"Kumakain ka nanaman, Elizabeth!"
Napatalon ako sa gulat ng pumasok ang lola ko sa kwarto ko. Alam ko na agad na papansinin niya nanaman ang katawan ko.
May katabaan kasi ako. Siguro naninibago lang din ang mga nakapaligid sakin dahil hindi naman ako mataba dati. Hindi naman ako sobrang taba, malaman lang ako. Malapad din ang balikat ko kaya lalo akong nagmumukhang malaking babae at mas nagmumukhang mataba. Eh hindi ko naman kasalanan na ganito ang built ng katawan ko!
Sa mother side ko kasi ay malalaki ang pangangatawan nila. Sabi nila ay big boned daw ang tawag sa ganitong katawan. Nagda-diet naman ako pero pero malaki pa rin ako tignan kaya dumating ako sa point na wala na akong pakeelam sa sinasabi ng iba tungkol sa katawan ko, Ang sarap kaya kumain!
"La naman, ngayon nga lang ako nagbabawi ng kain dahil hindi ako nakakain masyado sa handaan kanina"
Birthday kasi ng bunso namin, kami-kami lamg dapat ang tao pero etong lola ko, inimbitahan ang mga kapitbahay na wala naman ambag sa buhay namin. Tinamad tuloy ako kumain dahil paniuradong papansinin nanaman ng mga bisita ang pagtaba ko. Kaya minabuti ko nalang na hintayin sila umuwi bago ako kumain.
Pero etong lola ko, nandito nanaman sa harap ko para pagsalitaan nanaman ako.
"Ayan na nga ang sinasabi ko! Ang taba mo na! Ang laki na ng katawan mo! tumingin ka nga sa salamin! walang wala ka talaga sa pinsan mong si Adrianna!" Pagkumpara niya saakin at sa aking pinsan.
"Lola, hindi po ako nakikipagpayatan sa pinsan ko, at wala akong magagawa kung dahil magkaiba naman kami ng pangangatawan. Kung siya ay hindi tumataba kahit maraming kinakain, iba po ako dahil big boned ako" Sagot ko sakanya.
"Ay bahala ka! Kaya walang nagbabago sayo eh!" at padabog niyang sinara ang pinto ko.
Huminga nalang ako ng malalim at tumingin sa bintana ng kwarto ko.
Kung minsan naiisip ko talaga na, bakit kaya walang tao ang paborito ako?
Bakit kaya kahit sarili kong pamilya, ibinababa ako?
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at nagsimulang maghanda para sa pagtulog. Mahaba pa ang araw ko bukas dahil kailangan ko pa i-enroll ang sarili ko. Wala naman kasing gagawa saakin ng bagay na iyon.
Matapos magayos ay humiga na ako at tinignan ang mga glow in the dark na mga stars sa kisame ng kwarto ko. Inilagay ko ito dito last year dahil nakita ko na sikat sa tiktok yung mga lamp na nag-iiba ang kulay, pati yung mga LED lights.
Kaso wala naman na akong extra para makabili ng ganun dahil hindi naman ako binibigyan dito saamin.
May pagka magulo ang buhay ko dahil hiwalay ang mama at daddy ko.
Hindi naman ako clueless sa paghihiwalay nila, mabait ang mama ko. Naalala ko, 5 years old na ako noong nagsimula kong maintindihan ang ginagawa ni daddy kay mama.
Sinusuntok, sinasampal, pinapahiya sa kalsada, ginugupit at sinisira ang mga damit ni mama, at sinasabihan ng mga masasakit na salita.
Maganda ang buhay ng mama ko bago niya makilala ang tatay ko. Sa FEU sila nagkakilala. Sabi ng nanay ko ay maayos at mabait naman daw ang tatay ko noong nagpapalipad hangin ito sakanya. Noong Nabuntis naman siya, nalaman niyang may anak na pala ang tatay ko. limang taon ang tanda saakin. 7 months niya akong naitago sa tiyan niya na hindi nalalaman ng lola at lolo ko. Maliit kasi siyang magbuntis.
Noong nalaman naman ito ng parents niya ay ipinakasal sila kahit ayaw ni daddy at ni mama na magpakasal.
Noong 6 years old ako ay nagawa namin ni mama na makatakas sa puder ng tatay ko. hindi na niya kinaya ang pananakit nito. Umabot na rin kasi sa puntong, pati ako sinasaktan.
Naging madali ito saakin dahil hindi ko pa gaanong naiintindihan ang sitwasyon sa edad na anim na taon. Pero noong nagsimula na akong mag-aral ay napapaisip na ako kung bakit hindi kami kumpleto. Alam kong sinasaktan ng tatay ko ang nanay ko. Pero hindi naging malinaw saakin yung araw na umalis kami sa puder niya. Hindi nailinaw saakin ni mama na maghihiwalay na sila. Hindi niya ako kinausap ng masinsinan.
Siguro, pagod na siya? Siguro, hindi na niya naipaliwanag saakin dahil inisip niya na naiintindihan ko naman?
Naiintindihan ko ngunit naghahanap parin ako ng paliwanag.
Lumaki ako na naiinggit sa mga pinsan dahil buo ang pamilya nila. Noong humiwalay kami ni mama sa tatay ko, nagsimulang gumanda ang kita ng mama ko sa trabaho niya. Naging maayos ang buhay namin at halos siya na ang bumuhay sa buong pamilya niya dito sa bahay ng lola ko.
Nagkaroon ako ng dalawang kapatid kay mama. yung sumunod saakin ay 12 years ang agwat saakin at yung isa naman ay 16 years ang agwat saakin.
Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko at mama ko. kahit kailan ay hindi ko inisip o ipinaramdam sa mga kapatid ko na iba sila. Itinuturing ko silang buo kahit na hindi kami magkakapareho ng tatay.
Hindi ko namalayan na napalalim na pala ang pagiisip ko, unti unting bumigat ang talukap ko at tuluyan ng nakatulog.