Forever Together: Chapter 6

45 1 0
                                    

Kakatapos lang ng klase ni Martha, absent parin si Cherry. Nagtataka siya, mahigit isang linggo na itong absent, hindi nagpaparamdam sa kanya. Napapanis na ang laway niya dahil wala siyang kakwentuhan tuwing vacant time at class hours. Hindi naman niya ka close ang mga classmates niya dahil hindi niya feel. 

Tumayo na siya, lumakad patungong pintuan nang may mahagip ang kanyang mga mata. Nakita niya si Lloyd, as usual, gwapo parin ito. Bagay talaga rito ang red plain v-neck shirt at denim pants na tinernuhan ng skater shoes. Minsan kasi'y niyayaya ito ng mga kabarkada nitong mahilig mag skateboard maliban sa basketball. Pero ang higit na nakakapagpatawag ng pansin niya ay ang kasama nito. Maganda ang babae, hula niya'y mga 5'8 ang taas. Mahaba ang kulay mais na buhok nito. Mahahabang pilik mata, matangos na ilong, kulay mansanas ang labing pang manyika nito. Naka contact lense ang babae ngunit nababagay lang ito riyon. Siguro'y malabo ang mga mata nito. Nagulat pa siya nang hawakan ni Lloyd ang kamay ng babae. Hindi siya nagpakita sa mga ito. She remained invisible as she can. Nagmamasid siya sa mga ito habang nasa isang walang taong madilim na classroom. Nagmumukha siyang tanga sa ginagawa niya.

"Dude, pakilala mo naman ako sa kasama mo." nakangising ani ng isang lalaki na hula niya'y barkada ni Lloyd. "Back off, Ryan" ani ni Lloyd sa mapanganib na tinig. "Relax, di ko siya aagawin. Girlfriend mo?" pangungulit ng isa. Tinignan ito ng masama ni Lloyd. "So what kung girlfriend ko siya. Got a problem on that? fool anyone of your charm but she definitely doesn't belong to your list." anito."Eto naman, fine. Mauna nako bro, miss" tatawa-tawang sabi ng kaibigan nito saka umalis. Nasaktan siya sa nakita at narinig. Alam niyang wala siyang karapatang umasta ng ganito wala silang relasyon nito. Pinoprotektahan nito ang babae. Hindi siya tanga para hindi ma realize na may relasyon ang dalawa. May girlfriend na pala ito, nakikipaglapit  parin ito sa kanya. Ang sakit 

Nang mawala sa paningin niya ang dalawa'y dali dali siyang umalis ng classroom at bumaba ng building. Nag uunahang pumatak ang mga luha niya. Ngayon na nga lang siya magmamahal ng ganito, masasaktan pa siya ng todo-todo. Alam niyang walang kasalanan si Lloyd sa nangyari sa kanyang sugatang puso. Kasalanan nga ba nito kung bakit siya umibig rito? Hindi, dahil kusa siyang sumuko sa paglaban sa kakaibang feelings para dito. Kusa siyang nahulog ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya sinalo nito. Bakit??? huhu  :(  She badly needs Cherry.

Kasalukuyang nag mumukmok si Martha sa kanyang silid nang mag ring ang cellphone niya. Napakunot ang noo niya, isang hindi pamilyar na numero ang lumabas sa screen niya. Sino kaya ito? Baka si Cherry, nagbago ng cellphone number. Iku-kwento niya sa bruha ang nangyaring insidente kanina. Nalungkot nanaman siya nang maalala iyon. "Hello?" aniya matapos pindutin ang answer button. "Hi" ani ng baritonong tinig. Natigilan siya, kahit sa cellphone ay alam na alam niya kung kaninong tinig iyon. Hindi siya maaring mag kamali. Am I hallucinating? Para makumpirma ang hinala, sumagot siya ng "Sino ito?", "It's Lloyd." sagot nito. Kumpirmado nga. "Paano mo nakuha ang number ko?" aniya, bumilis ang pintig ng puso niya. Lihim siyang napa mura, kani-kanina lang ang nasaktan siya tapos ngayon reading ready siyang makipag landian? Erase!! Erase!! "Ahm, nakuha ko ang number mo kay cherry." sagot nito. Aba't malilintikan sa kanya ang bruha. Kaya pala nito hindi sinasagot ang mga tawag at text niya. May kasalanan ito sa kanya. Nang hindi na siya nag salita ay ito ang nagsalita "Can I invite you out for a dinner?" anito. Nagulat siya. "M-may gagawin pa kasi ako, mga requirements. Sorry." aniya ngunit hindi sinsero iyon. Lord, sorry po sa pag sisinugaling ko lihim siyang napasabi niyon. "Next time, perhaps? anito "T-tignan ko" sabi niya. Martha! Ano?! Sasaktan mo nanaman ba ang sarili mo? Martyr lang ang peg? Masokista ka siguro no? napapikit siya. Careless much "Sorry nga pala sa pang iistorbo ko, sige. Goodnight" anito "Goodnight" sagot niya saka binaba nito ang awtibo. Bakit ko sinabi iyon? Lalayo na ako dapat eh, para di na masaktan. Pero, anong magagawa niya? Mahal niya ito. OMG? mahal?! wtf.

Forever Together: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon