Kapa kapa ang aking labi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
"Sino kaya 'yun?" Naitanong ko na lang sa aking sarili.
Hindi ko kasi malaman kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Para sa isip ko, isa siyang estrangherong napadaan lang. Pero, may isa sa akin na nagsasabing mahalaga siya. Hindi ko maintindihan. Nalilito ako.
Hinawakan ko ang aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Huminga ako ng malalim. Siguro, kaba lang 'to. Halos patayin na niya ako e. Siguro nga.
Buti na lang at nawala agad 'yung apoy na ginamit niya sa akin.
"O-okay ka lang Seiji?" Hingal na hingal na tanong ni Risz sa akin. Mukhang binalikan pa ata nila ako.
Tumango lang ako bilang pangsang-ayon. "Oo." matipid kong sagot.
"Mabuti naman. Akala kasi namin, may nangyari na sa'yo." Sa hindi malamang rason, binigyan lang ako ng masamang tingin ni Blake.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Melody.
Pumasok tuloy sa aking isipan kung ganito ba talaga karami ang makukulit at pala-tanong kong mga kaibigan.
"Wala. May bigla lang sumulpot na babae sa aking harapan. 'Wag niyo na lang 'yung pansinin." Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa AH. Gusto ko munang maitanong si Ma'am Adeline tungkol dito.
"Sigurado ka ah?" Rinig ko sa boses ni Melody ang pagka-kaba. Minsan lang kasi siya magtanong, karamihan, nag-aalala lang siya o nagtataka.
"Oo." Sagot ko.
"Saan ka ba pupunta?" Inis na tanong ni Blake.
"Sa AH. May itatanong ako kay Ma'am. Nakakaramdam kasi ako na may mangyayari na namang masama dito sa mundo natin."
Sabay sabay na napalunok sila Risz at Melody.
"A-akala ko ba, wala lang? B-bakit may mangyayaring masama?" Napaatras pa mismo sa kanyang kinakatayuan si Risz tila takot ata sa aking nasabi.
"Kakaiba kasi 'tong nararamdaman ko. Pero sa ngayon, punta muna tayo kay Ma'am. Alam kong mas mabuti kung siya ang tatanungin ko."
Tumango naman sila at sumunod na rin sa akin.
Habang naglalakad kaming 4 papunta doon sa AH, napag-isip isip ko tuloy kung totoo nga ba ang pinagsasabi nung babae kanina. Na-magkikita pa kami sa susunod.
Gusto ko sana tanungin ang kanyang pangalan, pero nakaalis na agad siya. Nanghihinayang ako.
Kahit kasi na sinaktan niya ako, hindi ko matanggal sa isip ko ang pagka-curious sa kanya. Ewan ko ba. Gustung gusto ko talaga siya makilala at makitang muli.
Nakaraan ang ilang minuto, nakabalik na kami sa AH. Dali dali kaming pumunta sa opisina ni Ma'am.
"From the world of white magics, I open thee... Affinity High!" Habang sinasabi ko ang bawat salita ng spell na 'yan, may nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may isang pamilyar na boses ang lagi ring nagsasabi niyan.
Nagbukas muli ang isang tanawin na parang nakita namin dati pa.
Teka. Namin?
Biglang sumakit ang aking ulo. May mga larawang at alaala ang nagpapakita sa akin na may kasama akong lumalaban. Hindi ako nag-iisa.
Tumatawa ako. Tumatawa rin siya.
Umiiyak ako. Umiiyak din siya.
Hindi ako nag-iisa.
YOU ARE READING
The Dark Princess
Fantasy*8-9-2021* Hindi ko na po magagawan ng oras mag-update sa story ng Affinity High (Book 2) / The Dark Princess. Sobrang busy ko na po sa buhay lalo na't pandemic po ngayon. Sana po maintindihan ninyo. Magiging open ended na lang po ang story, kayo po...