Hindi ako naniniwala sa kasabihang, "opposite attracts". Simula noong nag-high school ako ito na yata ang lagi kong naririnig sa mga kaklase ko. Ewan ko ba sa kanila. Sabi nga nila, hindi ko raw sila maiintindihan kasi hindi ko pa raw iyon nararanasan. Dagdag pa nila, wala raw akong oras pagdating sa mga ganyang bagay puro raw kasi ako aral at Student Council. Oo, student council.
Ako nga pala si April De Guzman. 17 years old at pangatlong taon na akong nakaupo sa Student Council bilang Presidente. Inaamin ko, nakakapagod din pero masaya kasi kahit papaano ay naayos ko ang pangalan ng paaralan namin. All boys school kasi ito rati kaya halos puno ng dungis at di kaaya-ayang balita ang East High. Natutuwa ako at ako pa rin ang presidente nila kung hindi baka bumalik na naman ito sa rati. May pagka-bully kasi ang mga lalaki rito kaya kawawa iyong mga babae noong unang taon na tumanggap ang East High ng mga estudyanteng babae. Marami pa rin ang populasyon ng mga lalaki hanggang ngayon pero kahit papaano hindi na sila tulad ng dati. May galang at may respeto na sila o baka natatakot lang sila sa akin kaya ganoon. Kung ano man ang dahilan nila, wala na akong pakialam basta ba maging maayos lang paaralan namin.
Wala na sanang problema kaso last year may dumating na kumag na gangster. Gangster kasi ang pangit naman pakinggan ng basagulero, smoker, badass, walang modo at suwail. Iyon na talaga siya e kaso alam niyo ba na siya na rin yata ang karma ko? Karma ko sa mga lalaking dati kong pinapagalitan at pinaparusahan. Higit sa lahat, siya rin ang taong nagpaniwala sa akin na "opposite attracts do exist".
BINABASA MO ANG
The Paradoxical of Us
Teen FictionIsang kwento ng "opposite attracts" at buhay hayskul ng isang nagngangalang April H. De Guzman. Siya ay iang palaban na babae at student president ng East High, ang eskwelahan na kilala sa mga basagulerong mga lalaki at mga patapon na mga mag-aaral...