"Zeon? May problema ba tayo? Bakit ka ba tahimik? Hmmm ayaw mo ba ng pagkain? Ahhh alam ko na, siguro malamig na kasi tong ice tea mo; gusto mo ikuha kita ng bago? " haist! Ang sakit sa puso parang may bumabara sa lalamunan ko. Parang ang hirap huminga , tanging bugtong hininga lang ang kaya nyang isagot sakin. Kaya himbis na magsalita ako ng magsalita, nanahimik na lang ako. At itinuloy ko nalang ang pagkain ko.
Ilang araw na ba syang ganyan? Oh ! Isang linggo na pala. Ayaw nya kasi magsalita. Ang cold na nya sakin. Kung magsalita man sya puro tungkol sa school lang: kung may test ba kami? Pati ba naman yun hindi nya alam, ina-announce kaya yun. Pati sa school hindi na sya attentive. Anu ba dapat kung gawin? Para naman bumalik kami sa normal.
"Tara na?" Narinig kong sabi nya. "May subject ka pa ba ngayon, Tine? " Malamig nyang tanong sakin habang sa daan sya nakatingin. Samantalang ako nag iisip kung dapat ko na ba sya kausapin ng masinsinan?
"Hmmm uo, ito naman di ba binigay ko sa iyo ung sched ko? " ang bitter ng sagot ko.
"Ah talaga? nawala ko ata?" Sagot nya na parang wala na syang pakialam. Shemay simpleng bagay pero alam mo yung feeling na wala na syang pakialam sa yo. Alam mo yung feeling na hinahanap mo yung dating sya. Yung kinukulit ka pa para ibigay mo sa kanya yung sched mo para daw maayos nya yung sched nya para lagi ka nyang KASAMA. Dahil sa simpleng bagay. Gusto kong umiyak, dahil sa simpleng bagay nafeel mong HINDI KA NA NYA PRIORITY.
"Zeon? Aantayin mo ba ako? Sa dating antayan ba?" may halong pagkadismaya kong tanong sa kanya?
"Hindi na, Tine. May importante akobg pupuntahan? Kaya mo naman di ba? Ngiti nyang sagot sakin. Kaso may kulang sa ngiti nya parang may gusto syang sabihin kaso, ito na naman ako. Natatakot magtanong
"Uo" simple kong sagot sa kanya. " Dito na ako Ze , ingat ka sa pupuntahan mo!" Sabay pasok ko sa classroom ko, nagwave nalang ako sa kanya.
Nang makita kong unti unti na syang lumalayo sa room , unti unti na din nanlalabo ung paningin ko. Simple lang yung dahilan kasi MAY NAGBAGO . Hindi ko alam kung AKO BA o SYA? basta ang alam ko magiging dahilan ito ng paghihiwalay namin. Iniisip ko pa lang nahihirapan na ako? Paano pa kaya kung mangyari na yun?
Hindi ko maiwasan ang balik sa nakaraan, paano sya naging sweet sakin. Kung paano nya ako bakuran. At kung paano nya sinabi sakin na "Akin ka. Sakin ka lang" Ganoon sya katerritorial. Gusto ko ulit maramdaman ung pakiramdam na twing hahawakan nya ung kamay ko at sasabihin nyang " AKIN KA LANG" ung tipong nagtatayuan lahat ng balahibo mo kasama sa batok ung tipong ang lakas makakuryente. YUNG FEELING NA ALAM MO, NA SYA NA TALAGA. NA WALA NANG IBANG LALAKI ANG MAGPAPARAMDAM SA IYO NANG GANUN. Pero anu na ba nangyari saming dalawa? Sa loob ng dalawang taon , sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bakit UNTI-UNTI NASISIRA YUNG MGA PARANGAP KO NA KASAMA SYA.
-----------------------------
Madalas ko nang tinititigan tong cellphone ko. Samantalang dati hindi ako magkaumayang magreply sa mga txt nya. Bakit ngayon kahit anung titig ko wala man lang magtxt?
Habang pinakatitigan ko yung picture naming dalawa sa wallpaper ko. Biglang may nagtxt. Di ko man maamin naging excited ako sa pag open ng message na nandun ung pag-asa na SYA ung nagtxt.
At ang laki ng ngiti ko ng makita ko yung pangalan nya sa inbox ko. Hindi nawawala yung ngiti ko habang nakikita ki yung txt nya, na unti unti na din nanlalabo yung paningin ko , tuloy tuloy yung pag agos ng luha ko sa pisngi at hindi ko mapigilan na may kumawalang isang malakas na hikbi mula sa bibig ko. Na naging hagulgol. Bakit ikaw pa? Ang tangi mga salita na nasabi ko habang patuloy ako sa pag iyak. Ang hapdi ng puso ko, pakiramdam ko may milyong milyong karayom na tumutusok dito. Gusto kong mamanhid sa sakit..
BAKIT KASI IKAW PA!?