Chapter 5: Clash

19 0 0
                                    

Chapter 5

"Gabrielle....." Tawag ni Prinsipe na nasa may pinto. "Anong nangyare sakanya? " Tanong ni Prinsipe na kasunod si Rurik

"Pinaiiyak na naman ng gag* nyang boyfriend.. Tsk. " Sabi ko.

"Uhhm.... Wa-g nyo nalang ako pansinin." Pautal utal na sabi ni bestie. Haaaaay.

"Sino? Yung lalaking naglalakad sa labas ? Yung Isa sa varsity ng football?" Tanong ulit ni prinsipe na iaalo na na rin si Bestie.

"Oo. Psh. Ang sama talaga ng ugali nun. Dapat dun bini'Breakan. " inis na sabi ko nalang.

"Oo nga, Gabrielle. Wag ka na umiyak ang ganda ganda mo tapos iiyakan mo lang yung tae na yun." Pag alo ni Prinsipe.

"Oo nga, tsaka-------"

"Tsaka ako nalang boyfriend mo. Pramis di kita papaiyakin." Pagputol ni Prinsipe sa sasabihin ko.

"Psh ! Tumahimik ka nga !" Inis na sabi ko. Kakainis naman talaga e. Pare pareho lang silang mga lalaki e.

"Ano bang ginagawa nyo dito ? " inis na binalingan ko din si Rurik na walang imik na nakatayo lang sa may frame ng pinto.

"Bestie.. hayaan mo na sila. Tara punta na tayo sa room baka nandun na si mam." Sabi ni Bestie na kumalma na at hindi na umiiyak pero halata pa rin na umiyak nga ito. Haaaay labo ko. -_______-

Papunta palang kami sa room. Andami na naman mga bulong bulungan ng mga babae sa hallway. Psh !

"Girl... bakit magkakasama na naman sila. Ang landi talaga ni Gab, boyfriend nya na nga yung si Alden. Lumalapit pa kay Prince. "- Girl 1

"Oo nga. Pero tingnan mo parang umiiyak. Diba kasama nya kanina si Alden?" - sabi naman ni girl 2. Bulong ba yun. PSH ! Ba't dinig ko.

Haharapin ko na sana yung mga babae na nagbubulungan. Dinadamay nila Bestie ko e. Pero hinarang na ako ni Ruru.

"Wag ka ngang war freak" Seryosong sabi nya. Kakainis naman... Ang sarap sapakin neto. Ang sakit nya magsalita.

"Problema mo ba? Atsaka anong pakialam mo? " Seryoso ko din na tanobg sakanya at medyo naiinis. Tumigil na din si Bestie at Prinsipe sa paglalakad.

"Bestie... " paanas na sabi ni Bestie

"Ba't ka makikiaway kung alam mong hindi totoo ang sinasabi nila?" Seryoso pa rin na balik tanong nya sakin. Natahimik ako. Pero inis na inis na talaga ako sakanya.

" Layuan nyo nga kami. 1st day of school. Gulo dala nyo samin. Tara na Best....." Madiin na sabi ko sakanya. Sabay hila sa bestfriend ko papunta sa room.

Pagdating namin sa room. Wala pa naman yung prof pero lumapit samin yung isa namin classmate na lalaki na medyo close din namin dahil class mate din namin last school year.

"Gabby, wala na ba kayo ni Alden? Pinagkaguluhan yun kanina dahil kahalikan yung isang kaibigan ni Elaine si Martina sa Cafeteria." Sabi neto sabay upo sa harapan namin ni Bestie. Ang insensitive. Psh ! Grrrr.

"Ah... ha-yaan m-o na-lang." Pilit na ngiti ni bestie na halatang maiiyak na naman.

Binatukan ko ito.

"Grrrrr. Kakainis ka Kyle. Halata naman na kakagaling lang sa iyak ni bestie...... " Inis na sabi ko sakanya.

"Awwwww. Sakit nun Yhen ah. Sorry di ko sinasadya. " paumanhin naman neto.

"Oo na. Umalis kana. Ang dal dal mo e. " Sabi ko sakanya.

lumipat naman eto ng upuan at dumating na rin yung prof namin kasunod sila Prinsepe at tumungin samin inirapan ko lang sila at si Bestie nakayuko lang.

Nagpatuloy ang klase hangang uwian na namin dahil konti lang talaga ang nagtuturo sa school na to pag 1st day dahil ang tatamad ng mga guro. JOK laang.

After ng lahat ng pasok namin ay umuwi na din kami. At nakatulog din ako pag dating ko sa bahay. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod. At sa dami ng nangyari ngayon....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon