Chapter One: Mr. Pout's wallet..

16 2 1
                                    

Chapter  1

SHEENII’s POV

“ Mom ok lang ba kung pumunta muna ako ngayon sa ma??.. may mga kailangan po kasi akong bilhin eh..” sabi ko sa mom ko..

“ Ano ba yung mga bibilhin mo??

“ Mga damit lang naman po mom at saka mga gamit ko na hygiene,, paubos na po kasi eh..” sabi ko sa mom ko..

“ Ah ganun ba,, oh sige,, ibili mo na rin ako ng DVD Movie na Must be Love ahh..”

“Mom naman,, ang laki-laki niyo na nakikiteen-age pa po kayo..!”

“Sige na anak.. minsan lang naman eh..” pangungulit sakin ng mom ko..”

“Ok po mom.. may magagawa po ba ako??” sabi ko naman sa mom ko..

“ Salamat anak..!!”

“ok po!!”

~ Grabe, ang kulit talaga ni mom.. BTW ako nga pala si Princess Sheenii Miin.. 20 years old na.. NBSB ako.. Good girl kasi to ehh… May ari kami ng 5 star hotel at ang nag mamayari nun ay si dad.. si mom naman ay mayroong simpleng restaurant pero malakas pa rin ang kita dahil sa dami ng customer,, chef kasi siya kaya namana  ko kay mom ang pagiging magaling ko sa pagluluto.. Anyway maliligo na muna ako at pupunta pa ko ng mall..

Pagkaligo ko,, nag ayos na ako at nagsuot lang ng simpleng damit…Bumaba na ako at nagpaalam kay mom at pagkatapos ay sumakay na ng Ferrari car ko.. color violet siya kasi yun yung favorite ko eh..Nagpunta na ako ng MOA para mamili..Una na akong nagpunta sa Department store.. Namili ako ng mga personal hygiene ko kaya wala akong balak kung anu-ano yun.. hehe!! Peace tayo mga readers ahh..

Sunod pumunta ako ng boutique para mamili naman ng mga damit.. Habang namimili ako nakadama ako ng gutom kaya pumunta ako ng Jollibee.. Puno ito kaya umorder muna ako kase baka may umalis na rin.. Nung nakuha ko na ang order ko naghanap na ako ng mauupuan.. Sa may sulok may nakita akong mesa na pwede na sakin.. Mauupo na sana ako kaya lang..

“ ahm,, mister nauna po akong makahanap ng vacant table na to kaya ako po ang unang gagamit..” sabi ko dun sa guy na di ko makit at di ko makilala dahil sa naka hood na jacket siya at nakashades..

“ Sorry pero miss, mas nauna ako sayo eh..” argghh,, ayokong makipagtalo gutom na ako..

“ Ganito na lang po MISTER!! Kung ok lang sayo dito na lang tayong dalawa kumain kasi ayoko na pong makipagtalo dahil nagugutom na ako..” Pinagmasadan ko lang siya at nakita kong nag pout siya tapos ginalaw-galaw pa niya.. tskk.. ang arte..

“ Ok..!!” at nakita kong umupo na siya at uupo na lang din ako.. Pagkatapos ay kumain na rin ako..Paalis na sana siya pero nakita kong nahulog ang wallet niya.. Punulot ko ito at umalis na sa Jollibee.. Hinanap ko siya pero di ko na siya nakita..

ALDREII’s POV

“ Mom, punta lang po ako ng mall,, kailangan ko lang po mamili ng mga personal hygiene ko.. nangongonti na po kasi  eh ‘’ sabi ko sa mom ko habang nililigpit ko na ang mga kalat ko.. kakatapos ko lang kasi maglinis ng room ko..

“ Ok, pero pwede ba na bilhan mo ako ng DVD Movie na Must Be Love,, yung sa kathniel ata yun..ok lang ba??” sabi naman ni mom.. anlaki laki na pero mahilig pa rin sa mga pang teen-age movies..

“ Mom  naman,, hindi ba masyado ka nang malaki para diyan??” sabi ko naman sa mom ko ng natatawa..

“ Sige na anak..please!! Bigyan na lang kita ng 5000 pambili mo,, sobra- sobra pa yan huh..”

“ Hay Naku!! Ang kulit niyo talaga mom.. Sige na,, libre ko na lang yun sa iyo..” angkulit kasi ng mom ko eh..

“ Talaga anak?? Thanks!!” tsss..

“ Ok mom..Mag aayos lang ako..” pagakatapos di ko na narinig na nagsalita pa si mom..

Nagdire-diretso na agad ako sa cr at naligo.. anyway ako nga pala si Van Aldreii Seok..20 years old.. yung dad ko may ari ng company na legacy at yung mom ko naman may simpleng boutique kaya naman may fashion si mom at mahilig manahi.. BTW,, bumaba na ako at pumunta na sa garage para sumakay sa car ko na Ferrari at kulay green ito dahil ito yung favorite color ko…Pagkatapos nung dumating ako sa parking lot ng MOA,, bumaba na agad ako sa car ko at napatingin naman ako  sa katabi kong car,, katulad ito nung sakin pero kulay violet siya.. Teka nga, pakialam ko diyan,,pumunta na ako ng department store at namili.. Mga naka isang oras din ako ng pamimili.. kaya lang nagugutom  na ako.. kakain muna ako bago ako bumili ng cd..Sa Jollibee na lang ako kakain.. Pagpasok ko andaming tao kaya umorder na lang muna ako kasi baka may umalis na rin naman.. Pagkatapos kong omorder nakakita ako ng vacant seat diun sa may dulo,, nagmamadali akong pumunta dun,, kaya lang nung nakaupo na ako,,

“ ahm,, mister nauna po akong makahanap ng vacant table na to kaya ako po ang unang gagamit..” sabi nung babae..kaya naman sabi ko…

“ Sorry pero miss, mas nauna ako sayo eh..” argghh,, nakakainis naman to oh,, gutom na ako ehh,, ayoko na munang magsalita…

“ Ganito na lang po MISTER!! Kung ok lang sayo dito na lang tayong dalawa kumain kasi ayoko na pong makipagtalo dahil nagugutom na ako..” Tutal naka shades naman ako,, tinignan ko siya at nagpout ako ng pagalaw galaw,, basta expression ko yun kapag naiinis ako eh..

“ Ok..!!” at nakita kong umupo na siya at ipinagpatuloy ko na lang ang pag upo ko na naudlot kanina.. Nagmadali na akong kumain at lumabas na,, Mabuti na lang katapat lang din ng Jollibee ang bilihan ng Cd kaya nagpunta na agad ako dun at kumuha na ng isang copy.. Pumunta na ako sa Cashier..

“ Ahm sir,,  250 pesos po..” sabi nung babae na halatang nagpapacute sakin,, tinanggal ko na kasi yung shades ko..

**End of ALDREII’s POV**

Are You INLOVE with me Jerk???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon