IHS: Chapter 1

155 10 0
                                    

Chapter 1. Im His Stalker.

-Dianne-

Hi! Ako nga pala si Dianne Bernardo. 16 years old of existence! Nag-aaral ako sa Padilla University. May bestfriend din ako, si Elisha Montes. Magbestfriend kami simula nung 2 years old palang kaming dalawa. Oy teka lang, mamaya na yang kwentuhan! Nandito na si bes.

"Bes!!"

"Bes!! I miss you! Tagal nating hindi nagkita ah?" sabi niya.

"Oo nga eh! Namiss rin kita!!" sabi ko naman sa kanya sabay hug.

"Tara na bes?" sabi niya.

Huh? Eh? Saan kami pupunta?

"San punta natin?"

"Sa canteen. Duh?" sabi niya sabay flip ng hair.

Haha. Nakakatawa talaga tong bestfriend na to.

Nagpunta na kami sa canteen at umupo na ako. Si bes daw kasi mag-oorder eh. Kaya pumayag naman ako, hirap kaya mag-order tapos dami pang tao.

Pero isa lang ang nakakuha ng attention ko, yung lalaking nakashades.

Parang siya lang ang tao dito sa canteen, tapos ang mga paru-paro sa tiyan ko nagliliparan.

Parang lahat ng dugo ko nasamukha ko na, para din akong nakukuryente.

"Uhm, miss okay ka lang?" tanong ni Mr. Gwapo.

Uhm? Lumapit siya sakin. O_O

Para na akong kamatis dito sa canteen! Nakakahiya. >////<

"Miss?" tanong niya ulit.

"Huh?"

"Miss kasi kanina ka pa nakatingin sa akin eh, may problema ba sa mukha ko?"

"W-wala naman..."

"Ahh, ganun ba? Sige alis na ako."

Umalis na siya pero parang may naiwan ata siyang panyo, tatawagin ko pa sana pero wala na siya eh.

"AV?"

"Sino kaya yun?" sabi ko sa sarili ko.

"BES!!" WHATTA!!!!

"Huh?" Yan lang ang nasabi ko. >//<

"Kanina pa ako tanong ng tanong dito tapos hindi ka naman sumasagot sa akin. Atsaka, gwapo yun ah. Sino yun?" sabi niya with matching kilig-kilig boses pa.

"Ahmm.. Ewan ko. Pero may naiwan ata siya eh." Sabi ko.

"Eto oh." Sabay bigay sa panyo.

"AV? Sino kaya yun? Gwapo pa naman!" sabi ni bes.

"Oo nga, minsan lang ang gwapo na mabait." Sabi ko naman.

"Yeep, kaya kumain kana bago mo pa isipin yun." Sabi niya sabay pakain sa akin ng spaghetti.

Habang kumakain ako, este kami. Hindi ko maiiwasang hindi isipin yun. Ang gwapo kasi eh, tapos mabait pa. Nasa kanya na ang lahat pati ang puso ko. Dejoke lang! Basta! Para sa akin crush ko yun! Gwapong mabait!

Pero teka, ano kaya pangalan nun? AV? Andrian Velasco? Al Vin? Grabe naman yun, hahaha.

Ay ewan, basta. Nandito parin kami sa campus, walang klase ngayon eh. May meeting daw ang mga teachers. Buti na nga lang! Dahil kung may klase siguro ngayon, hindi ko yun makikilala. Si Mr. Shades!

-Angelo-

Hindi parin mawala sa isip ko yung babae sa canteen kanina, para bang kami lang yung tao sa canteen? Nababakla na siguro ako. Aish!

Ang ganda niya kasi eh, di maiiwasan na maging crush ko siya.

Pero teka, nasan na yung panyo ko? Pinakaimportante pa naman yun sa akin. Pina-personalized ko yun. May pangalan ko pa dun. 'AV' nakalagay.

Bakit AV? Kasi ako si Angelo Vince Padilla.

Im His StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon