Kyyaahh!! Nakakahiya talaga yung nangyare kanina samin ni Daniel.
Haist di ko talaga expected na ganun.Siguro assuming lang talaga ako kaya napapikit ako. Dahil akala ko talaga hahalikan nya ko.
Di ko alam kung maiinis ako sakanya eh. Sya pa naman yung Love of my life ko! Wahahaha ❤
At ngayon papunta na sana ako sa classroom ko.kaso Hindi ko pa alam kung saan. Kaya naman tumingin-tingin ako sa mga list ng name of students sa may bulletin board.
STAR SECTION:
Section A . Wala. (Shizz)
Section B . Wala.(pakshet! Wala parin . PAANO NA TO?)
Section C . (LORD! parang awa mo na po.! Sana nandto na yung pangalan ko. Promise! I will do everything. To make my family proud promise! Eto na kasi yung last na pasok sa star section eh.)
Tingin.tingin.
tingin.
tingin.
"AYUN! WAAHH! YES! pasok ako! Yes! Yes! Yes!" Nag tatatalon ako at nag sisisigaw sa harap ng isang bulletin board malapit sa isang office ng head department sa Mathematics.
Habang sumisigaw ako. Biglang may lumapit sakin na poging lalake. Pero parang naka Foundation sya. Teka! Foundation day ba ngayon? Ang kapal eh!
"Miss! Sectioning palang yan. Masyado ka naman atang tuwang tuwa jan?tsk!excuse me nga!" Sabi nung lalaking lumapit sakin na nakasuot ng headset . Hmm mukhang mayaman ang lalaking to..
Pero Ang suplado ! Akala mo naman kung sinong pogi kung makapag suplado!
Well pogi nga sya! Pero kahit na! Ang sungit nya parin..
Bakit sino ba sya para sungitan ako?!? An sarap nyang dagukan eh!. Masyadong mayabang!
Siguro matagal na sya nakapasok sa star section kaya ganun lang yun saknya. Siguro sanay na sya makabilang sa mga mayayaman at matatalinong estudyante dito sa campus namin.
pero bakit ang sungit nya?! Wala na ba akong karapatan mag saya?.
"Bakit? Sino ka ba? Kaano ano ba kita? Wala kang pakielam kung masaya ako.! " sabi ko ng nakataas ang kilay at nakapamewang habang naka tingala sakanya.
Oo. Nakatingala. Eh pano ang tangkad tangkad! Akala mo poging kapre na maputi! .
"Tsk!" Aba't! Tinignan nya lang ako at sabay inirapan.
Hala!antaray nun ah!. Kung maka irap. Naku! Ansarap nya talagang Tirisin!!!!!! haayst!
Sayang ang gwapo ng lalakeng yan! Nakunaku! . Kapag ako ang naging jowa nyan mawawala yang pagka suplado nyan
P R O M I S E! .Sinuot na nya ulit yung headset nya at sabay umalis ng nakabusangot ang mukha.
Hayys! Sayang naman ang kapogian nya.
Hmm. Teka nga. Mag 6:00 na pala. Pero hindi ko parin alam ang class room ko. Nag lakad ako sa corridor at naisipan kong mag tanong tanong sa mga estudyante na naka tambay lang sa labas ng classroom nila.
"Miss! Excuse me. Mag tatanong lang ako.saan ba dito ang classroom ng Section C?" Ang sama naman makatingin ng babaeng to.parang lalamunin ako ng buo.
Teh! Nag tatanong lang ako teh! Wala akong ginawang masama sayo teh!
"Ayy!sorry miss.naka istorbo ba ako.salamat nalang , sa iba nalang ako magtatanong."
Nakaka gago naman yung mga tao sa school.hondi ko alam kung anong mangyayare sakin ngayon araw na to eh.
Nung nag patuloy ako sa pag lalakad. Nakita ko yung lalaki kanina na si Mr.Suplado sa isang classroom. Sya lang magisa at walang kasama.
Nakasimangot nanaman sya. Anu bayan! Sayang talaga.
Nilapitan ko sya sa loob ng classroom.
Shizz! Hindi ko alam kung bakit ko sya lalapitan pero. p r o m i s e ! ✋ kinakabahan ako.
"A-aahm Hi!." Ayan na! Wooh! Di ko alam kung bakit ko to ginagawa pero basta! Parang kasi gusto ko syang maging kaibigan.
"Oh?bakit?" Tinignan nya ako habang hindi tinatanggal ang headset nya sa kanyang tenga at yung mukha nya EMOTIONLESS habang kinakausap nya ako.
"Ah w-wala wala. May tatanong lang sana ako"Nauutal utal kong sabi sakanya.
Hindi sya sumagot. -_- hayst!
Ang suplado talaga!
Anyways "saan ba yung room ng Section C?" Sana naman sumagot na sya no! Mukha nakong tanga dito .
"Hmm. Pwede mo ba akong samahan?" OK masyado nang makapal mukha ko. Pero ok lang yan.
"Nandito ka na." Sabi nya ng di nakatingin sakin at hawak lang ang cellphone nya.
Huh? Nandito nako? Ano daw? Saan? (Ayt!tanga lang? "Saan?" Seriously? Malamang sa classroom tsk!) .
Grabe ka naman OTOR!
Hmm pero anong NANDITO KA NA?
"Ahm! Anong nandito na ko?"tanong ko na may halong pagtataka.
"Ano bayan! Ang slow mo! Malamang sa classroom. Diba nag tatanong ka kung saan yung classroom ng Section C?!"
Ay grabe! Nakakatakot syang magalit. Ohmaygee!
Pero wait? Ibig sabihin? Haaaa?? Ohmaygulaaay!! Nakakatakot!
.
To be continue...