Chapter 13

284 11 3
                                    

Chapter Thirteen


(Gina POV)


After eleven days, we finally graduated college. Syempre super proud sina Tito at Tita dahil naka-graduate si Gio at cum laude pa. Kahit na hindi ko na sya boyfriend, super proud pa rin ako para sa kanya. Hindi ko man sya boyfriend, wala man na kaming relasyon, pero mahal ko talaga sya kaya proud pa rin ako.


"And because the two of you graduated, we'll have an out-of-the-country vacation!" super excited na balita ni Tita sa aming lahat. "And we will go to... Thailand!"


I should be happy, I must make the most out of all the remaining days that I'm with them. After less than a month, uuwi na ako sa Saudi and I'm not sure if I can see them again.


"Problem?" biglang tanong sa akin ni Ate Billy. "Kanina ko pa napapansin na tuliro ka, may nangyari ba?"


They already know about the break up, and they respect naman Gio's decision. Sa totoo lang, wala naman sa akin kung si Gio ang nakipag-hiwalay, hindi yun big deal sa akin kahit na babae ako at sya yung lalake.


"Ate Billy, I have something to tell you but please don't tell it to anyone, even to Kuya Nathan." Eh syempre, madaldal si Ate, kaya malaki yung probability na masabi nya kay Kuya, but I have to do it. "In two weeks time, aalis na ako ng Pilipinas, and I'm not sure if makaka-balik pa ako."


"What?!" naka-sigaw na tanong ni Ate Billy, tuloy napa-tingin silang lahat sa aming dalawa. "Ay, sorry. Don't mind us, just a simple girl talk." And she pulled me away from them. "Nag-break lang kayo ni Gio lalayas ka na agad! Konting problema wala kayong ibang alam gawin ni Gio kundi ang mag-break, ang wag mag-usap ng masinsinan. Sa tingin nyo ba maaayos nyo yung mga problema nyo? Sa tingin nyo ba magkakatuluyan pa rin kayo kahit mag-soulmate kayo kung para kayong grade one kung umasta?!"


Paaaakkk!!! Sapol na sapol ako sa sinabi ni Ate Billy, pero tama naman sya kaya wala akong masabi. Buti pa sya napansin nya na lagi na lang kaming ganon kapag may problema, pero kami hindi kasi wala kaming ibang alam gawin kundi ang magpataasan ng lipad.


"Kung balak mo na talagang umalis, mag-paalam ka ng maayos, hindi yung basta ka na lang lalayas. Hindi naman namin hahadlangan iyang gusto mo, kasi alam namin na iyon ang kailangan mo."


After she said that, bumalik na ulit sya kila Tita na pinag-uusapan pa din kung saan pupunta as celebration. I don't want to spoil anything, pero ayoko rin naman na patagalin pa ito.


"Ahm Tita..." oh gosh, kinakabahan ako "I think hindi na po ako makakasama sa bakasyon ninyo." Kumunot naman agad yung noo ni Tito at Tita, sama mo na yung tatlong magka-kapatid maliban kay Gio.


"Why?" tanong ni Tita Glenda.


"My mom called me last last week. She told me na kailangan ko ng bumalik sa amin dahil tapos na yung one-year na hiningi ko sa kanilang freedom."

Last Chance From Heaven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon