PROLOGUE

34 2 0
                                    




Sino ba naman ang gustong mag isa?

Yung tipong walang mapagkukwentuhan ng mga baliw na karanasan...

Yung tipong walang malalapitan sa oras ng pangangailangan...

Yung tipong walang mapagsasabihan ng hinanakit o kung ano pa man...

O R D I N A R Y O

Yan ka lang nung una,isang babaeng tipikal, walang matatawag na tunay na kaibigan, laging mag isa at lalapitan ka lang sa tuwing kailangan ka, walang masasantungan at mas lalong hindi kilala ninuman.

Gising -- Kain -- Pasok -- Kain -- Uwi -- Kain -- Aral -- Tulog

Yan lang ang ritwal mo sa isang araw, umiikot sa iisang cycle lang. Walang pinagkaiba sa bawat paglipas ng umaga..

Pero what if kung magbago ang lahat?

Na makikita mo yung taong magpapatibok ng husto sa iyong puso. Yung tipong hindi mo namamalayan na palagi mo na siyang sinusundan at may namumuong pag asa sa iyo na mapapansin ka niya. At nang mapansin ka niya, ginawa mo ang lahat para mahalin ka rin niya.

Kaso , paano kung hindi ikaw ang mamahalin nya? Na yung unang mong pag-ibig ay pinagpustahan ka lang pala.

Yung simple at tahimik mong buhay ay magugulo ng dahil sa iyong pagbabago mula ng ikaw ay masaktan. Sakit ng naging hudyat ng pagbabagong hindi mo inaasahan ang kakalabasan.

Paano kung may makilala kang taong pinakakinaiinisan mo sa lahat ng bagay? Na yung taong iyon ay hindi mo lubos maisip na darating yung araw na siya yung mamahalin at magiging rason ng kaligayahan mo. Pero handa ka ba? Handa ka bang harapin yung takot na minsan mo ng naranasan magbuhat ng ikaw ay nagmahal at nasaktan?

Magiging masaya ka ba? Mapapalitan kaya yung takot lalo na't nag iba kana?

SIKAT

Tinitingala...

Hinahangaan...

Kinikilala...

Angat sa iba...

At higit sa lahat pilit ginagaya...

Yung tipong sa lahat ng bagay kailangan maging maingat ka  dahil may mga matang palaging nakasunod at nakakabit na mga taong hindi ka magugustuhan, mga taong hahanapan ka ng butas para maging masama  sa harap ng madla o yung iba naman kakaibiganin ka para maambunan man lang ng kasikatan. Hindi mo malalama kung sino ang totoo.

Paano kung handa ka ng umibig sa ikalawang pagkakataon? Handa ka bang pumasok sa isang relasyon na kung saan hindi magiging pribado ang lahat? Yung tipong lahat ng bagay nakikisali ang iba. Kahati sa oras, atensyon at limitadong kilos ang kailangan. Tatagal ka ba sa ganyang ugnayan

Anong pipiliin mo?

Ang pagiging ORDINARYO na hindi kilala o SIKAT na tinitingala ng iba?

Ang puso mo na nagsasabing magmahal ka na o ang isip mong nagsasabing wag na dahil takot ka ng masaktan pa?

Don't You Dare Mess Up With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon