IKAW??! 'DI NGA?!

11 0 0
                                    

Kahit na curious ako. Hindi ko nire-reply-an ang mga natatanggap kong sweet messages xD galing sa iisang number. Bakit?? Kasi tina-try ko kung trip lang toh o totoo. Alam ko na 'yung mga ganito eh. Magtetext ng mga ganyan, 'pag 'di nireplayan... titigil na, ibig sabihin, trip lang 'yun. Pero kapag 'di ka magreply sa kanya kahit na marami na siyang messages at tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtext... baka seryoso talaga siya teh!!

Grabe... kinikilig ako!! Haha!!! Nasa 7 messages na ang nari-received ko from HIM kahit 'di ako nagrereply. Kaya nga ang name niya na naka-save sa phonebook ko... ginawa kong Mr. Secret Admirer ko xD ahaha, chos!! Pagbigyan nyo na 'ko!!!!! XD

Pero, tingin ko... kilalang kilala niya ko eh, given na tinawag niya 'kong MS. CUTE NERD dun sa 1st message niya sa'kin. Haha... 'di kaya ito 'yung sinasabi ni Mark na may gusto sa'kin? Edi ibig sabihin, kilala niya 'toh?

Hmm, hehe.. napangiti ako bigla.

"Hoy! Bigla ka na lang ngumingiti dyan! Baliw ka na ba?!",

Okay. Panira talaga toh. -.-

Napa-poker face na lang ako; nawala 'yung ngiti ko... nakakainis talaga 'tong lalaking toh!!

Bigla kong naalala na nasa canteen ng school nga pala ako kasama si Mark. Naka-upo kami sa upuan, syempre. XD Siya kumakain, ako hindi. Nagugutom na tuloy ako. Nag-iipon kasi ako para sa bibilhing kong libro. Tas ito namang katabi kong lalaki!! Ayaw akong bigyan! Kulang pa daw sa kanya 'yung kinakain niya!! Ang damot talaga!!

Well, hawak ko ang cellphone ko... hinihintay na lang ang next message ng Mr. Secret Admirer ko xD sakto at bigla itong nag-vibrate. Ibig sabihin, may message.

From: Mr. Secret Admirer ko
Message:
     Kumain ka na?? 'Wag kang magpapalipas ng gutom ah. I love you. :-)

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang message niya. Kinikilig ako, teh!! Haha. Parang boyfriend ko na siya sa dating ng text niya!! ♡♡♡ Kyaaahh!!! May I Love You pa!! Anlandi kong nerd!! XD..

Pero...

Ang nakakapagtaka... bakit parang alam niya ata na hindi pa 'ko kumakain?? Nasa paligid ko lang ba siya?? Tumingin tuloy ako sa paligid... pero puro babae eh. Sure naman akong hindi tomboy 'tong nagtetext sa'kin noh!!

Ah! Teka! 'Diba nga itatanong ko kay Mark kung sino toh?

"Mark...", panimula ko.

"Hmm?", sagot niya habang puno ng pagkain ang bibig niya. -_-

"Tungkol dun sa sinabi mo nung sabado sa park na kilala mo 'yung nagkakagusto sa'kin... gusto ko...", 'di ko pa matuloy ang gusto ko sana itanong. Kasi pano 'pag hindi pala talaga niya kilala toh, noh?!

Nakatingin lang ako sa kanya. Pinunasan niya 'yung bibig niya at humarap sa'kin.

"Ah 'yun? Haha. Joke lang din 'yun para 'di ka na magalit sa'kin.", s-sabi niya. Nang-aasar ba talaga siya, huh?!!

Hinampas ko siya sa likod gamit ang kamay ko at alam kong nasaktan siya 'dun. Hmp. Dapat lang 'yun. Nakakainis na talaga siya. 'Pag ako napuno, iiwasan ko na 'tong lalaking toh.

Tumayo na'ko sa upuan at papalakad na sana ako palayo nang bigla niya...

B-bigla niya akong hilahin pabalik sa kinauupuan ko kanina... sa tabi niya.

'Di naman ako nagulat nang bigla niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Lagi naman siyang ganito eh. -.- hayaan ko na lang muna, wala naman daw siyang girlfriend eh. Haha xD

"Aalis na'ko, diba?? Anyare't hinila mo 'ko?!", sabi ko sa kanya. Nananatili kami sa pwesto namin.

"Elissa...", nagtaka naman ako nang biglang seryoso ngayon ang boses niya. Ano bang nakain netoh??

IKAW??! 'DI NGA?! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon