I

15 0 0
                                    

"Chyn. I love you, will you be my girlfriend?"

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig nya ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong isasagot ko. Basta. Napakabilis ng tibok ng puso ko.

"Chyn?" Tanong nya ulit.

Napakurap ako. This is it Chynna!

"Its a yes, Diether! I love you too!"

Niyakap ko sya ng mahigpit. At nung nahiwalay na ang pagkakayakap namin. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko, at unti-unti nyang nilapit ang muka nya sa muka ko.

At magdidikit na ang mga labi namin...

At..

At..

"Chynaaaaaaa!!! Male-late kanaaaa!!!!"

Nagising ako. Punyemas naman oh!!

"Mama naman ehh!!" Sabi ko habang pababa kay mama.

"Alas nuebe na, Chynnalyn. May pasok ka ng 9:30 diba?" Sabi ni mama habang nilapag ang pagkain sa mesa.

"Mama!! Nananaginip ako kay Diether, ma! Ma! Nagpropose na sya sakin! Ma! Magkikiss na kami mama!! Malapit na eh ma!! Kaso ginising moko!" Pagdadrama ko kay mama habang sabay kaming kumakain. Hindi ako pinapansin ni mama.

"Maa?? Hello? Nakikinig kaba ma?? Hellooooo??"

Tinignan ako ni mama. Tinignan ko din sya at binigyan ng "Ano-Ma-Sasagot-Ka-Po-Ba" look.

"Baliw." Sabay irap.

"Fangirl lang, Ma!"

Fangirl GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon