Chapter 1

256 4 0
                                    

Effie's POV

*tok! tok! tok! tok!*

Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin, sino ba 'yun? Ang himbing himbing ng tulog 'ko eh! -.-

Tumayo ako sa aking higaan at dali daling binuksan ang pinto dahil kanina pa to kalabog ng kalabog at baka masira, wala akong pampalit,

Nang buksan ko ay laking gulat ko, si sky pala, bestfriend kong lalaki,
Sya na yung naging pamilya 'ko, parehas kase kaming lumaking ulila. May kapatid syang babae, pero nawawala, araw araw nya iyong hinahanap, habang ako, namatay ang aking nanay tatay at kapatid kong lalaki dahil sa isang aksidente,

"Bakit ka naparito sky?" Saad ko rito.

Pinitik nito ang noo 'ko, dahilan para mapa'aray' ako.

"Bahay natin 'tong dalawa! Anong bisita bisita ka dyan? Sinosolo mo na naman 'to ah. Heto o! Bumili ako ng prutas doon sa bayan, masarap 'yan! Tikman mo"

Naalala kong bahay nga pala namin 'tong dalawa. Ahehehe. Sorrna. Hindi kami magasawa ah! Baka akalain nyo magasawa kami. Isang malaking 'NO'

Pumunta sya sa kama na hinihigaan ko at doon tinanggal yung kayang jacket sapatod at bag. Gwapo din naman 'tong bestfriend ko, wala lang talaga kami sa modernong style ngayon dito sa Maquilos. Maquilos, ito ang bayan namin. Dito kami lumaki ni sky.

Nahiga sya sa kama namin at natulog na ata, napansin nya sigurong nakatingin lang ako sa kanya,

"Bakit ka nakatingin? Pinagnanasaan mo na naman ako porke nakasando lang ako at short?" Saad nito sabay ngisi ng pagkalaki laki,

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Feelingero. Bat ka nakahiga dyan? Di ka ba kakain? Andami nito o!" Sigaw ko sa kanya,

"Kaya mo 'yan. Ubusin mo lahat, para naman tumaba ka ampayat payat mo. Mukha kang tingting." Pangiinis nito sakin sabay pikit. Aba! Itung lalaking to. Nakuuu. Kukurutin ko singit neto eh.

Pumunta ako sa kama at tumabi sa kanya at nahiga. Tumagilid ako para makita ko ang nakaside view nitong mukha. Pinitik ko ang tenga nito.

"Anong sabi mo? Ako payat? Wow ha! Nahiya ako sa'yo." Pangiinis ko rin dito.

"Matulog ka na nga lang. Ang daldal mo eh." Sabi nya sabay yakap sakin at paglagay ng bisig nya sa may bewang ko. Aba! Itong lalaking 'to tsumatsansing ah!

"Hoy! *palo sa balikat* nananantsing ka ah! Yung kamay mo!" Sigaw ko rito.

Hindi na ito sumagot at natulog na ata. Ito. Matapos manantsing matutulog. Hayaan na! Gwapo naman eh. Hihihi.


Habang natutulog ito ay pinagmasdan ko ang mukha nito.

"Ang haba naman ng pilikmata neto! Tapos ang tangos ng ilong mo, nahiya naman yung ilong kong flat. Sinagasaan ata ng malaking truck. Yung jawline mo. May patubong maliliit na balbas. Buti pa ako wala! Hihihi. Ala, yung lips mo o. Ang pink pink. Naglilipstick ka ba? Nahiya yung labi ko ah! Ikaw na. Ikaw na gwapo. Tsk. -.- bat nga ba ang gwapi mo sa malapitan? Lagi ka na lang lalapit para gwapo ka sa paningin ko ah?"
Habang pinupuri ko ang bawat parte ng mukha nito ay pinadadaanan ko ng aking daliri.

" At ikaw, wag na wag ka munang mag gigirlfriend. Sisipain kita pag nag girlfriend ka. Ako muna. Para matry ko magka nobyo, pano kaya yun? Yung kapag birthday mo, bibigyan ka ng bulaklak napinitas sa hardin tapos isang maliit na tinapay tapos may maliit na kandila. Kahit maliit na bagay siguro matutuwa na ako, pero gusto ko, espesyal na tao ang magbibigay sakin.hihihihi. Kung ano ano naiisip ko." Saad ko. Di naman nya siguro maririnig 'yon kasi tulog sya eh. Diba? Hihihihi.



The LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon