ayos na ako ng gamit ko. Wala kasi kaming pasok bukas and the following day kaya uuwi muna ako sa amin, baka mag-alala pa mga magulang ko. Lalo na't di ako naka-uwi last week.
Saka miss ko rin naman sila kahit papano. Lalo na yung mama ko. Mahal na mahal ko yun. Nararamdaman niyo ba ako? Yung tipong kahit anong gawin ng mama mo na hindi pag-aalaga sayo, hindi mo parin maalis sa sarili mo na mahal mo siya.
August 18, 2012
9:47 AM*tok tok tok tok*
(tunog ng kinakatok na gate)
Pagka-katok ko, lumabas naman agad ang mama ko. . .
Na Walang ekspresyong makikita sa kanyang mga mata.
Ganun pa man, nagmano at humalik parin ako sa kanya.
"Oh buti umuwi ka ngayon" mama. Habang lumalakad papunta sa bahay, habang nila-lock ko ang gate.
"Wala na po kasi kaming ginagawa." Ako.
Pag-pasok ko sa bahay, pa-akyat na sana ako sa kwarto nang nakita ko si papa sa dining room, nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.
Kaya naman pumunta muna ako sa kanya saka nag-bless at humalik sa kanya.
Magagalit kasi yun pag hindi ako nag-mano sa kanya. Kung anu-ano nalang bigla lalabas sa bibig niya, hanggang sa lumayo at lumalim na ang usapan.
"Andito ka na pala. Kumain ka na ba?" Papa. Dito ako nata-touch kay papa e, kaya mas close ko si papa. Kaya lang minsan may ugali talaga siyang hindi maganda. Lalo na pag tinotopak siya.
"Opo pa. Kumain na po ko kanina sa dorm bago ako umalis."
Wala ng sinabi si papa at saka siya humigop ng kape niya. Pa-akyat na sana ulit ako ng bigla ulit akong tawagin ni papa.
"Glory halika dito. Nagawa mo na ba?" Papa. Hay nako, eto nanaman tayo. Ayoko talagang pinag-uusapan tong bagay na to
BINABASA MO ANG
God's Plan
General FictionIf God says no, then follow Him. He has a better plan for you. Let's read the plan made by God to His princess' relationship on her family, friends and her partner in life.