Ang makulit kong housemate

283 3 1
                                    

                                                                           Ako si xander.

Simple lang ako. Mabait, makulit at matalino. Mayaman din ako at may mansion kami, ayoko nga lang tumira doon, masyado silang tinitingala. Ang gusto ko lang naman, simpleng pamumuhay.

Dito ko nakatira sa isang 2nd floor na bahay. Pinaupahan ko yung isang kwarto para hindi ako nag iisa, kumbaga, kanya yung taas akin yung baba ^_^

-------------------Alex POV-------------------

                                                                      Ako si alex. 

Simple lang din naman ako. May kaya ang pamilya ko kaya iniwan ko sila! Haha, joke lang yun syempre. Mahal ko sila, iniwan ko lang sila kasi gusto kong maging malaya. Nasa korea kasi sila ngayon, gusto ko sa pilipinas tumira.

Eto ako ngayon sa maynila at sobrang laki nito! nahihilo na ako sa paikot ikot. hindi ko kasi kabisado tong lugar. Hanggang sa napadpad ako sa Mc Donald. Kumain muna ako doon.

hawak ko na ang tray ko ng may biglang nangbangga saakin. Actually, hindi siya yung mismong nahulog, nabagsak lang siya kasi burger lang yun tsaka something. nakakainis lang kasi kakainin ko pa yun.

"anu ka ba? bulag ka noh?"

"Ay, miss sorry nagmamadali lang talaga ako."

"I dont care! 당신은 장님 (ang bulag mo!)"

"hindi naman kita naiintindihan."

"bayaran mo to and order me again."

"miss, nagmamadali ako hindi ako pwedeng malate."

"thats your fault. order mo ko! ang tagal kong pu mila doon oh!."

"bibigyan nalang kita ng pera, please."

"Ayoko!!!!"

------------------Xander POV------------------

Sino ba tong babaeng toh? kainis! ang ingay ingay. Sigaw ng sigaw, nagmamadali ako. Kailangan ko pang makipagkita sa kuya ko. Masungit pa naman un, hindi ako iintayin non, sayang yung opportunity ko na makahanap ng trabaho!

"Miss, sige na." 

"No!" may tumawag saakin at si kuya yon.

"Kuya?"sabi ko.

"Where are you?"

"Kuya just a minute. please."

"No! i told you i dont want you to be late! i have so many things to do. this is over xander!"

"Kuya please!" tapos pinatay na ni kuya yung phone.

hayy! hindi naman ako pwedeng magalit sa babaeng toh, pero kung lalaki toh, nasapak ko na talaga toh! Kapag di ako nakahanap ng trabaho, papauwiin ako nina mammy sa mansion! Ayoko!!!

"Oh sige na miss! nagalit na yung pupuntahan ko."

"whatever. Ill wait there."

~after kong pumila~

Inorder ko siya ng gusto niya at ako, umorder na rin ako ng kakainin ko.

"Salamat." sabi nung babae. Tumango lang ako.

"ako nga pala si alex. pasensya ka na kanina ah."

"Wala nanaman akong magagawa doon eh. San ka ba nakatira?" tanong ko sakanya.

"Ahh, wala pa eh. Kakauwi ko lang galing sa korea. Di pa ako nakakahanap ng matitirhan." sakto, kapag tumira siya saken, magbabayad siya ng renta niya. galing ko talaga.

"Ah, gusto mo dun ka nalang sa pinapaupahan kong room?"

"Maganda ba yun?"

"Oo. ililibot kita kung gusto mo?"

"Oh sige."

After naming kumain, dinala ko na siya sa bahay ko.

"Oh, eto nga pala yung bahay ko. Akin yung baba, sayo yung taas. kumpleto na din naman doon."

"patingin ako."

"sunod ka sakin."

~sa taas~

"eto yung kwarto mo. May tv na yan, table, upuan."

"Wow. Magkano?"

"2,500 a month."

"hmm, sige!" di ako makapaniwala na umoo siya sa taas ng presyo ko. hahaha!

 "Sige maiwan na kita."

"Salamat ah."

"okay lang yun. Ako nga pala si Xander."

"Hi xander!" 

Ang cute niya kahit ganun siya. Nakakatawa, para ngang nawala na yung galit ko sakanya eh. May pagkamakulit nga lang siya.

~Next Day~

-------------Alex POV---------------

Sobrang saya ko ngayon, pilipinas!!!

Ang sarap, gusto kong sumigaw sa mukha ni xander. Bumaba ako para bumili ng almusal ko, kaso nakasalubong ko si xander.

"Oh xander ikaw pala."

"Lalabas ka ba?"

"Oo, bibili ako ng almusal ko. Kumain ka na ba?"

"Ah, hindi pa. Alam mo na ba kung saan bibili?"

"kaya ko na yun ako pa."

"Sigurado ka?"

"Oo. Babye!" lumabas na ako ng bahay.

Ang makulit kong housemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon