*8-9-2021*
Hindi ko na po magagawan ng oras mag-update sa story ng Affinity High (Book 2). Sobrang busy ko na po sa buhay lalo na't pandemic po ngayon. Sana po maintindihan ninyo. Magiging open ended na lang po ang story kaya pwede n'yo na pong 'wag basahin yung susunod na part. Pasensya na po.
Noong unang una pa lang, hobby ko lang po talaga ang paggawa ng mga stories sa wattpad. Kaya 'di ko po talaga in-expect na makakatanggap 'to ng maraming support. Kaya rin po lubos puso po akong nagpapasalamat sa pagmamahal ninyo sa stories at mga characters ko. Pasensya na po talaga sa mga naghihintay na makapag-update ako, 'di ko na po talaga kaya. Maraming maraming salamat po sa oras na ginugol n'yo sa pagbabasa ng aking stories. Thank you!
*****
Nakatingin na lang ako sa bawat snow na pumapatak galing sa langit. Winter kasi ngayon sa Affinity High.
"Seiji! Pupunta ka pa ba?" Sigaw ni Risz sa akin.
Hindi kalayuan, nakita kong kasama niya 'yung partner niya, si Melody at si Blake.
Nagpasya kasi kaming lumabas ngayon sa Affinity High. May lumabas kasing isang portal doon sa may bandang kagubatan. Hindi namin alam kung saan ito papunta, kaya nagpasya kaming pumasok dito.
"Mauna na kayo!" Sagot ko sa kanila.
"Sige!" Nag-umpisa na silang maglakad papunta doon sa kagubatan.
Inayos ko ang suot kong jacket at tumayo mula sa pinagkakatayuan ko. Napaluha na lang ako sa hindi malamang rason.
Habang nakatingin kasi ako doon sa mga snow, may naaalala ko. Blurred ang kanyang mukha. Pero, nakikita ko kung gaano ka-itim ang kanyang buhok at kung gaano ka-puti ang kanyang balat.
Pinunasan ko ang aking luha at nag-umpisa na rin akong maglakad para sundan sila Risz.
Minsan napag-isip isip ko kung bakit sa lahat ng wizard dito sa Ah, ako lang ang walang ka-partner. May isa kasi sa aking katawan ang naniniwala na mayro'ng naghihintay sa akin.
Nagulat na lang ako nang biglang nagkaroon ng yapak ang aking dinadaanan. Hindi kalakihan, tama lang para sa paa ng isang babae.
Hindi ko alam pero parang may humihila sa akin papunta sa direksyong iyon. Kusa na lang tumakbo ang aking mga paa papunta doon.
Hanggang sa may nakita akong isang babaeng hirap na hirap sa paglakad. Balot na balot s'ya ng isang itim na kapa, kaya hindi mo makikita ang kanyang mukha. Pero dahil mapayat at maliit ang kanyang katawan, malalaman mong babae nga siya.
"Ayos ka lang?" Napatakbo na lang ako sa kanya nang makita kong matumba na 'yung babae.
Agad ko siyang sinalo. Habang nahuhulog siya sa aking bisig, unting unting natatanggal ang tela na nakatakip sa kanyang mukha.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso sa aking nakita. Ang ganda niya. Maitim na buhok, maputing balat at matangos na ilong. Walang duda, kamukha n'ya 'yung babae na naaalala ko kanina.
Habang hinahawi ko ang kanyang buhok na nakatakip ngayon sa kanyang mga mata, hinawakan niya ang aking kamay at...
"Nahuli rin kita sa wakas..." sabay nakaramdam na ako ng init sa aking kamay. Sinusunog na n'ya pala ito.
Natanggal ng hangin ang kanyang kapa na bumabalot sa kanyang katawan. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala.
"Ice Shard!" Ginawa kong matutulis na yelo ang mga snow na nabagsak sa aming paligid.
Binitawan n'ya ako upang makalayo doon sa mga yelo. Pero dahil sa hindi malamang rason, hindi pa rin tumitigil sa pagsakit ang aking kamay.
"Ganyan mo ba sasalubungin ang taong minahal mo dati?" Sabay simangot ng kanyang mukha na tila nang-asar.
Hindi ko alam pero nag-react ang aking katawan sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko, nakilala ko na siya kung saan.
"Sino ka ba?" tanong ko.
Nagkaroon ng puting pakpak ang kanyang likuran at nag-umpisa na siyang lumipad.
"'Wag kang mag-alala... Makikilala mo rin ako. Malapit na. Pero sa ngayon, aalis muna ako. Nand'yan na kasi ang mga kaibigan mo." Lumipad siya papalapit sa akin.
Namanhid ang aking katawan habang lumalapit siya sa akin. Hindi ko man magalaw ang aking kamay at bibig.
"Sige Seiji, alis na ako. Salamat sa pakikipaglaro sa akin."
Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kanyang labi na dumampi sa aking labi.
"Mahal pa rin kita hanggang ngayon." sabay naglaho siya na parang bula.
*End*
Prologue muna ang ilalabas ko ngayon, may nag-chat kasi sa akin.
Hindi na muna ako madalas mag-update dito sa story na 'to. Kailangan ko munang tapusin ang LIABL.
Kaya, muli nating buksan ang storya nila Clyte at Seiji.
YOU ARE READING
The Dark Princess
Fantasy*8-9-2021* Hindi ko na po magagawan ng oras mag-update sa story ng Affinity High (Book 2) / The Dark Princess. Sobrang busy ko na po sa buhay lalo na't pandemic po ngayon. Sana po maintindihan ninyo. Magiging open ended na lang po ang story, kayo po...