Mysterious Dream

61 4 2
                                    


-Author's note
Sorry sa wrong spelling and grammar. Busy kasi kaya di ko ma-edit. :)

Thanks for understanding.

------

Lhian's POV

Malamig ang tubig dagat. Nakadama ako ng ginhawa ng dumampi ang tubig sa balat ko. Nagsimula akong lumangoy patungo sa malalim na parte ng dagat.

Malayo sa kalungkutan. Malayo sa mga problema.

pero...

Nakadama ako nang kung anong pumulupot sa isa kong paa.

Maya maya pa ay nagpanic na ako ng hinihila na ako nito  pailalim.

"Tu-tulong!?"

Pero walang tao sa paligid.

"Tulong!?" Sigaw ko.

May natanaw akong pigura ng lalaki sa may dalampasigan.

Sinubukan kong kumaway upang makuha ang pansin ng lalaki.

Maya maya pa ay tuluyan na akong nahila pailalim.

Nanghihina ako.

May nararamdaman akong kung anong malamig na dumampi sa balat ko.

Parang may bumubuhat sa akin.

Dumilat ako.

Tama.

May sumagip sa akin.

Buhat buhat niya ko patungo sa buhanginan.

"R.C"

May tatoo siya sa leeg.

Sa ilalim ng kanyang tenga.

"Lhian" narinig kong sabi niya.

Bakit niya ko kilala?

"LHIAN!?"

Nagising ako.

Hinihingal ako.
Pakiramdam ko sobrang pagod ako.

"Pawis na pawis ka Lhian! Binangungot ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Cassie

"Gigisingin sana kita kasi magbebreakfast na. Pagpasok ko sumisigaw ka habang tulog. Nataranta ako."

"Sorry pinag-alala na naman kita" Sabi ko. Pinunasan niya yung noo ko.

"Okay lang. Ayos ka na ba? Anu bang napanaginipan mo?"

"Wala, hindi ko maintindihan eh, medyo magulo "

Huminga siya ng malalim.

"Okay ka na ba talaga?"

Tumango ako.

"Sige. Baba ka na ahh magbreakfast ka na"

Tumango lang ako.

Paglabas ni Cassie.

Inisip ko yung panaginip ko

"R.C?"

Yun yung tattoo ni Xian.

Di kaya siya yung sumagip sa akin?

Naligo na ako at bumaba. Naabutan ko silang nagplano ng gagawin namin for today.

"Mag beach volleyball kaya tayo?" Suggest ni Tony.

"Good idea! What do you think Lhian?" Tanong ni Misty

"Huh? Ah-okay lang. Mukhang masaya nga." Sabi ko umupo ako sa tabi ni Troy.

Nasa isip ko pa din yung panaginip ko. 

Roswell CasterWhere stories live. Discover now