"Sino ka ba sa tingin mo?" Sabay sagot ko sa lalaking nasa harap ko
"Bakit ikaw ba! Wag kang maangas babae ka kala mo naman kung sino kang matapang at malakas"
"Bakit, hindi mo pa ako kilala makapag salita ka kala mo matatalo mo ako" napangisi nalang ako dahil alam kong hindi niya ako matatalo
Bigla niya akong nilapitan
"Sige nga suntukin mo ako baka mamatay ako" sabay tawa niya ng malakas
Hindi ko na siya pinatapos tumawa at sinuntok ko na siya kaagad naman itong napahiga at
"Aba may laban ka rin pala" napa ngisi siya at biglang tumayo
Susuntukin na sana niya ako pero naka iwas ako. Susuntukin niya sana uli ako pero pinigilan ko ang kamay niya at ako naman ang sumuntok sa kanya pero may biglang humawak sa magkabilang braso ko at inihagis sa pader dahilan ito para mapa upo ako
"Nu bayan hina niyo naman isa laban tatlo" nginitian ko sila ng napakalawak at sinugod sila
Bigla kong sinipa sa tiyan ang humawak sa kanan kong braso at bigla siyang tumumba sinuntok ko naman sa pisngi ang humawak sa kaliwa kong braso at dahilan ito para dumugo ang bibig niya napahawak ito sa pisngi niya at sumugod nanaman siya susuntukin niya ako pero nasipa ko na siya sa ulo at napahiga siya sinipa ko naman siya sa tiyan pero hinawakan naman ako ng una kong nakalaban sa braso nilingon ko siya at sinuntok sa pisngi napaatras naman siya at tumakbo na pati narin yung pangit na nakahiga tumakbo na rin pero yung isa kong nakalaban kanina pa tumakbo HAHAHA BUTI NGA.Napalingon ako ng may biglang pumalakpak
"Ang galing mo ah! Ano pangalan mo?" Nakatingin lang ako sakanya at walang ekspresyon ang mukha ko "Grabe pader kinausap mo ako hoy pader sumagot ka lang" tinuturo turo pa niya ito
Hindi ko na siya pinansin at sumakay na ako ng kotse feeling close yung lalaki pogi pa naman. Mabilis akong nakarating sa bahay at pinagbuksan na ako ng gate namin
"Magandang araw po ma'am Savannah" nginitian ko nalang si Sam ang anak ng katulong namin na si manang Malu. Mabait naman ako eh pero kung may hindi sila ginawang hindi ko gusto malamang aatras na sila sa sobrang takot. Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob ng bahay (meaning ng bahay kay EJ ay mansyon pero bahay lagi ang itatawag niya)
"EJ san ka nanaman ba galing! Kanina pa kita hinahanap eh" bungad kagad ng nanay ko sakin, ang sakit sa tenga kala mo merong megaphone na nalunok
"Ma naman sabi ko sayo sa school lang ako pupunta"
"Oo nagpaalam ka sakin kanina na pupunta ka sa school PERO PERO PERO hindi ka nag punta ng school"
"Ha!" Nanlaki ang mata ko na alam pala niya na hindi ako nagpunta sa school para mag enroll"paano niyo po nalaman na hindi ako nagpunta sa school?"
"So hindi ka nga nagpunta ng school" napalunok nalang ako ng hindi oras kasi naman yung bibig ko eh hindi makapigil ng sasabihin "nalaman kong hindi ka nagpunta ng shool dahil pinapunta ko si Malu dun sa school niyo para dalhin yung bag mo naiwan mo kasi, pupunta punta ka kasi ng school ng hindi mo dala ang bag mo paano na lang kung wala kang pambayad sa enrollment mo buti nalang si Malu na ang pinag enroll ko para sayo"
"Pupunta po sana ako pero nung nasa labas na po ako ng school biglang nakasalumbong ko yung dati ko pong classmate tapos nag aya po siya lumabas"
Nakahinga nalang ako ng maluwag ng naniwala siya. tumaas na ako sa kwarto ko para magpahinga. Pagkahiga ko nautot agad ako naamoy ko ang baho by the way pagka higa ko naisip ko kung gaano ako kalalaki kumilos pero babae ako napopogian nga ako sa mga lalaking pogi eh kinikilig din naman ako sa mga movies pero ang gusto ko lang talaga ay maging gangster hindi ako tomboy ah pero pagkinausap nila ako cold ako puro walang ekspresyon ang mukha ko like ganto itsura ko -_- . Mukha lang naman akong lalaki dahil sa kagangsteran ko. Isipin mo yun kababae kong tao gangster ako. Pero pagdating ko sa school nerd ako na ang akala ng iba ay puro talino lang ang alam ko at walang laban. Ayaw kong ipaalam sakanila na mayaman at malakas ako dahil kapag pinaalam ko sakanila sigurado na hindi nila ilalabas ang totoo nilang ugali pero kapag nerd ako sa school nakalabas ang pangit nilang ugali ayaw ko kasi ng fake at manloloko
Natigilan ako sa pag iisip ng biglang may kumatok sa pinto
"Ma'am Savannah meron pong naghahanap sa inyo" pinagbuksan ko ng pinto si manag Cora yung isa pa naming katulong
"Ano pong pangalan?"
"Charles daw eh" ha Charles? Wala naman akong kilalang Charles eh, sino kaya yun?
Bumaba na ako ng kwarto para tingna yung Charles na sinasabi ni manang Cora. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko ang itsura nung lalaki. Nanlaki ang mata ko ng kilala pala niya ako
"Hello EJ! Miss na kita" sabay yakap niya sakin.tinulak ko naman kaagad siya
"Anong ginagawa mo dito? Tsaka paano mo ako nakilala?"
---
Hello readers sorry kung boring yung chapter na to pero siguro kapag chapter 5 or 6 kikiligin kayotapos sorry din kasi maikli biglaan lang kasi yung story na to pero please basahin niyo po itong story ko sigurado ako magugustuhan niyo tapos kikiligin kayo pero hindi pa ngayon siguro mga bandang gitna ng story THANK YOU ALOT PLEASE VOTE AND COMMENT IF YOU WANT MY STORY THANK YOU SO MUCH

BINABASA MO ANG
The Secrets of the Girl
De TodoMay isang babae na ang pangalan ay Savannah Jae Carter meron siyang nakakatandang kapatid na si Stephen Jake Carter protective ang kanyang kuya pagdating sa mga lalaking lumalapit sakanya. Si Savannah ay isang gangster,athlete, dancer and singer per...