"Bakla. Alam mo ba napanaginipan ko nanaman sya."
"Sino?"
"Sino paba."
"Sino nga ba?"
"Si ano. Diba?"
"Sino si ano?"
"Bwiset ka!! Si diether my loves!!"
"Ah. Bakla naman yun eh."
"Tapos alam mo ba. Nagpropose na sya sakin. Tapos magkikiss na kami tapos ginising ako! Huhu!"
"Korni naman. Bakla yun promise. Puro abs lang naman."
"Hah. Thanks, friend. You're so supportive." Inirapan kolang sya.
Haynako. Hahaha! Yung kausap ko, sya pala si Rhian Del Rosario. Moody sya. Maganda kaso di mashadong marunong magayos. Sya ang very supportive bestfriend ko!! Pero pag dating sa boyfriend kuno ko err. Wala. Walang ka support support!
Yung Diether? Hihi. Yung nasa panaginip ko kanina. Diether Santos. Siya lang naman ang Teleserye King! Ang napaka-gwapo at napaka-hot na taong alam ko!!
Okay... Well.
Hindi kami close.
Hindi nya alam na nageefort ako for him.
Hindi nya ko kilala.
At higit sa lahat.
Hindi nya alam na nageexist ako dito sa mundo!
Haaayyy. Ganyan. Yan. Yan ang buhay ko. Ang buhay ng isang "FANGIRL".
Alam nyo ba yung feeling na yun? Yung nageeffort ka sa taong hindi ka naman kilala? Yung feeling na halos mamatay kana sa kilig 'twing may palabas sya sa TV? Yung pag may contest sa commercial na involve sya lahat lahat gagawin mo manalo ka lang? Yung kahit saang mall pa sya magshow gagawa at gagawa ka ng paraan makita lang sya? Yung palaging mong iniistalk yung lahat ng accounts nya mapa-IG, twitter at kahit page sa facebook? Yung mapuno na yung memory card mo sa sobrang daming pictures nya? Yung punong puno yung kwarto mo ng pictures nya? Haaay. Andami kong tanong nu? Ganyan kasi ako. Everyday! Pag nakikita ko sya kahit sa TV lang, tumitigil mundo ko tapos ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ako nga pala si Chynnalyn Velasco a.k.a Chyn at isa kong Die Hard fan ng nagiisang Diether Santos.