His

10 0 0
                                    

Ang sakit na nakikita ko syang nasasatan.

Hindi ko naman ginusto na maging cold sa kanya. Pero ito yung pinili ko. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon e.

Sa twing magtatanong sya akala nya ba ginusto ko manahimik.

Uo tama! Choice natin ang maging masaya. Choice natin kung anu man ang nanyayari sa atin. Wala namang aksidente. Sa pagpili lang talaga tayo nagkakamali. Akala natin tama . Akala natin yun ang dapat gawin. Akala natin doon tayo sasaya.

Pero isa ako, na mas pinili ang saktan sya. Kasi akala ko yun ang tama. Kasi ang akala ko yun ang pinaka madaling solusyon para maitakas sya sa mas mahirap na sitwasyon. Eh bakit ngayon parang mas masakit ito . Sa bawat araw na dumadaan mas tumitindi ang sakit, mas tumitindi ang hirap. Malapit na, kunti na lang, susuko na ako.

Sa twing pinipilit nyang ngumiti sa harap ko, tila may gumuguhit na sakit sa puso ko. Sa twing nakikita ko syang masayang nakikipag usap sa iba, ang sakit , may milyong milyon karayom akong nararamdaman.

Bakit kasi ako pa? Bakit kasi ako pa ang napili nya? Marami naman dyang iba e.

Hindi ko maiwasang itanong yan? Kahit masamang kwestyunin ang ginagawa Nyang pag subok satin hindi ko maiwasan ee.

Mahal na mahal ko. Yung tipong kaya kong isugal ang lahat maging masaya lang sya, kami. Kaso bakit ganun? Kulang pa din ba? Kulang pa ba? Naging mabait naman akong anak, naging mabuti ako sa kapwa, naging responsable akong istudyante. Hindi ba yun naging tama na naging mabuti ako sa lahat? Dapat ba naging masama, pasaway at sakit sa ulo ng aking magulang?

Wala akong iba. Tanging sya lang, at sya lang ang nakikita kong babae na makakasama ko PANGHABANGBUHAY kahit sabihin pa bg iba na walang forever.

------------------------------

"Nak? Kaya mo pa bang pumasok" tanong sakin ng nanay ko

"Uo naman nay" lungkot kong sagot.

"Kahit alam mong mahihirapan ka lang sa twing makikita mo sya?" pag alala ni nanay sakin

"Yun ang ikinasisiya ko ngayon nay? Sya nalang kasi ang dahilan kung pinipilit kong bumangon sa umaga. Sya nalang talaga. Ang pakiramdam na naman na ito. Ang sakit sa puso na tipong mat bumabara dito kaya di ako makahinga ng maayos.

"Oh tubig, relax ka lang nak, makakasama sa yo yan" nangingiyak na sabi niya sakin.

--------------------------------

Noong tinanong nya ako kung aantayin ko ba sya? Hindi lang nya alam kung gaano ko kagusto na ibalik ang dati. Alam ko nasakyan ko sya sa pagtanggi ko.

Nang tumalikod ako sa kanya at papasok na sya sa room nya. Hindi ko naiwasang tumula ang luha ko nakakahiya , na isang lalaki umiiyak. Nakakahiya nga ba? Na umuyak ka kasi gusto mo pang makasama ang mahal mo sa mas mahabang panahon. Masama ba yun?

Ang sabi ng doctor, hindi daw nya masasabi kung kailan, wLang saktong oras at araw kailan titigil sa pagtibok tong pusong to, kailangan daw mag paheart transplant.

Naghahanap ngayon ng donor si nanay. Kaso walang magtugma sa kin. Ayaw kong sumuko. Kasi kung susuko ako, alam ko lalo lang sya masasaktan.

Nakareceived ako ng txt mula kay nanay. At ito ang lalakadin namin ngayon may isasagawang test , sana this time mag match na.

Excited na ako ako bukas. Ikay lahat ng test kailangan ko lang ikondisyon ang sarili ko.

Habang tinititigan ko ang wallpaper sa cellphone ko, hindi ko maiwasang ngumiti, sila ni nanay ang dahilan kaya ako lumalaban, ayaw kong ipaalam sa kanya kung bakit nagkaroon ng pader sa pagitan namin, ayokong maawa sya sakin, at ayokong malungkot sya nang dahik sakin. "Kunting panahon nalang Tine, magiging okay din ang lahat"

Pero alam mo ba yung pakiramdam ko ngayon? Ayokong matulog, kasi feeling ko pag pinikit ko yung mga mata ko, hindi na ulit ito didilat. Ayoko ng ganitong feeling. Wag naman po. Okay na may donor na ako, magpapalakas ako. Wag naman ngayon. Hindi pa tamang panahon.

Iiyak si nanay kapag nawala ako, malulungkot si Tine, kapag hindi ako nakapasok tomorrow, excited pa naman ako.

Pero bakit ganito. Parang hapong hapo na ako. Parang gusto ko na din ipikit yung mga mata ko, kahit alam kong may mga luhang umaagos dito, hindi ko maiwasang mapangiti. Kasi sa pagpikit ng mata ko, nakakakita ako ng masayang tanawin, yung walang sakit na nararamdaman.

SALAMAT PO SI PINAHIRAM MONG BUHAY SAKIN. ALAM KO NAGING MAKABULUHAN ITO, KAHIT NA MA NASAKTAN AKO AT MAY MASASAKTAN PA DIN AKO. ALAM KO MAGIGING OKAY DIN ANG LAHAT IKAW NA PO ANG BAHALA SA KANILA. AT MARAMING MARAMING SALAMAT PO. ITINATAAS KITA PANGINOON, SA PANGALAN NI HESUS. AMEN.

At naramdaman ko na unti unting gumagaan ang aking pakiramdam. "Salamat nay sa lahat, ikaw ang nagbigay sakin ng buhay at alam mo lahat ng nararamdaman ko at kahit kailan hindi mo nagawang iwan ako, ikaw na bahala magsabi huh, "



------------END-------------

Bakit Ikaw PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon