chapter 2 (my revenge)

113 5 0
                                    

Christopher's POV

Nakaupo ako sa isang kulay pulang upuan at may mga nakapalibot sa aking mga sexing babae. Nakatalikod sila habang gumigiling pababa, tuwang tuwa ako dahil napakaraming sexy ang pumapalibot sa akin.

Dahan dahan silang humarap at napatayo ako sa aking nakita dahil magkakamuka sila, at ang ikinagulat ko ng sobra ay dahil puro muka ng nerd ang itsura ng mga muka nila.

"Wahhhhhhhhh" sigaw ko, agad akong napabangon sa kama.

"Hai buti nalang panaginip lang iyon, ay hindi pala panaginip iyon kung hindi isang BANGUNGOT." sabi ko sa sarili ko.

"Bwisit yung nerd na yun ah pati sa panaginip ko sinusundan pa rin ako." Dugtong ko pa.

*hikab*

"3"

Daretso kaagad ako sa banyo para maligo dahil may pasok pa ako.

Maxine's POV

"Goodmorning Teddy" sabi ko sa favorite kong teddy bear.

"Alam mo teddy ang ganda ng panaginip ko, tumatakbo daw ako sa isang napakalawak na hardin at sa dulo ay may nag hihintay sa akin na isang lalaki. May nakita akong mga bangin sa dadaanan ko at kailangan ko daw lagpasan iyon para mapuntahan ko yung lalaki. Tapos nun nung hahakbang na ako bigla na akong nagising. Exited na ako teddy kung sino ang lalaking prince charming ko daw sabi nung fairy dun sa panaginip ko" kwento ko na parang bata.

Exited akong pumasok sa bathroom para maligo at maghanda sa pagpasok.

Christopher's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa gate ng school, siyempre lapit naman sa akin lahat ng girls dito at todo pa picture pa, buti nalang walang panget sa kanila.

Ako kasi ang pinakagwapo dito sa university na ito SABI NILA, pero naniniwala ako dun.

Nang makaalis na ako sa mga taong nagpapapicture sa akin ay daretso room kaagad ako, dumating na ang prof namin at nagturo na ng nakakabobong lectures.

*turo*

*kinig*

*turo*

*kinig*

Hanggang sa...

*krrrriinnnggg* "ok class dismiss"

YES!!! Break na, anong ibig sabihin niyan?? IT'S REVENGE TIME wahaha..

Nagaantay ako ngayon dito sa canteen upang maghiganti sa babaeng iyon. Makalipas ang 30 seconds ay dumating na siya, tulad ng dati ganon pa rin ang porma niya ANG BADUY!!

Hinahantay ko siyang umorder ng pagkain, ang dami naman niyang kasama puro mga ganon ang porma ang jojologs.

Tapos na siyang umorder at dadaan na siya sa harapan ko at malalaman niyo na ang plano ko wahahaha.

Ayan na siya!

Malapit na!!

Hanggang sa...

*BLAG*

"Wahahahahahaha" tawanan ng mga tao sa loob ng canteen.

Gusto niyo malaman kung ano ang ginawa ko sa kanya? Simple lang pinatid ko siya at tumilapon sa pagmumuka niya ang mga inorder niya, may pasta may juice basta halo-halo ang nasa muka niya, muka siyang kaning baboy sa itsura niya wahahaha, kung makita niyo lang ang itsura niya matatawa ka promise..

Tumayo siya sa pagkakahiga at nag walk out, ako naman tawa pa rin ng tawa dahil sa nakita.

MISSION SUCCESS...

Maxine's POV

What the F*ck napahiya ako sa mga tao sa loob ng canteen.

Umiiyak ako dahil sa nangyari sa akin, feeling ko wala na akong mukang maihaharap sa mga taong nakakita. Muka akong tanga dahil may kung ano anong pagkain ang nasa muka ko. At ang mas lalong nagpaiyak sa akin ay nandun ang crush ko kyahhhhhh.

Kasama ko ang mga kaibigan ko dito sa locker room. Dahil nagpalit ako ng damit ko. Medyo ayos na rin ang pakiramdam ko dahil nandirito ang mga kaibigan ko.

"Friend ok lang yan bawian nalang natin yung lalaking iyon."sabi sa akin ni hazel 

"Buo na ang loob ko tatakbo ako bilang vice president ng student council para ma tigil na ang pambubully niyang mga yan"

Lagot ka sa akin lalaki ka!! (Sa totoo lang di ko pa alam ang pangalan niya eh ^__^).

------------------------------------------------------------------------------------------------

Updated na hope you like it :)

Save the Planet Kill the Panget (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon