CHAPTER 2
Ang boring naman dito. Nandito kami ngayon sa C.H.S (Computer Hardware Servicing) room.
Wala kaming ginagawa. Mabuti nalang hindi na kami nag-introduce sa harap. Nakakasawa na kaya.
Parang paghihintay ko kay Carlo. Nakakasawa na. Nakakasawang mag-hintay na kausapin nya 'ko. Orayt. Napunta na tayo sa hugot.
Nagpapatugtug nalang ako ng kanta. Pero nalowbat ako bigla. Psh.
Nagcharge ako saglit,may isa pang cellphone na naka-charge. Kanino kaya 'to..
Hinayaan ko nalang kung kanino man 'yon. At dumating na agad ang may ari ng puso ko. Cellphone pala.
Nginitian ako ni Carl. Whaat?! OMG. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Magkatabi kami ngayon. Parehas kasi kaming nag-chacharge dito sa dulo ng room.
Eto na. MAglalakas loob na akong kausapin sya.
1..
2..
3..
G...
Bago pa 'ko makapagsalita,nagulat nalang ako nang ..
"Hi. Uhm.. C.H.S rin pala yung kinuha mo?" Tanong saken ni Carl.
..bigla akong kinausap ni Carl.
Totoo ba 'to? Hindi ba 'ko nananaginip? Kung panaginip lang 'to please wag nyo na 'kong gisingin.
Bigla naman akong kinurot nitong si Ali sabay ngiting nakakaloko.
Hindi nga ko nananaginip. Ang sakit ng kurot ng bruha e.
"Ah..Eh.. o.. Oo" nauutal kong sagot.
Parang namumuguran ng paru-paro ang puso ko. Parang kaming dalawa lang ang tao ngayon kahit ang gulo-gulo ng mga classmates namin. Parang feeling ko mahal ko siya kahit crush ko lang sya.
Ano ba 'tong mga sinasabi ko, mahal agad?
"Oh? Ba't parang pinagpapawisan ka? Okay ka lang ba?" pag-aalala niya.
At..
Bigla nyang ..
Pinunasan pawis ko gamit yung panyo nya.
Hmm! Ang bango!
Wow! Ano ba nangyayari ngayon? Para akong nanalo sa lotto! Mas higit pa sa nanalo sa lotto.
Mabuti nalang at 2hrs. kami rito. Mahaba-habang landian 'to Mwahahaha! Sana walang umepal.
"Steph! Samahan mo 'ko naiihi ako e!" Pag-epal ni Rae.
Kasasabi ko lang e!
Bigla naman syang napalingon kay Carl. Nanlaki ang mata nya. Yung parang sa tarsier.
Sinenyasan ko naman sya.
At agad nya akong naintindihan.
Mabuti nalang at nagcecellphone si Carl, hindi nya nakita ang senyasan namin.
"Owww. Sorry. kay Ali nalang ako magpapasama."
At tuluyan nang lumayas ang bruha. Haay.
"Okay ka lang ba ,steph?" - carl
"Oo naman."- ako
"Ah. Mabuti naman kung ganun. Uhhmm. Steph?"
"Hmm?"
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?"
O____O Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"Huh? Oo naman." mabilis kong sagot.
"Thank you. Ikaw nalang kasi hindi ko ka-close dito sa room e. Ang panget naman kung hindi tayo mag-uusap o magkaibigan,diba?"
Asus. Gusto nya lang talaga ako maging kaibigan e tapos liligawan nya ko.Naiintindihan ko naman sya. Dami nya pang explanation e. Mwahaha (KAFAAL)
"Uhhm. Carl, wag ka sanang maiilang saken ah? Kung crush kita. Crush lang naman eh"
Wow. Very Good, Steph! Proud ako sa'yo!
"Huh? Oo naman. Salamat sa paghanga ah? 'Di ba crush means paghanga?"
Oo, tama ka! paghanga lang yun! Hinahangaan lang kita. Hanggang dun nalang yun. Sana.
"Oo. Ang talino mo kasi e. Tapos ang galing pa kumanta. Just Wow! Bihira lang yung ganyang lalaki. Nakangiti kong sabi.
Nginitian nya lang ako.
At nagbell na.
'Pag talaga kausap mo 'yung crush mo 'no? Iba yung feeling.
Yung ayaw mo nang matapos yung conversation nyong dalawa.
Salamat sa araw na 'to. Kaytagal ko 'tong hinintay. Ito na ang simula.
--
To Be Continued..
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RomanceSi Steph ay isang simpleng babae. Mayroon syang crush pero sa 3 taon nya itong naging crush, ni minsan hindi pa sila nag-uusap. Nagkakahiyaan sila sa isa't isa. Naging inspirasyon nya si Carl sa mga bagay-bagay.