Chapter 2

247 11 9
                                    

*8-9-2021*

Hindi ko na po magagawan ng oras mag-update sa story ng Affinity High (Book 2). Sobrang busy ko na po sa buhay lalo na't pandemic po ngayon. Sana po maintindihan ninyo. Magiging open ended na lang po ang story kaya pwede n'yo na pong 'wag basahin yung susunod na part. Pasensya na po.

Noong unang una pa lang, hobby ko lang po talaga ang paggawa ng mga stories sa wattpad. Kaya 'di ko po talaga in-expect na makakatanggap 'to ng maraming support. Kaya rin po lubos puso po akong nagpapasalamat sa pagmamahal ninyo sa stories at mga characters ko. Pasensya na po talaga sa mga naghihintay na makapag-update ako, 'di ko na po talaga kaya. Maraming maraming salamat po sa oras na ginugol n'yo sa pagbabasa ng aking stories. Thank you!


*****

"Humanda kayo!" Isang alertong sigaw ni Adeline sa kanyang mga estudyante.

Naglabas si Seiji ng isang apoy sa kanyang palad para sa mangyayaring paglalaban, kung sa sakali. Samantala, naghanda na rin sila Risz.

Tumingin tingin sila sa kanilang paligid ngunit wala silang nakita. Nagugulahan na sila sa nangyayari.

"Grabe naman kayo sa akin. Sadyang hindi n'yo na ba ako natatandaan?" Isang boses na tila pinipilit maging malungkot, ang kanilang narinig sa kanilang likuran.

Nang lumingon sila ay isang itim na aninong gumuguhit sa may kurtina ang kanilang nakita. May hugis ito ng isang babae na parang bang gayang gaya niya yung babaeng humalik kay Seiji.

S'ya kaya?

Binato ni Seiji ang hawak hawak niyang apoy doon sa may kurtina, gayon din ang ginawa nila Risz pero syempre sa kanikanilang paraan at kapangyarihan. Kumanta si Melody para ma-amplify ang manang ilalabas ng kanyang mga kakampi. Gumamit ng isang maliwanag na ilaw si Risz na nasa hugis ng isang mahabang sibat. Hindi na kumilos si Blake dahil nga masyadong espesyal ang kanyang kapangyarihan at ayaw niya magsakripisyo dahil lang sa iisang kalaban.

Nagulat sila nang unting unting nawawala ang kapangyarihan nila Risz maliban kay Seiji. Kinakain 'to ng isang itim at maliit na apoy, na sa ngayon ay lumalaki nq dahil sa kanilang spells.

Agad namang inapula ni Seiji 'yung apoy sa kurtina sa pamamagitan ng pagbalik nitong muli sa kanyang palad.

Sa ngayon kasi, sinanay na ni Seiji makontrol ng magaling ang kanyang mga kapangyarihan. Kahit wala na masyadong incantation. Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin talaga siya makahanap ng kanyang partner.

"P-pero paano?" Nagtatakang tanong ni Risz habang tinitignang maglaho ang kanyang ginamit na Moonlight power.

"Wag kayong magpapadala sa kanyang mga ilusyon. Wala siya d'yan, kung sino man s'ya. Maaaring pinagkakatuwaan niya lang tayo." Mahinahon ngunit tila may bahid ng takot na pagkakasabi ni Adeline sa kanyang mga estudyante. Yung oras ding yun, naghanda na s'ya ng isang spell.

Unting unting lumiwanag ang kanyang kamay, gayon din ang kanilang paligid.

Humagikhik na naman ang boses na kanilang naririnig. Tuwang tuwa ito na para bang hawak niya ang lahat ng nangyayari.

"Tignan n'yo, sisirain n'yo pa mga gamit dito. Wag n'yo na kasi ako hanapin." Tuloy pa rin sa pagtawa ng babae habang nagpapakita na sa mga mata ng mga walang muwang  ang kanyang anino na nasa iba't ibang sulok ng kanilang paligid.

"Pimikit kayong lahat. Masakit sa mata 'to." Tinaas ni Adeline ang kanyang dalawang palad na magkahawak. At dahan dahan muli niya itong binaba.

Pinikit nila ang kanilang mga mata at tanging tawa nung babae at boses ang kanilang naririnig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Dark PrincessWhere stories live. Discover now