chapter 3 (the candidates of student council)

77 4 0
                                    

Maxine's POV

*trrrrrrriiiinnnggg*

Agad akong napabangon sa aking pagkakahiga ng marinig ko ang alarm clock ko na tumunog.

Tinignan ko ang kalendaryo kung anong meron sa araw na to, parang meron kasi eh.

*unat, unat, hikaaaaabbb ^3^*

Kinuha ko ang kalendaryo at...

"Shocks ngyon nga pala ang entrace ng gustong tumakbo bilang candidate ng student council" gulat na sabi ko.

Ganito kasi yan, para makapasok ka bilang candidate ng student council kailangan mong ipakita ang grades mo ngayong school year. 

Tapos pataasan ng grades yun at panukala, kaya ako todo effort mamaya para makapasok.

Sige maliligo na ako, dahil mahaba nanaman ang pila niyan kailangan kong maging maaga para nasa unahan ako dahil pag di ka nauna at mapunta ka sa pinaka likod eh pwedeng di ka na makapasok dahil hanggang 12 p.m lang yun, 7 am na kaya kailangan ko na magmadali.

"Bathroom I'm here >:D, napaka childish ko talaga bwahaha"

Christopher's POV

May sexing babae na nakatayo sa likuran ko, at ako ay nakagapos at nakablind fold. May hawak-hawak siyang latigo at hinahampas hampas niya ito sa upuan (naririnig ko kasi)

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa harapan ko. At dahan dahan din niyang tinanggal ang blindfold sa mga mata ko. At pagkatanggal ng blindfold ay napatulala ako sa aking nakita dahil ang nerd nanaman ang sexy na babae sa panaginip ko, kung tutuusin siya ay isang HIPON wahahaha. Nanlilisik ang mga mata niya nakatitig sa akin habang may hawak hawak na napakatulis na kutsilyo at akmang sasaksakin niya ako ng biglang..

"Waaaahhhhhhh" sigaw ko at napatayo sa pagkakahiga.

"Hoi nerd ka!! umalis ka dito sa pamamahay ko!!" Sigaw ko.

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang babaeng may hawak na kutsilyo, at akmang sasaksakin niya ako!!

"Waaaaahhhhhh" sigaw ko sa pangalawang pagkakataon. Nagising ako at napatayo sa pagkakahiga at pawis na pawis.

Sinampal ko ang muka ko at nasaktan naman ako "gising na nga ako" 

Sabi ko na kabado dahil baka nandiyan nanaman ang nerd. Paksyet yang nerd na iyan ah ayaw pa rin akong tantanan.

*I'm a little bit of crazy, I'm a little bit of a fool*

"Hello pre ano balita?" Tanong ko.

"Ngayong araw na ang entrance ng gustong tumakbo bilang candidate ng student council ah"

"Oo nga pala noh teka lang magbibihis na ako 9 am na oh cge bye!"

Agad naman akong naligo at nagbihis para makaalis na dito sa bahay na to!!

Maxine's POV

"Maxine!" Sigaw ng tao sa likuran ko. Agad naman akong napalingon sa likuran ko.

"Oh Hazel buti naman naharating ka gudluck nalang ahh ^___^V"

"Oo nga eh muntik na akong ma late buti nalang ginising ako ng kapatid ko." Sagot niya.

Nandirito kami ngayon sa gate ng university at nakapila sa napakahabang pila.

Teka may naaaninag akong isang nilalang na may napakalaking kasalanan sa akin ah. Oo tama ang akala niyo si ahhhmm.. di ko pa alam pangalan niya eh bigyan ko nalang siya ng code name simula ngayon siya na si Mr. Yabang.

Save the Planet Kill the Panget (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon