#DNIB 11th Page

620 12 9
                                    

Dear Diary,

Sa sobrang goosebumps at kaba ko kagabi ay midnight na ako nakatulog nang maayos hanggang alas 3 am. So hinintay ko nalang mag-5 am para magprepare sa school. Hihihi.

This is it, pancit! Ngayon na ako makikipagblind date. Waaah!! First time ko 'tong gagawin. Ah basta Gleia, huwag kang magpapahalata na perstaym mo ha. Baka pagtawanan ka lang. -____-"

"Oh ano Gleng? Ready kana?" bati agad sa akin ni Ylona pagdating nang pagdating ko ng room.

Di nalang ako umimik. Instead umupo nalang ako sa tabi niya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung tinitingnan ako ni Aubrey. Hayyy, nakakatunaw. Gusto kong tingnan din siya nang malagkit pero naalala ko, nasa Moving on stage na pala ako. Gleia gising!! Baka namalikmata ka lang, di ikaw ang tiningnan niyan... Pero kasi eh, nakita ko... Ay ewan. Erase erase...

"Okay class. Iiwanan ko muna kayo ng seatwork because we'll have a faculty meeting. Secretary, please write this on the board. I have to go" at lumabas na rin si Prof.

At isang napakalaking "YES!!!" ang napakawalan ng buong section. Bored yun magturo eh tapos mahilig pang magpaquiz. Lagi kaming below 50% ang score.

Bigla akong siniko ni Fe, "pst Gleng. Ready na ata ang blind date mo" aniya sakin.

"Paano mo naman nasabi?" kako naman

"Hmm. Basta" sabay wink sakin. Ew laswa. Hahaha joke

"Hayyy" at deep sigh lang ang napakawalan ko.

After naming gumawa ng seatwork ay dumiretso na kami ng canteen upang magmerienda.

"Siguradong magiging masaya ang gabi mo Gleng. Magaling kaming pumili ng blind date eh" ani Ylona habang kumakain ng French Toast.

"Paano kung di ako siputin nun? Makikita niyo ang hinahanap niyo!" sabay taas ng kamao sakanilang dalawa.

"For sure sisipot yun. Yun pa!" sabi ni Fe.

"Okay. Clue naman kung ano itsura nyan" kako. Super curious ba kasi ako eh. Kung maganda ba, kung kasing-ganda ba ni Aubrey. Hayst erase erase! Gleia please... Tama na ang kahibangan.

"Huy Gleia Sandoval! Nakikinig ka ba sakin?" ani Fe habang inaalog ako.

"Ahh.. Sorry" sabay tapik sa noo. "Wag ka nalang magshare" kako nalang.

Bumalik na ulit kami ng room at mabilis natapos ang araw at magtatakipsilim na nang natapos ang klase namin.

Hinatid na ako ng dalawa sa isang malapit na Resto bar sa FGOC. "Oh Gleia. Itetext ka nalang namin ha? Basta nakakulay white ang date mo. Enjoy!" Nagpalinga linga muna ako sa loob para tingnan ko kung marami nang tao ay ang dami nanga. Magsasalita pa sana ako pero pagtingin ko wala na sila. Walang hiya ang mga yun!

At wala na akong magawa kundi pumasok nalang sa loob at umupo sa isang table na walang nakaupo.

Hinahanap ko na ngayon kung sino ba yung nakaputing tinutukoy nila. Pagtingin ko sa gilid ay isang pamilyar na nakaputi ang nakita ko sa kabilang table. Nung una, di ko nalang pinansin at mas nagfocus nalang sa paghahanap pero parang ako ata ang nakilala niya.

"Gleia?" nakatayo na pala siya sa harapan ko.

"Huuuuy! Bawal ang magaganda dito!" nagsalita ulit siya. Nakayuko lang ako at this moment.

"Huyy Gleia Sandoval. Ai to!" agad kong inangat ang ulo ko at di nga ako nagkamali. Si Ai nga, yung kaklase ko.

Agad kong inayos ang sarili ko at niyaya siyang umupo.

DIARY ng isang BISEXUALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon