"Dhania! Group 2 ka sa music video! Kagroup mo si Andrei!" kinikilig na sabi ni Jeanne.
"Weh? Ano nanamang kalokohan yan?" isang lingo din akong nastuck sa ospital at hindi nakapasok sa school, tapos nung pagbalik ko may project agad na binigay si maam.
"Oo nga! May shoot daw kayo bukas! Sayang di ako makakasama, may shoot din kami eh. Geh sis, see yah~!" nagbabye na sakin si Jeanne, uwian na kasi, kaya naghiwalay na kami ng landas.
"Dhania?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. "Uy! Dhania! Sabay na tayo? Uuwi ka na diba?"
"Ah, oo. Sige." Yun nalang yung nasabi ko sakanya. Kanina pa kami naglalakad, nasa kanto na nga yung bahay namin eh, pero tahimik parin kami, ano ba naman Dhania! Nalunok mo ba yung dila mo? Magsalita ka!
"Uhh—" sabay naming sabi.
"Ay hindi ikaw na" sabay ulit naming sabi.
"Sige ako na." natawa nalang kami, kasi kanina pa kami nagkakasabay ng sinasabi.
"May practice tayo bukas, ikaw daw yung kakanta." Sabi nya.
"Hala! Oy di ako marunong kumanta!" taranta kong sabi.
"Ayo slang yan ako naman ka-duet mo." Tumigil sya sa paglalakad kaya tumigil din ako. "Oh, eto na pala bahay nyo eh, sige kita nalang tayo bukas. Good Night Dhania." Nakangiti nyang sabi.
"Good Night Andrei. Sige pasok na ako ha? Baka kasi naghihintay na sila mama." Nagwave siya sakin at nagsimula na maglakad palayo.
Sinungaling talaga ako. Sabi ko papasok na ako sa bahay eh, pero eto ako, pinagmamasdan parin yung likod nya.
---*
"Because two, is better than one~!" kanta namin ni Andrei sa last line nung kanta.
"WAAAHH!!! TAPOS NA TAYO! FINALLY!" sigaw ni France, sya kasi yung director nung music video namin.
"Yeaaassshhh!!! Party party na to! Kaninong bahay tayo pupunta?" tanong nung isa naming classmate.
"Sa bahay pwede." Sabi ni Andrei.
"Talaga pre? Seryoso?" tanong nung isa pa naming kaklase.
"Yup. Out of Town sila mom." Sangayon ni Andrei.
"O? Ano pang hinihintay natin? Sugod na sa bahay nila Andrei!" sigaw nila. Natawa nalang ako, para kasi silang mga bata.
Pagkarating namin sa bahay nila Andrei, tulad nga ng sabi nya wala yung parents nya, pero, hindi nawala yung sangkatutak nilang katulong.
"Manang, pahanda po ng meryenda sa mga kaibigan ko." Magalang nyang sabi sa katulong nila. Pagkaalis nung matanda, ibinaling nya yung tingin nya sakin.
"Aren't you enjoying yourself Dhania?" tanong nya, hindi naman sa hindi ako nageenjoy, eh kasi naman ang ingay ng mga kaklase namin na naglalaro ng xBOX.
"Ahh, hindi, okay lang ako." Sabay ngiti.
"Alam ko na, tara, may ipapakita ako sayo." Nabigla ako nung hawakan nya yung kamay ko at hatakin ako papuntang second floor ng bahay nila kung saan matatagpuan yung kwarto nya.
"Woooow. Ang ganda naman dito. Kaninong kwarto to?" tanong ko sakanya, naaaliw kasi ako dun sa kisame nya, parang stars.
"Sakin, mahilig kasi ako sa stars. Alam mo ba gusto ko panuorin ang stars kasama ang taong mahal ko." Napatingin ako sakanya. Nakatingala parin sya sa kisame. Taong mahal? Shet. Ito nab a yun? Ako ba yung sinasabi nya? Aamin na ba sya?
"Dhania, may sasabihin ako sayo. Secret lang nati to ah?" nakangiti syang tumingin saakin at lumapit para ibulong yung sasabihin nya.
"Mahal ko na yata si Jeanne. Mahal ko na ata best friend mo." Halos gumuho yung mundo ko nung narinig ko yun. Sa lahat ng tao bakit si Jeanne? Bakit best friend ko pa? Hindi ko alam pero hindi ako makahinga, biglang sumikip yung dibdib ko. Si Jeanne yung gusto nya.
"T-talaga? W-walang duda, ma-maganda naman talaga si J-Jeanne eh." Nakangiti kong sabi kahit nagbabanta nang tumulo yung mga luha ko. "S-sige Andrei, u-uuwi na ako, b-baka kasi hinahanap na ako nila mama. Hanggang 12 lang paalam ko eh ala-una na." nagmamadali akong bumaba para kunin yung gamit ko at direderetsong tumakbo papalabas, hindi ko na pinansin sila France, kailangan kong makaalis agad sa lugar na yun.
Takbo lang ako ng takbo, ni hindi ko na nga alam kung asaan na ako eh. Ang alam ko lang sobrang sakit ng dibdib ko, sobrang sakit, gusto kong magalit kay Jeanne pero anong klase akong kaibigan kung sisisihin ko sya kahit wala naman talaga syang ginagawa. Bigla nalang akong napatid sa kung saan, kaya napaluhod ako sa damuhan, nasa park na ata ako, ewan, basta wala na ako sa bahay nila.
Bakit ganun? Bakit ang sakit sakit, gusto kong umiyak pero pinipigilan ko, wala naman kasi akong karapatang umiyak, katangahan ko to, ako may kasalanan, ako yung nagassume. Wala silang kasalanan, ako lang yung nagpakatanga. May naramdaman akong mga patak ng tubig sa pantaloon ko kaya napatingala ako sa langit. Umuulan pala, nakakatawa lang talaga, napaka ironic, napaka cliché umuulan habang eto ako nasasaktan. Hindi ko alam pero nababaliw na yata ako, bigla nalang akong tumawa, pero hindi nagtagal yung mga tawa ko, naging iyak, naging hikbi.
"Ang plastic mong tao Dhania! Ang plastic mo! Pati sarili mo gusto mong lokohin!" sigaw ko. Para na ata akong tanga, ako lang yung tao dito sa damuhan habang umuulan, pero wala akong pake sakanila, nasasakatan ako, ano bang alam nila? WALA! Hindi nila alam na sinasaktan na nila ako.
"Dhania?" napaangat yung ulo ko nung marinig ko yung boses ni Jeanne. Agad akong napatayo para yakapin sya.
"Jeanne, I lost. Wala na akong pag-asa," sabi ko habang yakap yakap parin sya, yinakap nya rin ako kaya parehas na kaming nababasa ng ulan.
"Dhania, ano bang nangyari?" tanong nya.
"Inlove na sya sa iba Jean, ha-ha-ha" pilit akong tumawa pero tulad ng kanina nauwi lang ulit sa iyak, "inlove sya sayo Jeanne." Lalo nyang hinigpitan yung yakap sakin.
"Dhania, I'm sorry, hindi ko alam," umiling ako.
"Hindi, wag ka magsorry, wala kang kasalanan, in fact sinupport mo pa nga ako eh, Thank You Jeanne. I'm happy to have a friend like you." Hinigpitan ko yung yakap sakanya. "No. I'm Damn heck lucky I got a best friend like you."
"Ano ka ba, Dhania," humiwalay sya paratingnan yung mukha ko. "Ako rin kaya, kahit baliw ka talaga, ang swerte ko sayo." Natatawa nyang sabi, at yinakap ako ulit.
"Jeanne, tingin mo? Nagmumukha tayong tanga sa ginagawa natin? Nagyayakapan sa gitna ng ulan kahit may paying ka lang namang dala?" natatawa kong tanong.
"Nuh ka ba! Di ka na nasanay dear, matagal na tayong baliw." Nagtawanan lang kami.
"Stop crying na, I'm always here for you. I love you Dhania dear." Sabi nya sakin.
"Thank You, I love you too mother bear." I kidded.
---- THE END ----
So what about LOVE? It's not just a infantuation you feel towards the opposite sex, but it is the love you share with your best friends, family, classmates, those who makes you who you are today. Those people are what really matters. Yang boyfriend-boyfriend na yan? Darating ang tamang oras para dyan. You'll just have to wait.
-Henrine Red
![](https://img.wattpad.com/cover/47939584-288-k205997.jpg)
BINABASA MO ANG
Hoy Crush! Manhid Ka! (Short Story)
KurzgeschichtenAno ba ang mas matimbang? Yung lovelife mo? O yung friendship niyo ng kaibigan mo?