"Andrei! Bilisan mo na, ma-lalate na tayo oh. 6:50 am na", tawag ko sa aking kapatid. First year na siya at naisipan niya ring pumasok sa East High. Kaming dalawa lang ang magkasama ng kapatid ko kasi si Mama nasa ibang bansa para magtrabaho at si Papa naman ay hindi na namin nakita simula noong 7 years old ako at 4 years old noon si Andrei kaya medyo vivid sa kanya ang itsura ni papa.
"Eto na ate!" sagot niya habang tumatakbo pababa ng hagdan. Isang jeep lang naman ang layo ng school namin mula sa aming bahay kaso sa ganitong oras, trapik na.
"Sabi kasi sa'yo ayusin mo na 'yan kagabi e. Tsk. Tara na!" ngumiti lang siya at tumakbo para mauna sa sakayan ng jeep. Nang malapit na ako sa kanya ay pumara na siya ng jeep, pinauna niya muna akong sumakay tsaka siya sumunod.
"Bayad po. Dalawa pong estudyante sa may East High lang po." sabi ng kapatid ko sabay harap sa akin at sinabing, "Iyan ate, nilibre na kita a? Alam ko kasing mala-late na tayo at ayokong magalit ka pa sa akin. Mas lalo ka kasing pumapangit." sabay tawa niya. Loko talaga 'tong batang 'to, kaya naman naisipan ko siyang batukan.
"Aray! Bakit mo ako binatukan? Nilibre na nga kita e." take note with matching puppy eyes niya sinabi yan.
"Ang sweet mo kasi e." Tumawa lang siya ulit pati ako natawa na rin. Unti-onting nagsibabaan na ang mga pasahero at kaming dalawa nalang ng kapatid ko ang natira.
"East High!" wika ni Manong at huminto na siya sa harap ng school namin. Malaki ang East High. May apat na gate ito na may kanya-kanyang bantay na guard. Madamo at kahoy din kaya naman maaliwalas talaga ang pakiramdam mo sa loob. Kumbaga, para kang nasa forest na may mansion sa gitna. All boys school ito rati kaya naman maraming 'di magandang balita tungkol sa aming paaralan.
Pumasok kami ng kapatid ko sa gate 1. Dito kasi nagbababa ang mga dyip mula sa amin. Katapat ng gate 1 ang Mcdo at 711 kung saan dito tumatambay ang ibang mga estudyante tuwing umaga o uwian. May iba rin namang kainan katulad ng kalenderya ni Mang George na suking-suki ang fried chicken at sisig house ni Manang Ester. Naghiwalay na kami ng kapatid ko pagdating sa bulletin board at pumunta na sa kanya-kanya naming buildings. Sa building 1 kasi ang mga freshmen, building 2 ang sophomores, building 3 ang juniors at sa building 4 ang mga seniors. Sa building 4 ako papunta. Medyo malayo ito kasi halos nasa gate 4 na ito. Dulo-dulo kumbaga. Tinakbo ko na papunta sa building. Pagdating ko sa gate 4 wala ng mga estudyante sa corridors. Late na talaga ako kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang takbo.
"Aray!" Sabi ko ng biglang may bumangga sa aking lalaki,
"Ang t*ng* mo naman! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sabi niya sabay alis. Buti nalang talaga at late na ako kaya kailangan ko ng magmadali kundi talagang hahabulin ko siya. Amp! Nakakainis, ako pa tanga? Tsaka, bakit tanga agad, hindi ba dapat bulag? Ewan! Siya nga 'yung biglang sumulpot. Ang bopols lang pero mas bopols ako kasi hindi ko ginamit elevator para makarating sa room. Pagkatapos ng pag-akyat at pagtakbo, nakita ko rin Rm. 302-A."Good morning Sir!" Nauutal at hinihingal na bungad ko sa harap ng classroom namin.
"Sorry I'm late." Tumingin siya sa orasan at sinabing, "Ang aga mo Ms. De Guzman, maganda kang example sa iyong kapwa estudyante bilang Presidente ng East High." Nagtawanan ang lahat ng marinig iyon. Nakakainis! Na-late na ako, nakabangga na ako ng kumag at ngayon naman! NAPAGTAWANAN AKO? Hayy. Ang ganda ng first day ko."Sorry po ulit, Sir." Pagka-wika ko ay may pumasok na isa ring estudyante na mukhang late na katulad ko. Ayos! May karamay ako pero....paglingon ko ay nakita ko ang lalaking nakabangga ko kanina. Matangkad at medyo maputi siya pero mukha siyang basagulero sa suot niyang hikaw, mahabang buhok at nakataas na sleeves ng uniform. Alam ko dapat ko siyang sitahin kaso nga lang, late rin ako kaya parang wala rin akong karapatan na pagalitan siya lalo na't nasa harap kami ng guro.
BINABASA MO ANG
The Paradoxical of Us
Teen FictionIsang kwento ng "opposite attracts" at buhay hayskul ng isang nagngangalang April H. De Guzman. Siya ay iang palaban na babae at student president ng East High, ang eskwelahan na kilala sa mga basagulerong mga lalaki at mga patapon na mga mag-aaral...