Chapter 1

124 3 0
                                    

"Cause I still don't know how to act, don't know what to say. Still wear the scars like it was yesterday. But you're long gone and..."

"Besh naman eh, nangingialam ka na naman." Paano, tinanggal ba naman ang earphone ko, alam nang nanahimik ang tao eh.

"Eh kasi, kanina pa kita kinakausap dito di mo naman ako naririnig dahil sa kaka soundtrip mo dyan, walang kasama te?"

"If I know, busy ka din naman sa kakahanap ng bebe boys dito."

"Ganun na nga eh, kanina ko pa tinuturo sayo mga napupusuan ko pero parang tanga lang ako dito kinakausap aking napakagwapong sarili. Hay naku, bat pa kasi nagyaya ng bebe hunting e magsasoundtrip lang pala tayo."

"Sorry na besh, gwapo ka naman eh." Pambawi ko lang. Hihi. Niyaya ko kasi syang mamasyal didto sa Mall di dahil sa pagbebe boy hunting kundi dahil sa kakatapos lang ng midterm exam. Brain-drain kaya inabot namin sa mga essay exams sa major, kaya kailangan magchill-chill muna kami ngayon.

"I know right. Di mo na kailangang ipaala-ala sa akin. Alam na alam ko na yan." Sabay kuha nya ng phone niya at ginawang salamin, at tinitigang mabuti ang mukha nito, inaayos ang buhok at parang nagpho-photoshoot ang facial expressions. Yung parang nagpopose ng pangmagazine. Yun, hilig siya sa ganun. Kasi GGSS siya, Gwapong-gwapo sa sarili. Medyo totoo naman din kasi.

Si Lester college bff ko. Matangkad, parang model ang katawan, member siya sa school dance troupe. Sabi ng iba, kalook-a-like daw niya si Vhong Navarro,pero kahit four years na kaming magkasama hindi ko talaga mamukhaan si Vhong sa kanya kahit saang anggulo. Siguro dahil nauumay na ako sa pagmumukahang ito. I mean nasanay pala. Haha.

Since first year classmate na kami, parehong major na kinuha, parehong school organization at parehong mga sawi sa pag-ibig. Ika nga "birds with the same beautiful feathers, flocks together perfectly." Ano daw? Basta parang magjowa na kami sa sobrang close, yung ang sad ng araw sa school kung hindi papasok ang isa. Sinasabi nga ng mga kakilala namin, na baka daw kami ang magkatuluyan sa huli. Jusko, walang talu-talo no.

"Besh, CR muna ako ha, doon na lang ako maghahanap ng forever ko."

"Walang Forever besh, di dapat kalimutan yan." Pang-iinis ko sa kanya at sa mga nagtataka 'forever' minsan ang tawag namin sa jowa/bf/gf.

"Wag bitter besh ha, pero naiintindihan kita kasi alam ko masakit pa dito." Sabay turo sa may bandang puso niya. "Move on din pag may time ha."

"Wow, ikaw pa talaga ang nagsasabi nyan ha. Eh kumusta naman yung two weeks "summer love affair" natin? Mashaket diba besh?" Haha Pang-aasar ko sa kanya "And FYI nakamove on na kaya ako."

"Sus deny pa more, nakamove on daw pero di naman tumitigil sa pang-stalk sa Facebook. Ano yun, curiousity? Jusmiyo marimar.."

"Hooppss." Pagtigil ko sa kanya. Sesermonan na naman ako nito eh. "Ang dami mong alam besh ha, akala ko ba magsi-CR ka?" Pagcha-change topic ko lang, ayaw ko nang marinig mga pangaral ng baklang ito dahil mashaket. Tagos sa puso eh.

"Ito na nga, aalis na. Baboosh!" Tumayo sya at kinuha ang bag niya. While walking, kung saan-saan naman tumintingin si Lester. Sobrang dedicated sa bebe boy hunting niya eh no. Ang landi.

Pero kahit ganyan iyan, mahal na mahal ko iyan. Siya lang ang isa sa mga dahilan ng pagtawa ko ng malakas, yung tipong maluluha ka na sa sakit ng tiyan. Hindi siya mukhang clown ha, sabi nga may kagwapohan siya, dun talaga ako natatawa sa mga banat niya.

Ngunit, pero, subalit, datapwat masayahin man kami sa paningin ng ibang tao, di nila alam na pareho rin kaming broken hearted. Siya sa kanyang 2weeks relationship last summer, na tinu-time (2 time) sya nung ex niya at ako sa 2 years ago pa na panggagago sa aking noong taong minahal ko. Ang lala namin. Hirap kaya magmove-on. Yes, It's the easiest thing to say but the hardest thing to do. Sabi nga 'Time heal wounds' pero two years na ang nakalipas pero bat parang fresh pa rin ang sakit. Hayss. Tulong po.

"Loving means delaying pain" truelalo. Yung ang saya-saya mo dahil mahal ka ng taong mahal mo pero sa sobrang pagmamahal at pagtitiwala umasa ka sa mga pangakong binitawan nito, kaya sa huli ikaw rin ang nasaktan, ikaw rin ang natalo. Paramg boomerang, kung gaano kalakas ang paghagis mo yun din kalakas nung bumalik na sayo.

Pero kakayanin ko ang sakit, ako kaya si Stephanie, malakas at matatag ang puso. Stephanie Grace Monteverde is my name. 19. 4th year college na nag aaral sa isang university sa Davao. Maraming pangarap sa buhay. Masayahin at kalog. Mahilig kumain. Single at walang planong magkajo..

"Hoy, earth to Stephanie Grace"

"Anak ng.. ano ba besh? Nakakadalawa ka na sa akin ngayon ha" Bigla ba naman akong binatukan. Ayan sorry di ko tuloy natapos ang pagpapakilala ko.

"Alam mong babae ka, nawala lang ako saglit, naging tulaley ka na naman jan."

"May iniisip lang."

"Sus, si 2 years na naman? Tss."

"Loko, di no."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon