Nauna na akong pumasok kay Andrei kinabukasan dahil kailangan ko pang kunin ang mga files namin last year sa Student Council para maging guide na rin sa mga plano namin this year. After kong dumaan sa Rm. 201 na pinalitan na rin namin ng sign na Student Council, pumunta na ako sa classroom namin. Nagulat ako ng pagpasok ko ay nakaupo na si Kumag sa upuan niya, nakapikit ito habang may earphones na nakakabit sa kanyang tenga. Ngunit, hindi lang iyon ang aking napansin, napansin ko rin na may mga band aids siya sa mukha at kamay na halatang nakuha niya lang kahapon. Hindi ko napansin na naglakad na pala ako papunta sa kanya kaya nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang mga mata niya at tinignan ako ng masama.
"Ah... eh... Good morning!" sabi ko habang nakatingin pa rin siya sa akin. Tumayo ito na ikinagulat ko kaya naman natumba ako pero wala pa rin siyang pakialam at iniwan ako roon. Padabog siyang lumabas ng classroom na para bang ako pa ang may naging kasalanan. Tumayo ako at sinigaw na "Nakakainis ka talaga! Ang pangit mo pati ng ugali mo!" Inis akong umupo sa upuan ko, hindi naman masakit iyong pagkakatumba ko. Nagbasa na lang ako ng literature book. Unti-onti ay dumami na rin ang mga tao sa classroom namin.
"Good morning, Ril!" bati sa akin ni Lawrence.
"Morning din." bati ko rin naman sa kanya. Bumalik din naman ng classroom si Kumag bago dumating ang bagong teacher na sub yata ni Sir.
"Uy April!" bulong sa akin ni Benjamin.
"Oh?" sagot ko naman sa kanya.
"Bukas na iyong fresh welcoming 'di ba?" Tanong niya.
"Baka naman ang gusto mong sabihin ay opening ceremony?" Natatawa ko namang tanong sa kanya.
"Ah, oo iyon nga." Sagot niya naman.
"Oo." Hindi ganoon kalaki ang school namin pero every start ng school year ay mayroon kaming Opening Ceremony. Para talaga sa mga First year iyon pero required pa rin umattend ang mga higher levels kasi pinapaliwanag din ang mga rules and regulations ng East High tsaka pinapakilala kung sino ang teachers, head ng school, principal at ang bagong SC. Pinapakita rin ang mga facilities ng school tulad ng gym, library, cafe, canteen, swimming pool at kung anu-ano pa. Sa Opening Ceremony din tinatalakay ang history ng school dagdag pa rito ang pagpapakilala ng iba't-ibang clubs na maaaring salihan ng mga estudyante at syempre hindi mawawala ang speech ng nakakuha ng pinakamataas na score sa entrance exam.
"Good morning, class! I'm Ms. Saki, ang adviser ninyo." Hindi namin napansin na pumasok na pala ng classroom iyong teacher namin, medyo natutuwa pa kasi ang karamihan sa pagkukwentuhan kaya maingay.
"Wooh!?" Pagkagulat ng lahat na medyo OA ang dating. Akala kasi namin si Sir Ken na iyong adviser namin, iyon pala siya iyong substitute.
"Alam kong nagulat kayo. Halata naman sa reaksyon ninyo. Hindi ako nakapasok kahapon dahil kakauwi ko lang mula Japan. Half-Filipino at half-Japanese ako kung inyong itatanong."
Napansin kong biglang napatingin si Ma'am sa likuran kung saan nakaupo si Kumag. Mukhang tulog ito at nakikinig sa musika. May earphones na naman kasi. Nagulat ako noong ngumiti lang si Ma'am.
"Okay! Dahil first time nating magkitang lahat, kailangan ninyong magpakilala, sabihin ninyo kung ano ang gusto o interes ninyo pati na rin iyong mga ayaw niyo. Start sayo!" Nagulat nalang ako noong ako iyong unang tinawag ni Ma'am. Tumayo naman ako at nag-umpisa nang ipakilala ang aking sarili,
"Hi! I'm April H. De Guzman. Gusto kong mabago ang tingin ng ibang estudyante sa paaralang ito kaya naman ayoko sa mga taong muling sisira ng reputasyon nito. By the way, you'll get to know me more if you become my friend. Iyon lang po, salamat. " Umupo na ako ulit.
BINABASA MO ANG
The Paradoxical of Us
Teen FictionIsang kwento ng "opposite attracts" at buhay hayskul ng isang nagngangalang April H. De Guzman. Siya ay iang palaban na babae at student president ng East High, ang eskwelahan na kilala sa mga basagulerong mga lalaki at mga patapon na mga mag-aaral...