END...
GLAIZA'S POV
"Hey!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin
"Kumusta ka na? Nako kung hindi pa importante tong taong to sayo hindi ka uuwi eh" saad niya naman habang nakayap pa siya sa akin
Natawa naman ako sa sinabi nito at kumawala sa pagkakayakap niya at nag sabi "Siguro nga ito na rin ang tamang oras para mag pakita ako ulit"
Alam kong napansin ng kausap ko ang lungkot sa tono ko at napasabi ito "Mahal mo nga siya, I mean minahal mo nga siya ng sobra, sobra pa sa kapasidad ng isang Glaiza de Castro"
Tumango ako na nakatingin sa kinatatayuan nito "Mahal ko pa rin siya pero Chyns panatag na ang loob ko kung nasaan siya ngayon. Alam kong masaya siya"
Tumango tango na lang ito at tumingin na rin sa direksyon ng aking tinitingnan at nag sabi ito "Akalain mo yun its been 4 years"
"Yeah, 4 long years and now I'm happy seeing her smile that way" saka ako napapikit at napabulong "Love, It's been 4 years. I hope you're happy...." At saka binuksan ang mga mata ko at nagtama ang mga mata naming dalawa at nag smile siya sa akin "I know you're happy"
----------------
Beginning...
RHIAN'S POV
Nakatayo ako ngayon dito sa taas ng rooftop habang hinihintay ang cue ni direk kung kelan magsisimula ulit mag shoot. Medyo malakas ang hangin kaya naman ay napayakap ako sa sarili ko ng may biglang naglagay ng jacket sa balikat ko.
"Oh ayan, nilalamig ka yata" sabay ang pag smile nito na parang wala na siyang mata
"Thanks" yan lang ang sinabi ko sakanya at tumingin ulit sa mga nagiilawang gusali sa harapan ko
"You're still mad at me?" Tanong niya sa akin habang nakahawak na siya sa bewang ko
Hindi ako kumibo ng tanungin niya ako kaya naman ay nabigla ako ng ibackhug niya ako kaya naman ay napsabi ako "Nasa set tayo Glai"
"I know and I don't care" saad nito na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin
"Baka may makakita sa atin" saad ko naman dito
"Like I said I don't care, Buong araw mo rin akong hindi kinikibo. Kahit man lang smile eh wala. Maswerte na nga ako at kinakausap mo na ako ngayon. Namiss kita ng sobra, alam mo ba yun?"
Hindi ako napaimik ng bigla ako nitong halikan sa may leeg at biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman napasabi ako "Love, mamaya na please"
Bigla naman nitong tinanggal ang pagkakayakap sa akin at nag sabi "Love na ulit tawag mo sa akin?"
"Bakit ayaw mo na ba" tanong ko naman dito habang nakataas ang kilay ko
"Huh? Sinong may ayaw? Huh? Sino?" sabay ang pag lingon-lingon nito sa paligid na napansin naman ng mga kasama nila kaya nanaman ay hinawakan ko na to sa braso at natatwang nag sabi "Oy ano ka ba, nakakahalata sila"
"Huh? Sino?" pagppretend naman nito na kunyari ay hindi niya alam ang tinutukoy ko
Tinusok ko naman ito sa tagiliran at nagsabi "I miss you"
Akma naman sana niya akong yayakapin pero pinigilan ko siya at nag sabi "Ano kaba, sabing makakahalata sila"
"Konti lang please??" saad naman nito habang nagpapacute
Naka smile na ako sakanya ng biglang "Glai, Rhi start na"
Napatingin naman kaming dalawa kay direk dom at tumango na lang pero bago pa man kami lumapit kay direk ay ninakawan ko to ng halik sa pisngi niya na ikanatulala niya naman.
BINABASA MO ANG
Time Skip
Romance"Alam ko na una pa lang wala nang katotohanan ang pangakong binitawan, pero naninawala ako, dahil alam ko na naniniwala ka rin" -R&G