I'd Rather. Chapter 1

22 2 0
                                    

"Zyreeeeeennnneee!!!!!""

Nakailang katok at sigaw na si mommy sa kwarto ko, trying to wake me up. Pero gising naman talaga ako, ayaw ko lang bumangon muna. Kaya hinahayaan ko nalang muna si mommy na magkakakatok at magsisisigaw diyan, exercise na din ng bunganga at kamay niya yon.

"ZYREENNEE, OPEN THIS DOOR, OR ELSE WAWASAKIN KO TO. ALAM KONG GISING KA NA, OPEN THIS DOOR."

Lagot galit na. Wala na akong nagawa kundi buksan yung pinto, baka kasi totohanin niyang wasakin tong pintuan. Sayang yung time at effort nanaman sa pagpapaggawa kung sakaling mawasak niya.

"Bakit po ba ma?"

"Anong, bakit bakit mo diyan bumangon ka na nakakahiya sa bisita mo. Kanina ka pa hinihintay, hay naku Zyrene ang tanda mo na, umayos ka naman."
Here we go again. Sermon here, sermon there, sermon everywhere. Kulang na nga lang maglagay kami ng maraming church chair at malaking altar dito sa bahay at si mommy ang magiging pari, napaka expert niya kasi sa sermon.

Pero wala naman akong magagawa, syempre anak lang ako, ina ko parin siya.

"Sino po ba yung bisita?"

I ask trying to avoid my mother's sermon thingy.

"Si Sophie."

Takte, siya lang pala akala ko naman sobrang importante aasarin lang nanaman ako niyan.
"Pakisabi mommy akyat nalang siya dito sa kwarto."

"Nagmommy ka tapos uutusan mo ako, hala sige mag ayos ka na't papa akyatin ko na siya dito."

Sagot ni mommy. Ang bait talaga ng mommy ko masermon nga lang.

Pagkalabas niya ng kwarto ko agad akong nagpunta sa Cr para ayusin yung sarili ko. Bigla tuloy akong napaisip, ano kayang pinunta nanaman ni Sophie dito.
Wala pang ilang sandali ay may kumatok na sa pinto. Alam kong si Sophie yon kaya pinagbuksan ko na.

"Anong pakay mo dito ha bes? Alam mo bang ang ganda ganda na nang panaginip ko, tapos bigla akong gigisingin ni mommy dahil meron ka."

"Ano kaba Zy, nagpunta lang naman ako dito dahil ano."

Pabitin effect?

"Ano!?" Tanong ko.

"Hindi mo ba naaalala? Manunuod tayo ng game ng boyfriend mo ngayon."

Shit!? Laro ng boyfriend ko!? Pagkasabi ni Sophie ang tungkol don bigla nalang akong nalungkot, naalala ko kagabi nag away nanaman kami ni Daniel.

"Oh, bakit bigla ka atang nalungkot bes? Ah alam ko na nag away nanaman kayo no."

Tama ka bes, tama ka. Ito nanaman siya sesermon nanaman gaya ni mommy.

Nasanay na ako sa ugali ng bestfriend kong to na sa tuwing nag aaway kami ng boyfriend ko eh nagnenermon din, nagpapangaral kumbaga. Kaya mahal ko ting bestfriend kong to eh.

"Basta, ayaw kong manuod bes."

Pag iiwas ko sa tanong niya. Eh paano ba naman kasi kung pupunta ako dun hindi din lang ako papansinin ni Daniel at kapag nag punta ako doon siguradong ako nanaman ang lulunok ng pride at lalapit sakaniya't makikipag bati.

Gusto ko siya naman yung gumawa ng ginagawa kong yon. Gusto ko siya din naman lumunok ng pride para maramdaman at maranasan niya din kung ano yung feeling ng ganon.

"Ganito nalang bes, sasamahan mo akong manuod pero hindi tayo magpapakita kay Daniel."

"Sira kaba makikita't makikita tayo nun." sagot ko kay Sophie.

"Ano kaba bes, maraming taong manunuod don, eh di sa maraming tao tayo mag stay, sige na bes please, gusto ko lang makita si ano.."

"Sino si Mat, yiee! Ikaw bes ah, hindi mo pa kasi amining may gusto ka sa pinsan ko."

I'd RatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon