Accident.

124 1 0
                                    

Lumabas na ako para bumili ng makakain. Ang saya dito sa labas, andaming tao. iniikot ko ang mata ko sa paligid ng makakita ako ng bata na masasagasaan kaya tumakbo ako para iligtas siya. tinulak ko siya kaya ako ang nabangga. Wala na akong maalala sa mga sumunod na nangyari.

~pagkagising ko~

Bumungad sa mukha ko si Xander na hawak ang kamay ko.

"Xander?" nangmagsalita ako, tinanggal niya bigla yung kamay niya saaken.

"Okay ka na ba?"

"Oo. Baket ako nandito? Okay lang naman ako eh."

"Hindi ka okay. Humagis ka daw nung masagasaan ng kotse."

"Eh, kelan ako makakaalis dito?"

"mga 1 day pa daw."

"Xander ayoko! takot ako sa ospital. Sige ka iiyak ako."

"Wala akong magagawa doon. 1 day nalang naman eh."

"Xander please! Ayoko."

"Oh sige, sasamahan nalang kita matulog."

"Okay lang ba sayo?"

"Oo."

"Thank you Xander ah! alam mo ang gaan ng loob ko sayo kahit kahapon lang kita nakilala." wala siyang sinagot.

"Xander, okay lang naman eh. wag na, mag iistay nalang ako mag isa dito. Mukhang ayaw mo kasi eh."

"Pagod lang ako ngayon."

"Umuwi ka nalang."

"Hindi alex, okay lang saaken." tapos dumating yung doctor.

"Good afternoon."

"ay doc." sabi ko.

"kamusta na po ba si Alex?"

"Hindi pa maayos ang pagdaloy ng dugo niya sa paa. Pwede na siyang umuwi ngayon pero kailangan, may aalaga sakanya. kayo po ba ang boyfriend niya?"

"Ah oo." sabi ni xander. Kinurot niya ako sa kamay.

"Ah. Mabuti naman yun. Pwede ba tayong mag usap?"

"Opo." tapos lumabas na sila.

Baket ba kailangang sabihin ni xander yun? ilang minuto pa, pumasok na ulet si xander sa kwarto.

"Sige mag ayos ka na. Uuwi na tayo."

"Xander matanong lang kita."

"Ano?"

"Boyfriend kita?"

"Hindi totoo yun. Pag sinabi ko kasi sa kanila na hindi kita kakilala, hindi nila ibibigay yung eksaktong gagawin. Ikaw lang naman kasi mag isa dito diba?"

"Ah, salamat xander ahh. tara na uwi na tayo."

~sa bahay~

-------------Xander POV------------

"Humiga ka muna sa kwarto mo ipagtitimpla kita ng.. Ano ba gusto mo?"

"Ako nalang magtitimpla."

"No. Sabi nung doctor, kailangan mo daw alagaan. Hindi ka pa pwedeng maglakad."

"Nahihiya na ako sayo. Pwede namang wag mo na gawin eh."

"Hindi. Simula ngayon, close na tayo."

"Chocolate"

"Sige bibili muna ako." Bumili na ako ng chocolate sa tindahan na malapit, kinanawan ko na din siya at ipinanik sa kwarto niya.

"Oh." umupo na siya at inabot yung chocolate. "Ano bang balak mo dito sa pilipinas?"

"Gusto ko kasi sana maggala dito. Gusto ko malibot toh. 2 months nga lang ako dito eh. Kaya ayoko talaga ng nangyayari saakin ngayon."

"Isang araw nalang naman yan. hayaan mo, sasamahan kitang maglibot."

"Xander, kahit wag na."

"Ayoko nga. Mamaya masagasaan ka nanaman. besides, hindi mo pa naman kabisado toh diba?"

"Xander, bat mo ba ginagawa toh?"

"I just want to know you. Ayaw mo ba?"

"Ahh, hindi naman sa ganun."

"Then, dont ask me anymore. Magpahinga ka na. Im sure, pagkagising mo maayos na yang paa mo."

"Eh ikaw?"

"Okay lang ako." 

Humiga na siya at natulog. Natulog na din ako sa may sofa, ang aga ko kasing nagising eh.

~7:30pm~

Nagising ako ng wala si Alex. Tumakbo ako pababa at nakita ko siya doon na hinahanda na ang kakainin ko.

'Alex, bat ka na bumangon?"

"Okay na ako. Ako naman mag aalaga sayo."

"Alex, okay lang. Ako na dyan."

"Xander, tapos na. Kain na tayo."

Kumain na kami at pumanik na siya. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya sa kwarto niya pero hinayaan ko na siya.

12:30am na ulet ako nakatulog pero nagising din ako mga bandang 2am kaya sinilip ko si Alex sa kwarto niya. Naka lock yung pintuan kaya hinayaan ko na lang.

Ang makulit kong housemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon