C H A P T E R - II [INITIATION?]

14 0 0
                                    

The Royal Academy [ҟïṃↄɦï]

C H A P T E R – II

[INITIATION?]

Drix’s POV.

Hi. I’m Drix Czarovin Woo. Half-Korean, Half-Filipino, Half-Genius. OO. Genius ako at GWAPO! Simula nung nag-aral ako sa R.A. ako na lagi ang nasa rank1 sa batch namin. Pero nung 2nd and 3rd yr, nagging rank2 lang ako dahil dumating si... Basta siya na un. Ngayong 4th yr na kami, nagtransfer na sya sa America. 

Eto, may bago nanaman kaming classmate. Ynaki daw name nya. Nagulat ako nung sinabi nya kanina na 99.86 ung grade nya. Wala pa kasing nakakapasok sa 99 except nga dun sa dati naming classmate.

Ngayon ay sumasailalim si Naki sa initiation process. Hahaha. Magluluto sya. Mababait naman kasi kami. Hindi naman porke't initiation bugbugbugin na namin. 

Habang hinihintay namin matapos sa pagluluto ung transferee, matutulog muna ako..

Ynaki's POV.

Andito na kami ngayon sa kitchen.

"Uhmm. Hikari at Miyuki, pwede nyo na muna akong iwan dito."

"Sigurado ka?"

"Yes. Ako na ang bahala dito. And alam ko na naman ang daan pabalik sa room namit. :)"

"Sige po. Sarapan mo po ha!" :">

"Naman. Ingat kayo ha?" Tapos lumabas na ung kambal.

Okayy! Ako na lang ang nandito. I checked the refrigerator at feeling ko lahat ata nandun na. Tapos I looked aroun and I saw some pots, tapos may mga herbs na nakatanim na ginagamit sa pangluto.  Nagiisip ako ng lulutuin..

"Hmm. Ano kayang pwede kong lutuin?" 

Isip.. Isip.. Iisip..

"Alam ko na! :D"

Nilabas ko na ung mga kailangan ko para dun sa lulutuin ko. :">

"Gagawa ka ng Paella?"

"AY GWAPONG NAHULOG GALING LANGIT! Ano ba naman Max?! Kelangan nanggugulat ka talaga? Ba't ka ba nandito?"

"Ang boring kasi sa Paradise e."

"Paradise? May Paradise dito? O.o"

"Ah. Ang tawag kasi sa classroom ng mga section A ay Paradise."

"Ooooh." Paradise pala. Galing naman magpangalan ni Author. HAHA. Umupo si Max dun sa may dinning chair. Tapos bigla nyang nilabas ung gitara. Boom! Gitara sa kitchen? Sa R.A. lang may ganyan. Charaught.  

Habang naghihiwa ako nung sibuyas, narinig ko nag-i-strum sya nung gitara.. Tapos kumakanta sya ng mahina...

"Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kitaa~"

Ang ganda ng boses nya. :") Kinikilig ako! Hahaha. 1st day of school ang landi landi na! Tapos biglang..

"Aww! Tsss :( Ang sakit."

"Ano un?"

"Ah wala.." NAhiwa ko lang naman ung daliri ko, at naputol na sya :'( joke. nahiwa lang. Ang hapdi!

Biglang lumapit si Max, "Anong wala? E dumudugo yang daliri mo?"

Hinila nya ako ng mahinahon, tapos pumunta kami dun sa may first aid kit.. Habang nilalagyan nya ng betadine ung nahiwang part, tinutunaw ko sya sa titig ko. Ang gwapo gwapo gwapo nya.

"Masakit pa ba?"

"Hindi naman kasi masakit e, kaw lang ung O.A. :)"

"Tutulungan na lang kita magluto.." nagsmile lang ako nung sinabi nya un.

nilagyan nya ng band aid ung daliri ko tapos bumalik na kami dun sa pinaglulutuan. He started chopping ung mga ibang kailangan, pinrepare na din nya ung bigas at ung iba pa..

"Paabot nun."

"Pakuha nun."

"Penge asin."

"Kunin mo nga un."

Para sakin ung initiation, pero si Max ang nagluto? Tapos ako.. Taga-abot lang sa kanya ng mg akanilangan? P.A. ang peg ko? HAHA. Okay lang, mabait naman si Max at gwapo pa. Nang matapos na sya hinihintay na lang namin maluto ung  paella. 

Boring.. Tumayo ako tapos naglabas ako ng mga baking ingredients..

"Anong gagawin mo?"

"Chocolate chip cookies."

Pinreheat ko muna ung oven, tapos pinaghalo halo ko na ung mga ingredients then gumawa na ako ng mga circle dun sa cookie dough. Tadaaaaaaaa! Binake ko na sya. :)

Ang tahimik lang.. so I decided to break the silence..

"Max, si Drix ba, mabait?"

"Depende. May ketek un e." halata nga, kanina nga parang wala lang sa kanya nung nabunggo nya ako. -__-

"Sya ba talaga ung nasa rank#1? Para kasing hindi e."

"Wala kasi un sa panlabas na anyo." Okay basag ako dun a.

"Pero kung titignan, hindi naman talaga halata sa kanya. hahah. :) talunin mo sya ha?"

"Ah.. Oo naman.. Nga pala, sino ung babaeng nagpunta na daw sa america? Ung nakatalo daw kay Drix?"

Napansin ko nagiba ung facial expression ni Max. Parang medyo naging seryoso..

"Wag natin syang pagusapan." Hmm..

"Sige.." Anu kayang meron?

"Luto na yung paella. Pati din tong cookies luto na din. Yna, pakitawag na sila."

Tumango lang ako tapos lumabas na ng kitchen.. Naaamoy ko ung paella. Nakakagutom. :) Habang naglalakad ako, napansin ko na may babae sa labas ng Gate ng Paradise.. Tinitignan nya lang ung Paradise, tapos biglang.. If I'm not mistaken, sakin sya nakatingin? Sino kaya un? Tapos may lumapit na guy sa kanya.. Dumeretso na ako papuntang Paradise.

"Uhmm. Hi, tara na dun sa may kitchen, kakain na tayo. :)" tumayo na silang lahat.. tapos napansin ko, si Drix, tulog. Pagkakataon ko na 'to! >:)< Wahahaha!

1... 2... 3... 

*booooogsh!*

"Aray naman! Ano bang problema mo!?"

"Kakain na."

"Eh ba't kailangan mo pang sipain ung table!?!?!" 

"Ganti lang yan kasi hindi mo ako tinulungan nung nabunggo mo 'ko!"

"Eh ba't naman kita tutulungan? Kilala ba kita? I don't help to strangers!"

"Oh.. Kalma lang kayo, kumain muna tayo ha? tara na Ynaki." Hinila ako ni Allysson palabas ng Paradise..

Nakaganti na din ako. :) 

- - - -

Sorry po kung maikli? :) Hahaha. Comment and Vote po kung nagustuhan nyo? :) Thanks po sa mga nagbasa! :D Keep on reading XD

The Royal Academy [ҟïṃↄɦï]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon