Prologue

197 9 5
                                    

Third Person's POV

"Bakit mo ako iniwan? Saan ba ako nagkulang sayo?" Yan nalang ang nasabi ni Coreen sa sarili niya habang yakap-yakap niya ang dalawang tuhod habang nakaupo sa tabing dagat.
Malungkot na malungkot siya sa mga sandaling ito dahil nag break na sila ng boyfriend niya dahil nalaman niya na may iba pala itong mahal.Hindi rin naman niya masabi sa mga magulang niya dahil wala ito ngayon sa bansa for some business matters.Palaging busy ang mga ito at minsan nalang nakakasama ni Coreen.Sila lang dalawa ng ate niya ngayon sa bahay nila kasama ang ilang mga katulong sa bahay nila.Wala rin ang ate niya ngayon dahil may out of town ito ng isang linggo.
Lumipas ang ilang minuto ng pagkakaupo ni Coreen sa tabing dagat nang may naramdaman nalang siyang may matigas na bagay na tumama sa ulo niya dahilan ng pagkahimatay niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Wahhhhhhhhhh!"Idinaan nalang ni Nate ang sakit at lungkot na naramramdaman niya ngayon dahil sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang babae na si Cassy,ang kasintahan niya.Galit na galit siya sa mundo dahil sa nangyari.Kasalukuyan siya ngayong nasa isang maliit na parke na malapit lang din sa tabing dagat.Dahil wala nga sya sa sarili niya,naglakad nalang siya papunta sa tabing dagat.Habang naglalakad,pumulot siya ng isang bato at hinagis ito direksyon kung nasaan ang dagat.Basang-basa na ang kanyang mga mata dahil sa mga luha niya.Nang wala ng luha ang lumabas, luminaw na ang paningin niya at ngayon lang niya na pansin na hindi pala diretsong napunta sa dagat ang bato na tinapon niya kundi sa isang babae na kasalukuyang nakahiga na sa buhangin dahilan nang pagkakatama ng matigas at bato na tinapon ni Nate sa kanya.

Little Heart Pumps AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon