"Glory halika dito. Nagawa mo na ba?" Papa. Hay nako, eto nanaman tayo. Ayoko talagang pinag-uusapan tong bagay na to"Ano ba? Bat di mo pa ginagawa? Saglit lang naman yun. Para naman sayo tong ginagawa namin, hindi para samin blah blah blah"
Di ko na narinig pa ang mga sunod niyang sinabi.
Rinding-rindi na ako.
Sawang-sawa na ako.
Pagod na pagod na ako.
Lagi nalang kasi ito ang pinag-uusapan namin.
Sa tuwing uuwi ako galing dorm,
Sa tuwing sabay kami kumakain sa hapag,
Program ko lagi ang pinag-tatalunan namin. Ang program na Civil Engineering.
"Sabi ko sayo gawin mo na. Para nga alam na natin gagawin natin kung pwede ka pang mag shift sa second sem o hindi e. Naiintindihan mo ba ako ha Glory?" Papa. Bakit ako magshi-shift kung di ko naman gusto? Anong gagawin ko dun, Kung naka tadhana talaga ako dun?
Pero sa totoo lang,
Ginagawa ko naman e.
Nag-iinquire ako.
Pero sadya lang talagang busy sila pag nasa College na nila ako. Kesyo may meeting daw sila, minsan naman Lunch Break nila.
Going back to reality. Di na ako sumagot kay papa, sa halip, tumungo na lang ako sa kanya. Pero yung puso ko,nagwawala at sumasabog na sa sobrang sakit, sa sobrang galit at sa sobrang paghihimutok nito sa mga magulang ko.
Kung pwede ko lang talaga silang sagutin, sasagutin ko na sila e. Kaya kang, bawal. Magulang ko parin sila. At may utang na loob parin ako sa kanila.
"Oo ka ng oo di mo naman ginagawa. Mahirap kasing makahanap ng trabaho ngayon lalo na kung hindi technoligal ang program mo. Alam mo kasi nak, papunta ka pa lang, pabalik na ako. Napagdaanan ko na lahat yang nararanasan mo. At sinasabi ko sa'yo mahirap. Lalo na pag contractual ka lang" papa.
"Di ka talaga nakikinig sa mga advice ko e. Ang tigas-tigas ng ulo mo. Sabi ko sayo, Wag mo nang paabutin pa to hanggang sa huli." Advice? kaya nga tinawag na ADVICE, nasasayo ko tatanggapin mo or ire-reject mo.
Nasasayo kung papakinabangan mo o itatapon mo.
Pero sa place ko, pag papa ko na ang kausap mo, ADVICE niya dapat ang sundin mo. Wala kang choice. Walang anu-ano, walang bakit-bakit.
"Pupuntahan ko nalang po ulit next week" ako
"Aba dapat lang" papa
"Akyat na po ako" pabulong kong sabi at Hindi naman na sumagot si papa kaya umakyat na agad ako sa kwarto ko.
Pagka-akyat ko, bumagsak na ang kinikimkim kong poot at galit na nanggaling sa puso ko.
Iiyak nanaman ako hanggang sa mapagod ang mga mata ko, hanggang sa makatulog na lang ako.
Ilalabas ko nanaman ang mga tinatago kong namuong sama ng loob ngayong araw.
Naaawa na nga ako sa puso, utak at mga mata ko.
Lagi nalang silang nadadamay.
Lagi nalang silang nasasaktan.
Kailan kaya darating ang araw?
Ang araw na magiging masaya ang puso ko? Ang utak ko? At ang mga mata ko?
Ang araw na hindi na ako lumuluha?
Ang araw na hindi na ako nasasaktan?
Kailan?
BINABASA MO ANG
God's Plan
General FictionIf God says no, then follow Him. He has a better plan for you. Let's read the plan made by God to His princess' relationship on her family, friends and her partner in life.