Sky's POV"Ano ba! Akin yang pinya eh! Sayo kaya yung mansanas! Ayoko nyan eh! Ibili mo na lang ako ng mangga tapos asin o kaya toyo o kaya bagoong! Pati singkamas. Sayong sayo na lahat ng prutas nato!" Isang nakakarinding boses ang lumabas sa bibig ni kape-coffee-effie.
"Ano ba? Ang ingay mo eh! Kaya pala... Alam ko na ngayon kung bakit sound jewel ka!" Sigaw ko rin dito. Nakakainis! Ang aga aga pa bubunganga na naman sya! -.- daig nya pa ang isang nanay kung magsalita, hindi lang sa bilis, pati na rin sa pagsasalita! -.-
"Awwwwwww, bili muna ako ng mangga o kaya singkamas? Sige na? Puhleeaasseee?" Sabi nito sabay akap sa kanan kong braso, at parang aso na sinsabing huwag syang saktan ng amo niya.
nandito pala kami sa bahay, tapos na ang pagkukwento ko ng 'alamat' kahapon -.-'. at ito namang si kape, naglilihi ata at gusto ng singkamas at mangga. -.-
"Gusto mo?" Tanong ko rito at agad agad naman itong tumango, para bang bata na tinatanong ng nanay kung gusto ng lollipop.
Tumayo ako at tinanggal ang braso nyang nakapalupot sa braso ko.
"Bumili ka" sagot ko sabay takbo sa higaan at nagtalukbong ng kumot.
"Naman eh!!! Pinaasa mo ako! Ay hindi! *bumulong* hindi sya paasa, umasa lang talaga ako. Ei kasi naman! Pagkain yun eh! *sumigaw* ang daya daya mong langit ka! Sana kunin ka na ni Lordddd!"
Napatawa na lang ako ng mahina ng marinig ko ang mga pasigaw at pabulong na mga reklamo nito. Isip-bata.
******
"Oo nga pala effie, inimbitahan lahat ng mga kabataang nasa trese hanggang disi-otso na pumasok sa Fersburg Academy. Hindi ko rin alam kung bakit." Saad ko dito habang namimili ng ulam na kakainin namin mamamayang gabi at almusal para na rin bukas para hindi na ako lumabas pa ng maaga.
Magaalas-kwatro pa lang naman ng hapon ng pumunta kami ni effie dito at alas-singko na ngayon dahil malayo layo ang aming bahay papunta dito sa bayan.
"Ha? Bakit naman? Eh alam mo namang ayoko duon eh! Napaka matapobre ng mga tao dun! Tapos mapanghusga pa! Akala mo eh mamatay kapag hinwakan ng mga katulad natin at akala mo sa mga balat nila ginto! Eh pareparehas lang naman tayo dito na tao! Napakamapanghusga ng mga tao doon sa fersburg academy! Mababaho din naman ang mga utot non!" Sigaw nito at dahil sa sound jewel sya, ay medyo malakas ang pagkakasabi nito dahilan para pagtinginan nya ng ibang nandito sa bayan, ang iba ay tumango tango at ang iba naman ay deadma lang.
Habang ang tindera naman sa harap namin ay medyo nairita na pagkasangayon sa sinabi ni kape, marahil ay nairita ito sa lakas nf bises ni effie at sumang-ayon dahil na rin sa mga pahayag ni effie.
"Hinaan monga yang boses mo! Para kang nakatira ng sampung kape at napakagana mo. -.-!"
Pangiinis ko dito nang matahimik sya, ang ingay ingay! -,-******
2 days. Dalawang araw na lamang at maguumpisa na ang pagbukas ng gate ng Fersburg Academy para sa lahat ng kabataan dito sa Maquilos. Ang akademyang gustong gusto kong pasukan. Kaya lang. Yung magaling kong kaibigan na si kape (effie), ayaw doon. Siguro'y napakadaming mapanghusgang tao doon. Kaya lang naman gusto kong makapasom doon ay,
Kapag kasi pumasok ka, kailangan may isang miyembro sa iyong pamilya ang pupunta o makakapasok din sa akademyang iyon. Nagbabakasakali akong makita ko ang isa man sa pamilya ko. Kapag kasi walang ni-isang miyembro ng pamilya ang isang estudyant roon ay gagawa't gagawa sila ng paraan mahanap man lang ang isa sa iyong pamilya.
Lalo tuloy ako nakaramdam ng pananabik. Sana nga, sana nga makahanap man sila kahit isang miyembro lamang ng aking pamilya,
Sana....

BINABASA MO ANG
The Legends
Viễn tưởngLegends' dito. ito ang akademya na ayaw kong pasukan. puro matatapobreng tao ang nagaaral, mga anak-mayaman. anak-mayaman na ayaw dumikit sa madudumi, maarte, agresibo, mapanghusga, mapanakit. ito ang akademyang gustong gusto ng bestfriend kong maka...